24

16 1 1
                                    

THE Party 🎇💞

WARNING: THIS STORY MENTIONS ILLEGAL DRUGS, CRIMES, OR ANY SITUATION THAT A YOUNG AGE READER CANNOT READ. IF YOU'LL NOT SKIP THIS, READ AT YOUR OWN RISK.













Jack's POV




Matapos ng pag-uusap kanina nila President Snape at Sandrina ay siya namang hindi na namin ito nakita pa. Siguro'y umalis na dahil magpapalalamig ng ulo. Napakatapang kasi nitong si Sandrina, nanghahamon yata.. Hindi ko tuloy halos maisip na kinaya pala ng dati niyang sekretarya iyon. Dahil nabanggit niyang mas malala pa ang naging reaksyon ng lalaking presidente noong una itong nag-offer sakaniya.

"Wala talagang kadala-dala 'yang si Winstone, ano?" inis na saad ni Clarence at uminom ng wine na nakalagay sa wine glass niya. Nagtipon na kaming magkakaibigan sa isang bakanteng lamesa, marami na din kasing mga nagsisidatingan dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang party namin. Pero ngayon pa nga lang ay nagsisimula na din sila, nagsasayawan na dahil iyong Dj ay kung mag-set ng tugtog, nakakapagpagana talaga ng pagsasayaw!

"Since last year gan'yan na 'yan.. Sino ba kasing papayag na makipag-collab sa Drug Lord at Gangster." prangkang sabi naman ni Kourtney at napapasinghal na sumandal sa upuan niya. "Kung maka-react siya akala mo naman ay kawalan siya sa mundo.."

"Kaya nga hindi ko siya tinatanggap na maging collaborator ko.. Alam kong gagamitin niya ang Bello sa pagtakip sa mga tinakasan niyang mga gawi niya noon. Kahit pa sabihin kong noon na iyon, hindi ko din naman masisiguro kung tinigilan na ba niya ngayon iyon. Drugs aren't easy to forget for those people who tried it. May mga bagay na pwede nilang mahanap sa Drugs na hindi nila nahahanap sa iba. At knowing na stress at kailangang magpahinga ngayon ni President Snape? Paniguradong gagamit siya.. I know him. Dad told me na ganoon ang ginagawa niya sa twing gusto niyang pakalmahin ang sarili."

"And, how did he know that?"

"Dad has a lot of connection, especially Lolo. Sa tagal nila sa Business Industry, sa tingin mo iyong itinuon nilang mga taon, masasayang lang iyon?" ngising sabi ni Sandrina at uminom ng wine. "Business Owners were'nt just supposed to Lead. They are not a God to just lead people around them. They are once employees, and they are researchers.. Being a Business Woman or Man, isn't just about how you handle your company, business is all about.. Industry and Society. Judgment and Intelligence."

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Sandrina.. Nung sulyapan ko si Clarence ay galak siyang nakangiti habang ang mga mata'y bagama't mapungay ay kumikislap senyales na siyang proud na proud sa nobya. Well, hindi naman niya iyon napipigilan. Magkasama na sila ni Sandrina, bata palamang sila. Nasa Batangas pa sila noon, but then, halos pinanood nila ang isa't isa na lumaki at abutin ang kaniya-kaniyang pangarap. Nakakatuwa.. Paano kaya nila nakayang magtagal na magkasama?

"Ang goal ng Bello Industry ay magkaroon ng payapang kapaligiran, sa kabila ng pagiging maingay ng lipunan. Gusto kong ma-realize ng mga taong bibisita sa Bello Industry, ay nahahanap nila doon kung ano yung dapat nilang hanapin.. katulad na lang ng pakikipaghalubilo sa iba, sa magandang paraan. Iyon bang walang namamagitan na tensyon sa lahat."

Napatango-tango kami nila Kourtney at nagsiinuman na ng wine. Wine muna ang iniinom nila para daw warm-up. Hindi ko sila maintindihan kung bakit may tinatawag pa silang warm-up, samantalang ako 'tong halos malalasing na agad sa wine. Hindi din kasi mataas ang alcohol tolerance ko, kaya minsan hindi ako sumasama sakanila kapag iinom sila dahil alam kong nakakalahati ko palang yung bote ng alak, lasing na 'ko.

Hindi pa namin tuluyang nasusulit ang sandali ay bigla namang naghiyawan ang iilang empleyado sa gawi ng entrance. Hindi iyon sumesenyas ng kapahamakan, dahil ang mga hiyaw na iyon ay nagsesenyales ng pagkamangha.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon