36

8 2 2
                                    

Jack's POV











"Tito, si Kesh po.. ?? Bakit.. bakit hindi niyo po siya kasama?" tanong ko kay Tito Zoren na tapos nang gamutin. Nasa loob na siya ng private room niya at kanina lang ay tinawagan niya ako. Ang akala ko kung sino, yun pala ay siya lang. Ang akala ko nga kung anong kinakailangan nito, yun pala'y may nanghimasok daw sa bahay nila. Pero ang mas ipinag-aalala ko ay wala si Zenaida doon. Nasaan ang girlfriend ko?

I tried to call her pero walang sumasagot.. Nagriring pero hindi siya sumagot. Nag-aalala na ako ng sobra.

"Naiwan siya sa bahay, at hanggang ngayon wala parin tayong balita sakaniya.. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko, Jack. Paano kung mapahamak siya? Sana pala y binalikan ko siya.." naiiyak nanamang sabi nito at akma na ngang tatayo nung pigilan ko siya..

"Tito, 'wag ka munang bumangon.. Kakagamot lang sa'yo.."

"Kailangan kong bumalik sa bahay, Jack.. Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa ang anak ko," dahilan nito ngunit hindi ko siya hinayaan at pwersahan pa siyang binalik sa pagkakahiga na. "Kailangan niya 'ko,"

"Tito naman.."

Aakma sana siyang tatayo ulit nung biglang bumukas ang pintuan ng silid na kinalalagyan namin. Akala ko ay sila Sandrina na lang iyon dahil nasa kabila naman sila pero nang makita ko ang kanina ko pang hinahanap na tao ay napatayo na 'ko.

"Kesh, hun," agad kong tawag kaya napabaling siya sa akin.. "Honey.."

Agad siyang tumakbo sa akin at binigyan ako ng yakap. Saglit lang iyon dahil sunod niyang binalingan ang ama na ngayon ay nagsimula nang humagulgol na para bang bata. "A-anak ko.." paghikbi pa nito habang mahigpit na niyayakap si Kesh. "Anak.. Napuruhan ka ba ng malala? N-nasaan ang.. nasaan ang gumawa sa'yo niyan? Hmm? Nasaan?"

"'Wag na po nating pag-usapan iyon, Papa.. Ang mahalaga ngayon ay makapagpahinga ka--kayo ni Tiya Madel."

"A-ayos ka na ba, ha? W-wala na bang masakit sa'yo? Hmm?"

"Wala naman na po, nagamot na rin po ako kaya medyo natagalan din akong makadalaw sa inyo ni Tiya."

Napatango-tango naman si Tito Zoren bago siya muling humagulgol habang paulit-ulit na binibigyan ng halik sa pisnge ang anak. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ni Zenaida at pakiramdam ko ay ayaw na niya itong bitawan, dahil natatakot siya na baka 'pag binitawan niya ito ay maaari itong maglaho sa harapan niya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti dahil sa sobrang tuwa.. Nakikita ko yung sobrang saya sa mga mata ni Tito Zoren dahil nakita na niyang maayos ang nag-iisang anak niya. Ngayon lang din pumapasok sa isipan ko kung bakit mahal na mahal siya ni Zenaida. At kung ipagpapalit man ako ni Zenaida dito ay pabor pa ako dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa na handa pa silang makipagpatayan.

Minsan lang ako makakita ng mga babaeng anak at tatay na maganda ang relasyon sa isa't isa. Sobrang sarap pala makita.

Ilang oras lang ay bagsak na si Tito Zoren dahil sa pagod niya sa pag-iyak. Idagdag na rin siguro ang amoy ng aircon na nakapalibot sa kwarto niya. "Ano bang nangyari, Kesh?" tanong ko na agad at tinapik sa balikat ang girlfriend ko. "May nanghimasok ba sa inyo? Magnanakaw?"

"Assassin."

'A-assassin.. ??'

"A-anong.. kailangan nila sa'yo?"

"Isa lang siya. At tauhan siya ni Winstone Snape."

"A-ano kamo?!"

Tumayo siya at hinarap ako. Ako naman itong tinitigan siya dahil nagsisimula na akong kilabutan sa mga nalalaman ko. "Halika, nandito iyong assassin na iyon."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon