32

7 1 1
                                    

Jack's POV







Nagising ako kinabukasan ng halos tirik na tirik na ang araw ngunit hindi naman iyon masakit sa balat. Sad'yang sobrang liwanag lang dahil nakabukas pala iyong pintuan ng balkonahe ni Zenaida. And speaking of Zenaida, wala siya ngayon sa kwarto niya at nakakarinig ako ng iilang ingay sa labas kaya napagdesisyunan ko nang tumayo at isiwang ang pintuan para silipin kung ano bang nangyayari.

Naabutan ko doon ang iilang kasam-bahay na kinakausap si Zenaida na ngayon ay nakasuot ng Unbridled Chevron Panel Silk Dress na kulay Puti habang ang buhok naman niya ay nakatali sa dalawang pagapang na tirintas pero sa bandang itaas lang iyon dahil sa pinakababa ay iyong tuwid niyang buhok.

"Jack," napalingon ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata nung makita si Sandrina at Kourtney na nakadamit ng dress din. Ang suot-suot ni Sandrina ay isang Puting Ivory Lurex Knit Dress na hapit sakaniya at hanggang itaas ng tuhod niya habang ang buhok niya'y naka-half updo na may itim na ribbon doon. Si Kourtney naman ay Saint Laurent Ruffle Detail Asymmetric Dress. Sa pan-loob ay itim at may yumayakap na itim na belt sa bewang niya. Habang ang buhok niya'y naka lugay lamang.

"Ano 'yan? Bakit nakagan'yan kayo?"

"Dadating yung mga kamag-anak ni Zeke, 'di ba?" natatangahan na sabi ni Kourtney at sumandal sa gilid ng pintuan na ngayon ay sinarado ko na dahil tuluyan na akong lumabas. "Ang sabi sa amin ni Bane ay kailangan nating mag-suot ng formal. Eh, eto lang yung naiisip kong magandang suotin."

"I see.. Si Clarence? Sila Miss Calea?"

"Si Clarence, nagpaalam na aalis muna dahil pinatawag siya sa opisina ng Head namin. Sila Ma'am Calea naman, nagpaalam naman na aalis na dahil may aasikasuhin pa daw sila sa kaniya-kaniya nilang bahay. Si Zia lang ang nagpaiwan, saka si Winn at Adrian."

"Ahh.. Eh, si Tristan?"

"Inaasikaso ng mga assistant niya. Maraming nag-aasikaso sa baba dahil nga darating na yung mga kamag-anak nila Bane. Kaya ikaw, mag-asikaso ka na din. Pumili ka na ng pormal na damit dahil paniguradong malapit na sila."

Tumango naman ako at sumulyap kay Zenaida na saktong tapos nang makipag-usap at humarap sa gawi namin. Ang ikinabigla ko lang ay deretso niya agad na itinama sa akin ang mga mata niya saka siya ngumiti. "Magandang umaga, Allen."

"G-good morning.."

"Kamusta ang tulog mo?"

"Maayos naman.. May gagawin ka pa ba?"

"Ha? Wala naman na.. Pero depende yun. Kasi maya-maya ay baka may aasikasuhin ako kasama ang ibang kamag-anak ko pero kung kailangan mo naman ako, pupunta agad ako sa'yo."

Napakurap-kurap ako at sumulyap kila Kourtney. Wagas kung makangiti si Sandrina na animo'y palihim siyang kinikiliti sa tagiliran. Si Kourtney naman ay parang tanga na nakangisi sa akin habang ang mga mata niya'y kasing loko non.

"A-ahhh.. hehe.."

"Magbihis ka na, kasi malapit nang makalapag dito ang mga kamag-anak ko."

"Anong oras ba sila umalis?" tanong ni Kourtney kaya napabaling na kami sakaniya.

"Kaninang 6 am lang.. And it's actually 8 am, so maya-maya lang may maririnig na kayong tunog ng helicopter sa kalangitan. Nagpahelicopter sila para mas mapadali ang byahe pero ang nangyari ay dalawang oras na ang nakakalipas ay hindi parin sila lumalapag sa La Fuerte."

"I see.. So, maiwan muna namin kayo ni Jack. May aasikasuhin pa kami ni Sandrina." paghatak ni Kourtney kay Sandra na maligalig na kumaway bago na lumayo sa amin.

"Bihis ka na, Allen." muli na akong napabaling kay Zenaida nung kalabitin niya ako. Parang bata naman akong tumango at pumasok ng kwarto ko para magbihis na.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon