38

7 1 1
                                    

Jack's POV










"Kailan po ba babalik si Zenaida, Pa?" agad ko nang tanong kay Papa Zoren na siyang ngayon ay magaling na. Dalawang araw na ang lumipas nung mangyari ang insidente sa bahay nila, at pati na rin ang pag-alis ni Zenaida.

"Hindi ko rin alam, 'nak eh.. Eh, iyong mga magulang mo ba? Balita ko kila Kourtney na nakausap mo sila kahapon, uuwi na ba sila?"

"Hindi ko po sure 'yon pero ang sabi sa akin nila Papa po, may balak na po silang bumalik since magkakaroon na ng panibagong branch ang kompanya na hinahandle nila na dito mismo ilalagay sa bansa."

Napatango-tango naman ito at tinanggap ang isinubo kong isang piraso ng pinaghiwa-hiwalay ko nang parte ng Tangerine. Binigyan ko rin si Tiya Madel na siya namang magaling na din, at nasa tabing kama lang ni Papa Zoren.

"Sana makauwi na sila, 'no? Para naman makilala na rin namin sila.. Kahit hindi naman kasi namin tanungin sa inyo ni Zeke, alam naming darating na kayo sa kasalan." ngiting sabi ni Tiya Madel kaya napapangiti na akong tumango bago naghiwa na ng sariwang mansanas.

"Sana nga po, eh.. Gustong-gusto ko na pong ipakilala sakanila si Kesh. Kayo rin po s'yempre, bilang mga pangalawang mga magulang ko na rin po." nagagalak kong sabi at napatingin sa pintuan nung bumukas iyon. Si Bane lang pala, kararating niya lang panigurado.

"Oh, 'nak.. Tapos na klase mo?"

"Opo, Ma.. Kamusta kayo ni Tiyo? Ano, ha?" nanenermon na agad nitong saad. Kahapon lang nalaman ni Bane ang tungkol sa dalawang magulang dahil kahapon lang din siya nakauwi galing sa tinitirahan niyang apartment malapit sa unibersidad niya at siya itong halos natatarantang pumunta sa ospital para i-check kung ano nang lagay nila Papa Zoren.

Iyak nga siya nang iyak dahil sa takot. Paano naman daw kasing may nakapasok bigla sa bahay nila eh hindi naman daw gano'n kadali ang manghimasok roon lalo na't seguridad ang buong bakuran ng mga lock at matataas na bakod. Tapos panay pa rin ang pag-iyak niya non, akala mo ay sinasampal na siya ng mundo dahil sa pag-iyak niya kahapon.

"Magpagaling na kayo ng tuluyan, nang makapagpahinga naman 'yang si Kuya Jack! Halos hindi na umuwi't pumasok iyan para lang mabantayan kayo, ah?"

"Ayy sinabi ko na kasing umuwi na iyan, nako ayaw makinig.. Nangungulit talaga na dito lang siya hangga't hindi kami nakakalabas nitong mama mo." duro pa sa akin ni Papa Zoren kaya tatawa-tawa ko siyang tinapik sa kamay at inabot ang bagong hiwa na mansanas at inabot ang kalahati pa non kay Tiya Madel na agad naman iyong tinanggap at nilantakan.

"Nako! Pero teka nga.. Ano nga pa lang inaasikaso non ni Ate Zeke? Parang abala siya masyado? Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Ni-text ko nga, hindi niya ma-reply-an eh.." seryosong saad na ni Bane saka siya umupo sa tabi ng ina na umayos ng tayo saka bumaling kay Papa na nangibit-balikat.

"Hindi ko rin alam sa bata na yun.. Tinatawagan nito ni Jack, hindi rin naman sumasagot.. Nung tumawag kami sa mansyon, sabi may inaasikaso daw si Zenaida.. Tsk.. May pinaplano ba siyang hindi natin dapat malaman?"

Napapabuntong-hininga akong napakamot sa likod ng tenga ko at nanahimik na lang.

Totoo ang sinasabi ni Papa. Hindi talaga sumasagot si Kesh sa mga tawag ko sakaniya. Gusto ko sana siyang kamustahin, kung ano nga bang lagay niya dahil dalawang araw siyang walang kibo sa amin simula nung pumunta siya ng Cavite para may asikasuhin kuno sa La Fuerte's. Hindi naman niya nabanggit kaya nga naiinggit ako kay Dandelion dahil alam kong siya lang ang sinabihan ni Zenaida sa kung ano mang aasikasuhin niya sa Cavite. Tsk..

Hindi ako kampante na kasama ng girlfriend ko si Dandelion. Oo, alam ko namang hindi pababayaan ni Dandelion si Kesh, dahil kapag hinayaan niyang mapahamak ang girlfriend ko, baka madurog ko siya.. Pero, hindi ako napapanatag kasi nga may gusto si Dandelion kay Zeke. Pero hindi naman ako nababahala na maaagaw niya sa akin ang girlfriend ko, may tiwala ako kay Kesh.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon