19

11 2 1
                                    

Zeke's POV





Ewan ko pero parang ganadong-ganado ako ngayon! Siguro dahil pinaghandaan ako ni Allen kanina ng almusal para daw sa pagiging magkaibigan namin. Idagdag pa iyong kaninang sabay pa kaming kakain! Hindi ko pa yata naramdaman ang ganitong saya sa isang bagong kaibigan!

"Mukhang patapos na tayo, ah.. Kamusta yung ginagawa mo, Zeke?" tanong ni Ma'am Henra. Ako itong napasulyap sa ginagawa at ngumiti ng tipid.

"Patapos ko na po." simpleng sagot ko at nagpatuloy na lang.

Tahimik ang paligid namin dahil lahat kami ay tutok na tutok sa mga ginagawa. Ang iba naming kasamahan ay pumwesto na sa gilid kung saan may mas malaking lamesa doon. Para siguro mapadali ang pagtatrabaho nila. Mahirap kasi kapag masikip ang space mo lalo na't hindi lang iyong tablet at monitor ang kailangan mo. Kailangan din ng sketch book o kaya mga gamit na iguguhit mo sa isang papel para sa back-up mo kung sakali mang hindi mo magustuhan ang ginagawa mo.

Makalipas ng ilang oras ay napagdesisyunan na naming magtanghalian dahil oras na rin naman ng tanghalian.. "Oh, saan ka pupunta, Zeke?" agad na tanong sa akin nila Sir Drion nung makita akong tumayo mula sa pwesto namin.

"Hayaan mo siya, Drion.. Kakain siya kasama si Secretary Briones."

'Ehhh.. ?? Paano nalaman ni Ma'am Calea?'

"Ay talaga? Uyyy! Mukhang nagiging close na kayo, ah! 'Di kaya may something na sa inyo--ARAY KO, MA'AM!" agad na daing ni Sir Drion nung hampasin siya ni Ma'am Henra. "SAKIT!"

"Ikaw.. ! Kakain lang ng sabay, may kung ano na! Saka masyado pang inosente si Zenaida para sa mga gan'yang bagay kaya 'wag niyo ngang tuksuhin!"

"Oo nga!" tatango-tango saad ni Adrian at sumandal sa upuan niya. "Bata-bata pa niya, eh!"

"Bata?! Eh, nasa tamang edad na si Zeke para magboyfriend! Besides, bagay naman sila. Why not?"

"Mas bagay kami." ngising sabi ni Adrian kaya napatitig ako sakaniya at napatagilid ang ulo.

"Anong sinasabi mo? Tao tayo." agad kong pagdepensa sakaniya kaya napatitig na rin siya sa akin. Ako 'tong inirapan na lang siya at dumeretso na sa labas.

Dahil wala naman akong cellphone para matawagan man o ma-text si Sir Jack na papunta na ako sa opisina niya, ay kakatok na lang ako sa pintuan para ipaalam sakaniyang nandoon na ako.

Pagkatapat ko sa opisina niya ay kumatok ako ng apat na beses at hinintay siyang tugunan iyon. "Come in.."

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang doorknob at sumilip pa muna. Doon ko siya natagpuan na kasama si Miss Sandrina na nakikipag-usap naman sakaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatikom ang bibig dahil nakakahiya na makita ako ni Miss Sandrina na makakasama si Allen.

"So, you were saying that you want our party to be in a Cosplay Theme? Like.. for example, Naruto or uhm.. You know? Sailor Moon? Like that?"

"Uh-huh.. It's pretty cool, right? We have our newbies here na ang age is pasok sa new generation. And, I want them to enjoy their young adult stage experience here in Bello Industry. Don't you like it, Jackie?"

"Well, yeah.. It's good! Ang unique mo mag-isip.. Ngayon lang ako nakaingkwentro ng isang kompanya na Anime Cosplay ang theme. Are you a fan of Anime?"

"A bit?? I guess.."

"Yeah, right--Oh.. Kesh." napaangat ko ang mga kilay nung bumaling na sa akin si Allen. Abala siya kanina sa pakikipag-usap kay Miss Sandra kaya siguro hindi niya agad ako napansin.

"Kesh?" takang saad naman ng presidente namin dahilan para tipid akong mapangiti. "That's Zeke. Anong Kesh ang sinasabi mo d'yan?"

"That's my nickname for her. I said this earlier, Sandrina."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon