35

5 1 1
                                    

Zeke's POV








Hindi parin gumagalaw ang tao na iyon na tila ba inuusisa niya ang paggalaw ko. Pero wala siyang mababasa sa akin dahil titig na titig lang ako sakaniya at hindi man lang talaga niya sinubukang itago ang sarili niya. Mukhang napakalaki ng kailangan niya sa akin.

"Hindi na kita tatanungin kung sino ka.. pero sisiguraduhin kong malalaman ko kung SINO ka." makahulugan kong sabi at doon na nga siya dere-deretsong hinabol ako. Ako naman ay umaatras lang habang pinagmamasdan siya. "Paghabol na lang ba ang kaya mong gawin?"

Nakita ko ang pag-arko ng ngisi niya na bumakat sa telang suot niya saka siya nagbato ng balisong sa gawi ko pero baliwala ko lang iyong iniwasan. "Panay ka naman bato, bakit 'di mo 'ko sugudin ngayon.. Makita natin kung sino ang huling hihinga sa huli." paghahamon ko pa't umikot na nung sumugod na siya. Panay ang pag-amba niya ng suntok na siyang naiiwasan ko naman.

Mabilis ang galaw niya pero hindi kasing bilis ng mga mata ko. Hindi ko man siya kabisado ngunit madali siyang basahin. Magaslaw siya kung gumalaw at mukhang hindi siya magaling sa mga pakikipaglaban. At kung sino mang nagpadala sakaniya, tanga-tanga niya dahil ito ang ipinadala niya. Kung ako sakaniya, lima ang ipapadala ko para hindi naman ako mapahiya.

"Anak!" bulalas ni Papa nung hagisan ulit ako ng balisong nung lalaki na siyang kinuha niya pa galing sa bulsa niya. At dahil iniwasan ko ulit iyon ay tumama na iyon sa dingding at halata mong malakas ang pwersang ibinigay niya dahil tumusok iyon sa semento.

Sa maikling oras ay mabilis ko iyong kinuha at dere-deretsong sumugod sakaniya. Ang bawat pag-amba ko sakaniya ng hawak ko ay naiiwasan niya din at sinasabayan na ng mga paglipad ng sapak na siyang naiiwasan ko rin naman. 

Bagama't kalmado ko siyang sinasanggaan ay hindi parin maalis sa mukha ko ang inis, galit at gigil dahil sa ginawaniya kay Papa at Tiya Madel. At kung nadamay pa niya sila Allen ay baka dere-deretso ko na siyang pinatay at mag-isa kong aalamin kung sino bang nagpadala sakaniya. Pero dahil may pasensya pa akong natitira ay pananatilihin ko siyang buhay dahil pupwede ko pa siyang magamit. May kaonting silbi rin naman ang mga walang kwenta sa mundo, iyon bang abubot lang.

"Ah!" daing ko nung matamaan na niya ako, paderetso sa pisnge ko na bahagya ring dinamay ang labi ko. Naramdaman ko ang hapdi doon, senyales na may sugat ako. At hindi pa yata ako nakakarecover nung agawin niya ang balisong na hawak ko't daganan ako upang hindi makawala.

Panay naman ang iwas ko nung akma niyang isasaksak sa noo ko iyong balisong saka ko tinuhod ang ibabang parte ng katawan niya. Narinig ko ang pagdaing niya't agarang pagtayo nung tumayo din ako. "Anong dahilan mo at pumunta ka rito?" hinihingal kong tanong at napadaing nung bigyan niya ako ng tadyak sa sikmura pero kahit masakit iyon at hindi ko hinayaang matumba muli ako dahil paniguradong gagawin niya ulit iyong ginawa niya kanina.

Hindi siya sumagot doon sa tanong ko at may kinuha sa likuran niya. Narinig ko ang pagkalansing ng isang matulis na bagay doon, senyales na espada iyon. Nung makita ko kung gaano kahaba iyon ay bahagya kong naikagat ang labi bago tumingin kila Papa na siyang hindi na alam ang gagawin pa. Kung tutulong ba o mananatili lang sa pwesto nila.

Huminga ako ng malalim bago tumitig sa nakaitim at umikot sa sofa namin bago pinagmasdan ang galaw niya na siyang ginawa niya din. Napakapamilyar ng mga tindigan niya, at pakiramdam ko'y nakita ko na siya sa kung saan. Ang hindi ko lang din maintindihan, bakit hindi siya nagsasalita? Kahit ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin para alamin kung ano bang pinapakay niya rito kahit halata namang pakay niyang patayin ako ay hindi niya nagawang magsalita. Ang mga daing niya'y hindi ko mabosesan dahil na rin sa nakatakip na tela sa mukha niya.

'Sino ka ba??'

Nung sumugod siya sa akin ay agad akong umikot upang sipain siya na siyang ikinaatras niya naman ngunit agad ding bumawi ng akmang pagtama sa akin ng matulis na espada. Narinig ko ang bahagyang pagkalansing non, mahahalata mong napakatulis at napakaganda ng pagkakahulma. At once na matamaan non ang balat ko ay agad akong mahihiwa, at hindi magandang senyales iyon.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon