25

11 1 1
                                    

the PARTY










Jack's POV

"Putang ina! Ano bang nangyayari!" sigaw ko dahil sa paggulo ng mga tao. Ang inaasahan kong pagsalubong namin ni Zenaida sa ibaba ay puro hiyawan ng kasiyahan, ngunit bakit nagiging ganito ang nangyayari ngayon? Nasaan sila Sandrina? Sila Kourtney? Tumingin ako kay Zenaida para alamin kung ayos lang ba siya dahil ayaw niya sa crowded at maingay pa. Pero nakikita kong nagtataka din siya sa nangyayari at walang halong senyales na pag-atake sakaniya.

Pabuntong-hininga kong hinigpitan ang kapit sa kamay niya dahilan para mapatingala siya sa akin. "Ayos ka lang?" tanong ko kaagad. Ayaw kong makampante na ayos lang siya sa pamamagitan ng pagbasa sa ekspresyon niya. Gusto kong siya mismo ang nagsasabi.

"A-ayos lang ako.. Ikaw ba?"

"Mm, ayos lang.. Pero kailangan nating hanapin sila Sandrina."

"Mm." tango niya at hinatak na ako sa kung saan. "Hanapin natin silang pareho.. Kailangan ko ring hanapin sila Zia dahil baka may kung ano nang nangyari sakanila."

Tumango naman ako at doon na kami nagsimulang maghanap na dalawa.. Pero ang ikinabubulusok ng inis ko sa dibdib, bakit nawawala ang lahat ng mga security na dapat nakabantay sa bawat sulo? Ultimong sa labas ay may bantay doon. Lumabas sila paniguradong lahat kaya nasa labas din ang securities. Pero nung sinubukan naming maghanap sa labas ni Zenaida, wala kaming nahanap kung hindi ang mga empleyadong kanina'y nagkakasiyahan ngayon ay nagmamadali nang magsiuwian.

"Tang ina!" singhal ko at agad kinuha ang cellphone ko at ini-dial ang number ni Kourtney. Ngunit hindi siya sumasagot. Kaya hindi ko maiwasang mapapadyak dahil sa pag-aalala. Tumingin ako sa isang empleyado at kinalabit siya. "Miss, teka nga! Ano bang nangyari't.. nagtatakbuhan kayo?! Anong.. anong nangyari sa party?"

"N-nung lumabas po k-kasi kami, Sir para pagmasdan yung fireworks.. sakto po non, may pumalibot sa aming mga securities pero hindi naman po namin inaasahan na hindi naman po pala securities nila Miss Sandrina iyon.."

"O-oh.. Tapos? A-anong nangyari?"

"Kinuha po nila sila Miss Sandrina at hula ko nga pong may balak sakanila ang mga kumuha sakanila.. Sir, ano na pong gagawin natin?! Nag-aalala po ako para kila Miss Sandrina!"

"E-eh, yung Packaging Design Team? Nasaan sila?"

"N-nasa kotse po yata nila.. Hinahanap daw nila yung isa nilang kasamahan."

Agad akong lumingon kay Zenaida at pabuntong-hininga na hinatak siya papunta sa mga kotse para hanapin ko doon iyong team niya. "A-allen, anong ginagawa natin?"

"Hinahanap ko yung team mo."

"H-ha?"

"Hinahanap ka nila at mas mabuting nasa kanila ka habang hinahanap ko sila Sandrina.."

"P-pero.. baka mapahamak ka! Kailangan kong samahan ka.."

"Hindi pwede.. Kailangan kang maging ligtas.." agad kong saad at nung mahanap ko na nga iyong PD Team ay agad kong binuksan ang kotse nila dahilan para gulat nila akong nilingon. Napabuntong-hininga naman ako. "Kasama ko si Zenaida, pakibantayan siya!"

"Allen!" agad na hatak sa akin ni Zenaida pero nakangiti ko siyang tinapik sa ulo at binigyan siya ng halik sa noo.

"Magiging ayos lang ako, babalik ako agad.." paninigurado ko at tumakbo na sa loob. Wala nang tao doon pero posibleng mahanap ko pa sila Sandrina basta pag-iigihan ko lang. Ayaw kong maging kampante na nakaalis na sila pero kasasabi palang ng babaeng empleyado na may kumuha kila Sandrina at isa lang ang pumapasok sa isip ko na magiging dahilan non.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon