29

21 1 1
                                    

Zeke's POV










Tulog ang lahat sa byahe at ako lang nag-iisang gising sa amin. Hindi kasi ako makatulog dahil medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila Lola kapag nagkita na ulit kami. Ang huling pagkikita namin ay noong 10 years old ako. Ilang taon na ako ngayon at hindi ko masasabi kung makikilala pa ba nila ako dahil maikli pa ang buhok ko noon.

Sakto din palang pag-uwi namin ay tatrabahuhin ko na agad ang mga kakailanganin para kay Tristan, lalo na ang Birth Certificate niya't baptismal. Susubukan kong contact-in ang mga nagkupkop noon kay Tristan para malaman kung nag-communion at nabinyagan na din ba siya dahil kung hindi, kailangan ko siyang paggano'nin.

"A-ate.." napalingon ako kay Tristan nung tawagin niya ako at sa pag-aakala ko na gising dahil humawak pa siya sa braso ko.. pero hindi. Mukhang nananaginip lang siya.. "A-ate Zeke.."

"Hmm, nandito ako.." bulong ko mismo sa tenga niya kaya doon na kumalma ang kunot niyang noo bago napahawak sa kamay ko. Ako naman ay hinayaan lang siya at marahang tinapik-tapik ang balikat niya.

Alam kong maninibago siya sa mansion sa Cavite na siyang panandalian muna naming titirahan dahil sakto din doon sa inilapag na rest days ni Miss Sandrina ay 3 days din kami sa Cavite. Baka sa La Fuerte kami manirahan muna. Sa Pampanga naka-locate ang main house ng Aguilar kaya bagsak talaga namin sa La Fuerte kung saan naman nakalocate ang pinakamalaking bukirin na siyang pagmamay-ari ni Tiya Madel.

"Ate Zeke," napalingon ako kay Bane na nasa tabi ni Tristan. Mukhang nagising siya. "Anong oras na?"

Agad ko naman tinignan ang orasan ko at muling tumingin sakaniya. "5:08 am."

"H-huh?! Walong oras byahe natin?!"

"Mm. Pahinto-hinto yung van, eh. Sobrang traffic sa mga nadadaanan natin. Magsho-shortcut pa sana kaso wala nang malusutan kaya nagtuloy-tuloy na lang sa unang daan."

"Grabe naman. Malapit na ba tayo?" tanong niya kaya napasilip ako sa labas. At masasabi kong malapit na kami dahil wala na akong masyadong nakikitang ibang bahay at kapag ganito ay papalapit na kami sa teritoryo ng La Fuerte.

Kapag nakita nilang marami nang puno, at maaliwalas na ay t'yak napapasok na kami ng lupain ng La Fuerte. Magiging malayo ito sa siyudad at ang tanging matatanaw mo lamang ang ang kalikasan. "Malapit na tayo," ngiti kong sagot kaya agad na siyang napaayos ng sarili.

Alam kong kinakabahan din 'yan. Ngayon lang ulit niya makikita sila Lola kaya katulad ko ay kabadong-kabado. Pero hindi ko dapat hayaan na lamunin ako ng kaba dahil pwedeng makasama iyon sa kalusugan ko at ayaw kong atakihin ako sa harapan nila.

*TING TING TING TING!*

Nagising na sila Tristan nung tumunog ang tila alarm sa loob ng van na sinasakyan namin at senyales na iyon na may kumocontact sa amin. "[Gising na mga, anak.. Nandito na tayo sa lupain ng La Fuerte.]" rinig kong anunsyo ni Papa kaya hindi ko na mapigil ang ngiti ko.

Huminto na ang mga van na dala-dala namin, dalawa lang iyon dahil sa kabila ay sila Miss Sandrina. Kasama nila sila Papa at Allen. Agad-agad bumungad sa amin ang mga guards na siyang naka-uniporme ng itim at outing suit at lahat sila ay may nakasuot na in-ears para siguro ma-contact nila ang isa't isa.

Binuksan ng isang lalaki ang pinto sa gawi ko at nung makababa na ang lahat sa amin ay lumingon sila sa amin nila Papa na dumikit na sa amin at doon sila nagsiyukudan. "Welcome back, Don Zoren, Donya Zamora, Miss Brianna and Heiress Zenaida!" bati nila kaya nakangiti silang niyukudan nila Papa at Tiya Madel na siyang agad nilang ikinatuwid ng tayo at saka naman yumukod kila Allen bilang pagbati din. "..and welcome, Grand Visitors!"

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon