30

10 2 1
                                    

Zeke's POV









Hindi ko alam kung paano ko yun nagawa pero ang alam ko lang ay kinakausap ako ng bagay na iyon at tila inaanyaya akong angkinin iyon. At nung sandaling lumapat na ang labi ko doon ay hindi ko na iyon pinakawalan dahil gusto kong maramdaman din ni Allen ang nararamdaman ko habang dinadama ko ang lambot at init niya.

Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang loob. Inisantabi ang kahihiyan at kailangan na hindi ko inaasahang iba na pala ang kahulugan. Ang pagtakbo ng mga kabayo sa dibdin ko ay lubos-lubos na at ang akala ko ay dahil lang sa kabado talaga akong tao pero bakit sa twing kaharap ko lang si Allen ay iba-iba ang mga nararamdaman ko? Iyon bang kahit ang lakas ng tibok ng puso ko ay kalmado lamang ang pakiramdam ko na animo'y sanay na sanay na sa presensya niya.

'Allen, anong ginawa mo sa'kin.. ?? Ha.. ??'

Hindi ko kailanman naisip na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Noon lang ay nakikita ko lang ito sa mga kaklase ko noon na magkakarelasyon. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang ginagawa ko dahil ito ang unang beses na sumakop ako ng labi ng isang lalaki at tao. Hindi ko din alam kung tama nga ba ang ginagawa namin dahil hindi kami magkasintahan pero hindi ko sasabihing kaibigan lang ang turing ko kay Allen dahil nasisiguro kong iba na ang nararamdaman ko para sakaniya.

Dahil sa kawalan ng hangin ay inihiwalay ko na ang pagkakalapat doon at marahang inimulat ang mga mata bago siya tinitigan sa mga magaganda niyang mata.

Alam kong biglaan pero hindi ko din alam dahil pakiramdam ko din ay sasabog na ako. Iyong mga nararamdaman ko noon na kesyo naiilang o nahihiya ay iba na pala. At hindi ko man lang iyon nahalata o napagtanto nung una dahil sabi ko sa sarili ko na kaibigan lamang ang turing niya sa akin. Ngunit hindi ko matandaang sinabi ko sa sarili kong kaibigan din ang turing sakaniya. Ang sabi ko lang nung una ay gusto ko siyang maging kaibigan pero nung naging magkaibigan na kami ay hindi na kaibigan lang ang tinuring ko sakaniya..

"..gusto kita." pag-amin ko na sa wakas na kanina ay hindi ko maamin-amin dahil kahit hindi niya nahahalata ay kinakabahan ako. "Hindi bilang kaibigan, kundi lagpas pa doon.. Allen,"

Napatitig naman siya sa akin at ayun nanaman ang kaba sa dibdib ko dahil baka nagalit siya sa pag-amin ko. Itataboy na ba niya ako nito? Pero kahit naman itaboy niya ako, kukulitin ko siya nang kukulitin hanggang sa magustuhan na din niya ako. Alam kong ang sabi ng iba, kapag daw nagkagusto ka sa isang tao, hindi mo kailangang pilitin silang magustuhan ka pabalik. Love isn't all about give and take.

Pero ibahin nila ako sakanila. Kapag sinabi kong gusto ko, ay dapat makuha ko. Ito ang unang beses na nagkagusto ako sa isang tao at wala akong oras para palayain pa siya. Kung kailangan ko pa siyang iritahin sa pang-araw-araw, bakit hindi? Ako iyong uri ng tao na kahit akala ng iba ay mahinhin at inosente ay nag-iiba kapag ganito na. Ngayon ko lang ito naramdaman at isinisigaw ng dibdib ko na si Allen..

ay para sa akin.

Siya ang para sa akin at kung sino man ang maghahamak na maging kalaban ko sakaniya, sisiguraduhin kong mawawala sila sa linya. Bagama't may pila, ako padin ang pang-una't panghuli. Sa akin padin.. ang bagsak.

"K-kesh,"

"Gusto kita, Allen.. At kahit hindi mo 'ko gusto, gagawa ako ng paraan para magustuhan mo rin ako." prangka kong sabi.. "Ayos lang naman sa akin kung kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Basta hayaan mo lang akong kumilos para sa'yo. Bakit? Porke ba babae ako, hindi na pwedeng pursigihin ka? Kakayahan ko ang..."

Hindi na natuloy ang pagdaldal ko sana nung maramdaman ko ang palad niya sa pisnge ko at doon nanlaki ang mga mata ko nung muling maramdaman ang malambot na bagay na iyon na siyang sumasakop na sa labi ko. Bahagya kong naiawang ang labi at naging tyansa iyon para kay Allen na siilin na ang ibabang labi ko.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon