06

20 1 1
                                    

Zeke's POV



Napabuntong-hininga ako ng napakalalim at tumango kila Ma'am Dina na siyang hawak na ako habang may pares ng posas ang kumukulong sa mga pulsuhan ko. Ngayon na nga ang araw ng pinakahuling pagharap ko sa korte. At hindi ko alam pero kinakabahan ako. Dahil hindi ko sigurado kung ano ba ang parusa na matatanggap ko sa hukuman.

Pinaupo ako ng mga pulis na may hawak sa akin doon sa may kaliwang bahagi ng judge at nandoon na sila Papa at Tita. Kasama din nila si Bane na agad kumaway sa akin na nginitian ko lang ng tipid.. May napansin din akong isang maputi at magandang babae na nakangiti sa akin.

Hindi naman ako nababahala sa presensya niya ngunit kinakabahan ako dahil sa ganda niya.. Para kasi siyang diwata. Nakakatakot yung pagiging maganda niya. Sa tabi niya ay isang pamilyar na lalaki na hula kong siya ang tinutukoy ni Papa na ang pangalan ay Jack, na siyang kumuha ng abugado para sa kaso ko.

"Everything will be fine, Zenaida.." napalingon ako sa kanan ko nung magsalita si Attorney Kourtney na nginitian ko naman kaagad ngunit tipid lamang. "Makakaalis ka na dito.. Don't worry.."

"S-salamat.."

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang ulo ko ngunit hindi mabigat ang palad niya kaya hindi ako napaiktad. Usually, kapag gano'n ang taong humahawak sa akin ay kusa akong lumalayo pero maayos naman ang pakiramdam ng katawan ko sa presensya niya.

"Wala na silang laban dahil napatunayan na nating inosente ka at ang ginawa mo ay panlaban lamang para sa sarili mo.."

"Salamat.."

Nagtagal kami ng halos isang oras doon dahil pilit na lumalaban pa ang abugado sa kabila ngunit wala na silang nagawa nung maghataw na ang judge sa harapan.. Pinaliwanag nito ang lahat ng ipinaglaban ng kampo namin at masasabi ko ngang napakagaling ni Attorney Clarence sa pagbato ng mga salita niya. Bagama't maikli ngunit tiyak na ang sasabihin niya'y wala ka nang masasabi pa. Ang tangi mo na lang masasabi ay paulit-ulit na palagi din naman niyang nadedepensahan sa kalmadong paraan.

Nakakabilib..

Hindi na ako nagtataka kung bakit siya ang tinaguriang pinakamagaling na abugado dito sa bansa at isa sa pinakabatikang abugado sa buong mundo. Kabilib-bilib ang talino't kakayahan niya. Ang gan'yang klase ng pag-iisip ay dapat pinapalaganap sa mundo..

"..the criminal defendant has proven innocent."

Napapalakpak ang lahat at doon na din ako tumingin kay Papa na ngiting-ngiti na habang lumuluha na yumukod sa judge na napangiti ng tipid bago marahang tumango. Pinukpok nito ang nasa harapan niya senyales na tapos na nga ang labanan sa hukuman. Dumeretso naman sa akin ang mga pulis at doon na bumungad sa akin ang malaking ngiti ni Ma'am Dina habang kinakalas na niya ang posas na kumukulong sa mga pulsuhan ko.

"Malaya ka na.." bulong niya kaya dahan-dahan akong napatango bago ipinakita sakaniya ang pasasalamat kong ngiti.

Nung makalas na niya ang mga posas ay tinulungan niya akong tumayo. Si Attorney Kourtney ay inaya ako sa tabi Attorney Clarence at tatlo kaming nakaharap sa mga jury ngayon at sa mga judge bago kami yumukod bilang pagrespeto.

"Thank you po sa inyong dalawa.." sinsero kong sabi sa dalawang abugado na nagkatinginan muna bago nakangiting bumaling sa akin. "Kung hindi po dahil sa inyo, baka mabulok na ako dito sa kulungan."

"Thank you, also, Zenaida.. We learned new things from this case and thank you for helping us to improve our skills.." matapos sabihin iyon ni Attorney Clarence ay inabot niya sa harapan ko ang palad senyales na makikipag-kamay siya.

Walang alinlangan ko namang inabot din iyon at nakipag-shake hands sakaniya na ginawa din ni Attorney Kourtney na tinapik pa ulit ang ulo ko. "ANAK!" agad-agad akong napabaling kay Papa nung tawagin niya ako at doon na ako patakbong pumunta sa kaniya nang makitang nakabuka sa ere ang mga braso niya..

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon