21

17 1 1
                                    

Zeke's POV









"Aba'y hindi ka pa pala tapos, anak?" pareho kaming napalingon ni Bane sa pintuan ng kwarto niya nang pumasok bigla si Tiya Madel. Alas-otso na ng gabi at gumagawa parin ng damit ngayon si Bane. At iyong damit na ginagawa niya ay damit na susuotin ko para bukas.

Tapos na ang pagrelease ng product namin, kani-kanina lang din. At kailangan lahat ng empleyado ay nasa venue ng party namin. Hindi kami sa kompanya mismo maglalaan ng party, may piniling lugar si Miss Sandrina para daw mas masulit ang buong party. Malaki ang kinuha nitong hotel. Doon iyon sa Manila. The Manila Hotel Tent City. Balita ko kay Bane na maganda naman daw doon.

"Hindi pa po, Ma eh.. Pero malapit na po. Nahirapan ako sa badang baywang, eh. Napakaliit naman kasi ng baywang ni Ate tapos binawian naman sa dibdib saka sa balakang."

Mahinang natawa si Tiya Madel at umupo sa tabi ko. Nakadapa ako sa kama ni Bane habang pinagmamasdan siya. Hindi pa siya gano'n katagal sa pag-aaral ng pagdedesign ng damit ay nakikita ko na kung gaano siya kagaling. Hindi pa man siya gumagraduate ay nakikita ko nang magiging maganda ang kinabukasan niya sa industriyang papasukin niya.

"Kaya nga minsan, si Ate Zeke mo, hindi na masyadong bumibili ng damit. Lalo na kapag mga pantalon. Nagrereklamo si Tiyo mo sa mga sales lady kung bakit daw hindi tugma iyong in-ooffer sakanilang mga pantalon. Masikip daw sa balakang pero pagdating sa baywang ay lumuluwang."

"Kaya nga po, eh. Pero ito, okay naman na. Sad'yang mahirap lang talaga yung sa part ng baywang. Ah, Ate Zeke? Okay lang ba sa'yong lumabas tayo mamaya?"

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Bibili ako ng gloves at ng mga accessories na kakailanganin mo. Itong socks, okay naman na. Natahi ko na. Pero kulang din tayo ng Boots mo. Hehe."

"S-sige lang.."

"Ehhhh! Nabibili naman kasi iyan sa mga Anime Store, nagpapakahirap ka pang magtahi riyan.." sermon ni Tiya Madel.

"Mama! Pumunta na kami kahapon ni Ate Zeke doon. Kaso wala ngang kasyang size sakaniya. Kasi nga iyong baywang, maluwang! Kung hindi maluwang sa baywang, masikip naman sa dibdib. Kaya no choice na ako na mismo ang magtatahi sakaniya. Isa pa, pwede 'tong suot-suotin ni Ate kapag nag-asawa na---ARAAAAAAY!"

Napatakip naman ako sa mga mata ko para pigilin ang tawa dahil halatang sobrang lakas nung ginawang pagbatok ni Tiya Madel kay Bane. "Tang ina kang bata ka.. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan mo! Ikaw! MALAMAN KO LANG TALAGA! Malaman ko lang na kumekerengkeng ka, hay nako!"

"MAMA NAMAN! Binibiro ko lang, eh! Saka, bakit?! Bagay naman kay Ate, ah! Hehehehe! Pero, alam mo, Ate Zeke.. Kahit naman hindi ka magsuot ng mga ganito, alam kong alam mo na.."

"Hay nako! Tigil-tigilan mo ang Ate Zeke mo! Kung ano man 'yang sunod mong sasabihin, 'wag mo nang ituloy! Ikaw! 'Wag na 'wag ka nang magrereto d'yan sa Ate mo!"

"Bakit naman po?!"

"May gusto akong i-partner d'yan!"

"SINO SINO?!"

"Kilala mo ba si Sir Jack?"

"Sir Jack?? Siya po ba.. yung kumuha ng abugado ni Ate noon?"

"SIYA NGA!"

Agad naman akong nilingon ni Bane dahilan para mapatitig ako sakaniya na may halong pagtataka. "Ikaw, Ate ahhh.."

"Ano?"

"Siguro.. nagkakamabutihan na kayo ni Sir Jack?"

"Huh? Magkaibigan kami. Normal iyong nagkakamabutihan. Hindi po ba, Tiya?"

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon