05

21 1 1
                                    

Jack's POV

WARNING: THIS CHAPTER MENTIONS CRIMES. READ AT YOUR OWN RISK!






"What the hell.. ??" napapatigil kong bungad sa dalawang abugado na ngayon ay bagsak na. Magulo ang opisina ni Kourtney, nagkakalat ang mga nilukot na papel o 'di kaya'y mga plastic ng candies at chichirya. Si Kourtney ay nakahiga doon sa may sofa niya habang si Clarence naman ay nakadukdok sa lamesa niya. "Ano bang---parang dinaanan ng bagyo dito! Clarence, Kourtney!"

Inilapag ko ang mga binili kong pagkain at kape para sakanilang dalawa at dalawa din silang ginising. At nung makita kong maga ang mga mata nila at nagbubuo na din ng maitim na balat sa ilalim ng mata ay napangiwi na lang ako.

"Ano bang nangyari sa inyo? Here.." lapag ko na ng mga pinamili ko na tinignan muna nila bago pabagsak ang katawan na isinandal ang ulo sa pader. Nakaupo na silang pareho sa sofa at pareho din silang wala sa wisyo, marahil lulang sila sa tulog.. "Hindi ba kayo natulog?"

"Mm.."

"Ilang araw?"

"Dalawa.."

Napabuntong-hininga naman ako at agad nagpamaywang sa harapan nila.. "Alam niyo, kung kinakawawa niyo 'yang sarili niyo, baka wala ni isa sa inyo iyong makadalo sa judgement day! Umayos nga kayong dalawa!"

Hindi naman sila nakinig sa akin. Si Kourtney ay umiinom na ng kape habang si Clarence ay yakap na yakap na doon sa throw pillow.. "HOY!"

"J-jack, ano ba?! ANG INGAY MO!"

"Umayos ka, hoy! Sa susunod na araw ang judgement day! Ano nang gagawin niyo niyan, kung pareho kayong wala sa wisyo ni Kourtney?" panenermon ko't humarap kay Kourtney na umirap sa akin bago agresibong ngumata ng waffles. "At ikaw!"

"What?!"

"Bakit ba wala ka sa hulog ngayon?!"

"Katatapos lang namin sa paglagay ng final statement, Jack! Ano ba sa tingin mo ang gagawin namin sunod? At isa pa.. 'wag ka nang mag-alala d'yan dahil paniguradong makakalaya na si Zeke. Wala nang laban iyong kabilang kampo dahil dukdok na sila.. Sa sobrang dami nating witness at dinagdag pa iyong mga CCTV footages na hirapan pa nating nakuha. Kung hindi pa luluhod sa harapan ng gagong witness na iyon si Mister Aguilar ay hindi niya pabibigay iyong full video! Lintik!"

Huminga naman ako ng malalim bago umupo sa gitna nila.. Lumipas ang ilang linggo, marami ding nangyari at lahat kami apektado sa kasong ito. At ito ang unang beses na nalagay ako sa ganitong kaso.

Actually, si Kourtney ay ka-batch ko noon.. Kaso nga lang, siya nasa Law siya at ako naman ay nasa Business Management. At close naman kami ni Koirtney. Minsan, sinasama niya ako sa opisina niya para ipakita at magkwento sa akin ng patungkol sa kasong hinahawakan niya pero depende iyon sa kaso kung mabigat ba o magaan. Dahil minsan ay hindi pwedeng magsabi patungkol sa kaso na hawak nila dahil para lang sakanilang kliyente iyon. At hindi ko din inaasahan na si Clarence pala iyong sinasabi niyang kapartner niya sa mga kasong mabibigat, katulad na lang nito..

Ang kasong ito na yata ang pinakamabigat na nahawakan ni Kourtney.. Para sakaniya, sobrang nakaka-stress dahil natuklasan nila na biktima ang kliyente nila ng panghahalay at pambubugbog. Masakit para kay Kourtney dahil tila nanumbalik sa isipan niya ang nangyari sa kaniya nung panahong college palang kami. Mas malala nga lang ito dahil may karamdaman ang kliyente nila.

Sa nagdaang linggo, doon na din nagsimula iyong mga pangyayari kung saan ay nagsisimula na din ang pag-attend namin sa korte. Nung una'y hirap na hirap kaming lusutan dahil sa galing ng prosecutor at ng attorney ng kabilang kampo.. Ngunit nung nagtagal ay nakahanap din kami ng lusot.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon