28

14 2 1
                                    

Jack's POV











Kinabukasan ay nag-announce si Sandrina sa lahat na wala munang pasok sa Lunes hanggang Miyerkules dahil paniguradong ang lahat ay nagulat sa nangyari kagabi. At paniguradong ang lahat ay wala pa sa kaniya-kaniyang wisyo dahil sa nangyari. Kahit naman kami, at masakit pa ang katawan ko kaya kahit may pasok man ngayon o sa lunes, hindi ko kakayanin.

Hihikab-hikab akong bumaba sa sala at naabutan ko doon sila Tristan at Zenaida na nag-uusap. Nakapambahay silang dalawa at mukhang kanina pa sila gising. "Good morning," bati ko kaagad dahilan para mapalingon sila sa akin.

"Oh, Sir Jack!" bati ni Tristan kaya pabuntong-hininga kong tinapik ang balikat niya.

"Simula ngayon, Kuya na ang tawag mo sa akin.. Hindi naman kita tauhan, kung maka-Sir ka d'yan," natatawa kong ani dahilan para napapangiti siyang lumingon kay Zenaida na tumango at tinapik ang ulo niya. "Kapatid ka na ni Zenaida, at kaibigan ko naman siya. Kuya na lang ang itawag mo sa akin,"

"S-salamat po.. Kuya,"

"Kumain na ba kayong dalawa? Sila Kourtney? Hindi pa gising?" tanong ko at luminga pa sa paligid. Wala sila Tita Madel dahil alam kong nag-iimpake nasila papauwi ng Cavite. Si Zenaida ay hula kong mamaya pa dahil sinabi ko sakaniyang sasama kami nila Kourtney. Para makapagpahinga din.

"Umalis sila Kourtney para daw makapag-impake. Sila Sir Jud naman, uuwi na sa Batangas dahil may kaniya-kaniya daw silang gagawin doon." sagot ni Zenaida at tumayo na. "Magmo-mall sana kami ni Tristan para mabilhan ko siya ng bagahe niya saka ng mga damit niya. Ang damit na suot niya ay pinahiram mo pa."

"Sasama ako, ha?" paalam ko at lumapit na sakaniya. Doon naman siya napangiti at tinapik ang dibdib ko. "Libre ko."

"Ehhhh, may pera naman ako.. Saka marami din akong kailangang bilhin sa mall dahil tinanggap ko din yung project na ipinasa akin ni Miss Werlet kaya kailangan kong magdala ng mga gamit ko for Sketching."

"I see.. O'sya, magbihis na kayo para makapuntana tayo sa mall. Mag-breakfast na din tayo sa labas."

Katulad ng sinabi ko ay nag-ayos nga kami. Nagsuot lang ako ng simpleng Polo Shirt na kulay itim at pinartner-an iyon ng Blue Denim Jeans napinaparisan ng puting converse. Ang buhok ko ay ini-slicked back style ko lang. Pagkababa ko, si Zenaida lang ang nandoon at nagkataon namang magkaparehong magkapareho ang suot naming dalawa. Ang buhok niya'y nakalugay lamang habang may suot na din siyang itim na sling bag.

"Woooow! Ang cute niyo naman talagang dalawa!" sabay kaming napalingon na dalawa kay Manang na siyang nakasandal sa dingding papunta sa may kusina. Malaki ang ngiti niya at ang mga mata ay halos mawala na. "Mukha kayong mag-asawa.. At tignan mo, Tristan-hijo! Mukha ka namang anak nila!"

"Talaga po?" nakangiting tugon ni Tristan na ngayon ay nakasuot na ng White sweater at Itim na cargo pants at puting converse. Ang buhok niya ay nakababa at nagmumukha talaga siyang bata kahit pa matangkad siya. "Oo nga, ang cute niyo nga, Ate, Kuya.. Hindi ba talaga kayo mag-asawa?"

"H-hindi naman.."

"Kasi akala ko talaga nung una mag-asawa kayo. Hindi kayo mukhang mag-jowa lang, mag-asawa talaga literal. Sa tingin niyo po, Manang magkakatuluyan sila Ate Zeke saka si Kuya Jack?"

"Aba, oo naman! BAGAY na bagay silang dalawa! Ang kaso.. HINDI naman yata nila GUSTO ang isa't isa." palihim kong pinandilatan ng mga mata si Manang nung magbigay siya ng makahulugang salita. Buti na lamang ay hindi nagbigay ng kung anong malisya si Zenaida at tinawanan lang iyon.

"Tara na, Ma, Pa.." malokong saad ni Tristan na siyang agad ko ding pinandilatan. Paniguradong nag-usap sila kagabi ni Manang at panigurado ding inimpluwensya na siya ng kalokohan ni Manang.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon