27

15 1 1
                                    

Jack's POV








Pabuntong-hininga akong tumitig doon sa lalaking sinama ni Zenaida sa amin. Isa siya sa mga tauhan ni Winstone at hindi ko alam kung bakit siya dinala ni Zenaida kasama namin. Gising na sila Sandrina at pare-pareho din sila ng mga ginagawa katulad ko. Tinititigan iyong lalaki na para bang dadakmain na lang siya bigla. Pumunta din sa bahay ko sila Mr. Aguilar at iyong pinsan ni Zenaida, pati itong Tiya niya.

"Ano bang nangyari? Bakit ang dami mong sugat, anak?" tanong agad ni Mr. Aguilar. Nakapagpalit na ng damit si Zenaida pero hindi padin nagagamot ang sugat niya. Sinabi niyang mamaya na niya gagamutin at uunahin niya daw muna ako eh isa lang naman galos ko, sa may labi lang. Eh, siya napakadami. Sa may braso, pisnge, labi, mga balikat.

"Mahabang kwento po, Pa pero.. kilala niyo naman po si Winstone Snape, hindi ba?"

"Mm, siya iyong nag-offer ng business niya kila Lola. Bakit? Siya ba ang dahilan kung bakit kayo nahantong sa gan'yan?"

"Gano'n na nga po." si Sandrina ang sumagot. "Well, dumalo sa party si Winstone para i-offer ako ng collaboration sakaniya. Actually po, nung nakaraang taon niya pa ako in-offer-an pero hindi ko iyon tinatanggap kasi wala akong tiwala sakaniya. But then, ito.. Dinakip niya kami and base sa nakwento sa akin nila Clarence, pinalibutan daw po sila Zenaida ng singkwentang tauhan ni Winstone.. and ayan."

Gulat na lumingon si Mr. Aguilar kay Zenaida na napapabuntong-hininga na kinamot ang ulo. "Ano kamo?! Anak! Ayos ka lang ba?! H-hindi ka naman.. inatake kanina 'di ba?"

"Ayos lang po ako, bukod sa mga sugat wala naman pong nangyaring kung ano sa akin.. Nakakailang lang po dahil lumabas iyong.. alam niyo na."

"Napapadalas ang paglabas ng katauhan mong iyon pero 'wag mong masamain, anak hmm? Hindi naman ako galit. Nag-aalala lang ako kasi mamaya niyan ay inatake ka doon. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa'kin."

Napatitig naman ako kay Zenaida nung ngumiti siya at naglagay na ng ointment sa labi ko bago marahang umupo ng maayos. Ang mga hita niya ay bahagyang nakapatong sa hita ko, iyon bang sinandal lang niya. Suot lang niya ang puting sweater na mahaba kaya aakalain mo nang nakasuot lang siya ng underwear.

"Hindi ko tinuloy ang pagpatay kay Winstone dahil gusto kong abangan kung aatras na ba siya.." seryosong saas ni Zenaida kaya napatahimik na kaming lahat. "Pero kapag hindi padin siya tumigil, 'wag niyo 'kong pipigilan sa mga binabalak ko sakaniya."

"Pero baka mapahamak ka nanaman, Zeke.. Hindi naman porke malakas ang katawan mo kapag nabubuhay iyong psychopathy side mo, kaya mo nang iligtas ang buhay mo kapag dumating ka na sa puntong iyon." nag-aalalang saad naan ni Kourtney.. "Katulad ng sinabi ni Tito, may possibility na atakihin ka. At hindi mo masasabi kung kakayanin ba ng katawan mo kung sakali mang pagtulungan ka na nila. We all know Winstone. He's a fvcking dangerous jerk. He has a lot of connection. Isa pa, problema na namin nila Sandrina iyon kaya hindi kana pwedeng madamay. Please lang, Zeke.."

Napabuntong-hininga naman si Zenaida bago ipinagkrus ang mgabraso niyan. "Hindi naman ako susugod sakaniya nang wala akong kasama.. Isa pa, hindi niyo lang din problema 'to. Problema din namin ito. Isa si Winstone sa mga nasa list ng mga dapat naming dispatyahin sa pamilya ng La Fuerte. Mahirap siyang hagilapin at kahit bulgar ang katauhan niya ay mahirap siyang hanapin. Ngayon ko lang din siya nakita kaya nga nagpaplano na ako kung paano ko pahihirapan ang buhay niya."

"Kung 'yan ang pinaplano mo, Zeke.. Kailangan nating umuwi ng Pampanga o ng Cavite para sabihan ang pamilya natin. Hindi ka pupwedeng basta kumilos nang hindi nalalaman ng Aguilar at La Fuerte." seryosong saad ni Tita Madel. "Tama si Zeke. Matagal na ng nasa list ang pangalan ni Winstone Snape sa mga dapat naming dispatyahin. At kung marami ang koneksyon na mayroon ang binata na iyon, mas marami ang koneksyon na mayroon ang pamilya na kinabibilangan ni Zenaida. La Fuerte were'nt called the Silent Dead Assassins for nothing. Hindi lang isinisigaw ng La Fuerte ang pagkakaroon ng bughaw na dugo, dahil nanggaling din ang pamilya namin sa isang Assassin group na siyang ang isinisigaw ay kapayapaan. Kaya pasensya na kung may pinaplano kami sa harap niyo mismong mga abugado. Pero para sabihin ko sa inyo, kayo ang walang kinalaman sa gulo naming mga La Fuerte at Aguilar."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon