22

20 1 1
                                    

Jack's POV








'FVCK! KESH IS HERE!'

Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya magtago dahil balak ko sanang surpresahin siya sa bagong haircut at bagong kulay ng buhok ko! Isa pa, hindi gano'n kaayos ang itsura ko dahil bukas pa ang dalawang butones ng longsleeve ko! Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Na nakipag-make out ako sa mga nakasama ko sa loob ng bar?! Eh, wala nga akong pinapalapit ni isa sakanila!

"H-ha? Magkakilala kayo ng babae?" tanong ni Ara sa amin at tinuro pa si Zenaida..

"Ah, oo.. She's one of my employee! The one I told you earlier."

"Ah, yung dating..." pagputol ni Koro sa sasabihin nung bigyan ko siya ng tingin na sinesenyasan siyang i-preno niya ang sarili. Napatikhim naman siya't tumitig kay Zenaida. "P-pero teka.. Parang napapamilyaran kita.."

"Ha?"

"Pamilyar ka sa akin.. Parang nakita na kita noon."

Nagpamaywang naman ako at yumuko kay Zenaida. "Hey, Kesh.. Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na, nandito ka pa? Mag-isa ka lang ba?"

"Kasama ko si Bane, yung pinsan ko hehe.. Bumili lang kami ng mga kakailanganin ko bukas.."

"Ah, para sa cosplay mo?" tanong ni Clarence.

"Mm.. Pumuntang banyo si Bane kaya nagpaiwan muna ako. Ikaw ba?"

"A-ahh.. Yeah.. Uhm, this is Jane and Koro. They are engaged and kaibigan namin sila nila Kourtney." pakilala niya doon sa dalawa.

"Mister Cruz.. It's nice to see you again," bati niya kay Koro kaya lahat kami ay napatitig na sakaniya. Si Koro naman ay napapalakpak.

"Oo nga! Architect La Fuerte! Nice to see you again!" pakikipag-kamay na ni Koro kay Kesh na napangiti at inabot din ang palad kay Jane na nabibiglang tumitig sakaniya. "And this is my fiancé, Jane Quinta.. The one I told you before."

"Oooh, she's gorgeous! Nice to meet you, finally, Miss Jane."

"A-ah, nice to meet you din--!!"

*--tsup!*

Naiawang naming lahat ang mga labi nung halikan ni Zenaida ang likod ng palad ni Jane na ngayon ay nagsimula nang mangamatis ang mga pisnge. Napatitig ulit ako kay Zenaida at nagmukha na siyang isang elegante ngunit makapangyarihan na tao dahil sa tindig niya.

"T-thank you, hehe.."

"Sabi ko sa'yo, may pagka-gentleman siya eh.. Hehe!"

"K-kaya nga, eh.. Pero, uhm, Architect La Fuerte! Taga-dito ka pala sa Manila.. Saka empleyado ka pala ni Sandra? Akala ko nagtatrabaho ka sa agency kung saan pumapasok si Koro, eh.."

"Ah, no.. Hindi ako pumapasok ng isang agency.. I kind have a low profile."

"What are you saying? La Fuerte's are the richest inside of this country. Imposibleng mayroon kang low profile. You mean is LOWKEY profile." ngosing sabi ni Koro kaya napasapo na ni Sandrina ang bibig. Ako naman ay hindi makapaniwala.

Kilala ang mga La Fuerte sa kapangyarihan at kayamanan na mayroon sila. Mayroon silang napakaraming lupa, hindi lamang sa bansang ito. Pati na rin sa iba pang bansa. Bulgar sila sa kung anong meron sakanila kaya nga kilalang-kilala sila, pero hindi ko naman inaasahan na may isang myembro na pala ng pamilya nila ang nasa harapan namin ngayon. At hindi ko din inaasahan na si Zenaida iyon. Alam kong nanggaling na siya sa mayamang pamilya dahil isa rin sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas ang pamilyang Aguilar pero ibang-iba ang La Fuerte. Sad'yang kakila-kilabot ang angkin nilang kapangyarihan.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon