EPILOGUE

32 1 2
                                    

"Hindi naman sa.. iniinvalidate ko yung nararamdaman mo.. pero talaga bang gusto mo yung babaeng nerd na yun?"









Marahas akong lumingon kay Andrea na ikinagulat din ni Kourtney. Ngayon ay nasa labas na kami ng paaralan, naghihintay lang ng mga sundo namin. Tapos bigla na lang nagtanong si Andrea nang ganoon. Ayaw niya ba talagang maniwala na may gusto ako kay Zenaida Keshara? Inilinaw ko na iyon sakaniya at hindi ko inaasahan na hindi niya parin naiintindihan.










"Hindi siya nerd, okay?! May nerd bang sikat?!"









"M-meron.. S-siya.."









"Alam mo, Andrea.. Inilinaw ko na sa'yo yung nararamdaman ko para sakaniya. At kung ayaw mong maniwala, edi 'wag. Hindi ko naman na kailangang ipaliwanag pa sa'yo kung hindi mo kayang tanggapin."











Napanguso naman siya saka sumandal sa pader kaya ako itong umirap sakaniya at humawak lamang sa strap ng bag ko. Si Kourtney naman ay tahimik lang kaming pinakikinggan.











"Nagtatanong lang naman ako, 'no.. Kasi naman, napakalabo na magkagusto ka sa isang babae."










Pabuntong-hininga ko siyang hinarap at inayos ang salamin  na suot ko. "Anong ibig mong sabihin?"











"Na hindi ka naman na-aatract sa kahit na anong kasarian.. Eh, paano.. tutok na tutok ka sa pag-aaral mo para lang hindi ma-disappoint yung pamilya mo kahit naman sinasabi nilang ayos lang kung anong maging grado mo. Isa pa, imposible talaga, eh.. Sa ating tatlo niyan ni Kourtney, ikaw ang may mababang porsyento na magkagusto sa isang tao."












Napatitig ako sakaniya bago napapatikhim na umupo sa bench na katabi niya. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam.. Nung una ko siyang makita sa canteen, hindi ko alam kung bakit ba napukaw na niya ang atensyon ko.. E-ewan ko.. hindi ko n-na alam.. N-nung una akala ko nagagandahan lang ako sakaniya, kasi sino bang hindi? Lahat ng estudyante rito sa paaralan na 'to ay siya ang laman ng usapin.. Idagdag pang kakaiba ang apelyido niya.. Keshara. Feeling ko tuloy ang dami niyang tinatago pero walang ni isa doon ang gusto niyang ilabas."











Hindi nagsalita yung dalawa at pinakatitigan lang ako para mariin silang makinig.











"Simula nung magkatinginan kami noon sa canteen, halos gabi-gabi na siyang dumadalaw sa panaginip ko at ang palaging interaksyon namin doon ay nagkakasalubong kami.. Nagkakatinginan kami.. Nagkakamabutihan kami. Kaya doon ko na nasabi na baka nga may nararamdaman na ako sakaniya nang hindi ko man lang nahahalata." nakagat ko na ang labi at napayuko nung maramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisnge ko. Agad-agad kong tinakpan iyon gamit ang mga palad ko at napailing-iling. "Napakalayo ng estado naming dalawa.. Napakaganda niya, at sikat pa. Samantalang ako, loser na nga nerd pa.. Kung hindi ko nga lang kayo kaibigan na dalawa, baka pinagtutulakan na ako ng mga bullies ngayon."










"J-jack naman.."












"Totoo iyon.. Alam kong may iba na nagtitimpi at nangangating pagtrip-an ako, pero hindi nila magawa dahil lagi kayong nakabantay sa akin. Si Kourtney, kahit malayo ang Law Building ay palagi siyang nakamasid sa akin. Ikaw naman, Andrea.. Sobrang dikit mo, sa twing may break time ako, bigla ka na lang susulpot.. Kaya ngayon, hindi ko rin masabi kung aamin ba ako kay Zenaida Keshara dahil sa totoo lang.. hindi ako yung lalaking deserve niya dahil sobrang layo ko sakaniya.." gumaralgal na ang boses ko nung sabihin ko iyon at hindi pa yata nakakailang minuto nung lumuha na ako. "..ang hirap hirap niyang abutin."














Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon