43

8 1 1
                                    

Zeke's POV










*SWOSH!*

"ZENAIDA!"

"FVCK!" malakas kong daing nung maramdaman kong may isang matulis na bagay ang humiwa sa balikat ko at nadaplisan nga non ang balat ko dahil napunit iyong armor ko sa balikat. Nabitawan ko rin ang baril na hawak ko at napapadaing na hinawakan ang balikat. "A-aray, shit..."

'A-ano yun?'

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon at nasisiguro kong wala na rin namang assassin ang nakapalibot sa paligid namin ni Snape dahil hula kong pinaalis na niya lahat ngunit bakit biglang may nagbanta sa akin ng espada? Alam kong espada ang ginamit sa paghiwa sa akin dahil rinig ko pa ang pagkalansing non nung ibinanta na sa akin.

"Bree..."

"Sir Winstone..." nakangiting saad nung babaeng assassin. At hindi ako pwedeng magkamali, na siya iyong babaeng assassin na nakaharap ko kanina bago ako makarating dito sa lokasyon ni Snape. "Buti na lang at nakarating agad ako, kung hindi.. Baka tuluyan ka nang pinatay ng babaeng 'yan."

Napatingala ako kay Snape na sumulyap sa akin bago tumitig sa assassin niya.

"Iisa na lang siya, Sir Snape.. Alam mo, mabuti pa't ituloy na natin yung plano."

'Plano?'

Naningkit ang mga mata ko at tumitig naman kay Snape na palihim na umiling habang sumusulyap sa akin.

"Nariyan pa sa paligid ang mga agents at La Fuerte's Assassin kaya hindi tayo makakakilos agad-agad.. Kaya bago nila tayo maabutan, bakit hindi natin gawin ang plano nating patayin ang Heiress nila?"

'Ako?'

"At ako na mismo ang gagawa non.. bilang pagganti sa pagpatay niya sa nobyo ko." nakangiti pa nitong saad saka dahan-dahang ibinaling ang atensyon sa akin. At ako itong binigyan siya ng sarkastikong ngisi saka ko palihim na sinulyapan ang baril na tumilapon kasabay ng pagtumba ko.

"Nakakabilib na nagawa mo pang buhayin ang sarili mo." pagdadaldal ko kaya napangisi na siya at pinunasan ang espada niyang saglit na kuminang nung tumapat doon ang nakakasilaw na ilaw ng lugar. "At hindi ka parin nga nagigising sa katotohanan na sa ating dalawa, ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang nobyo mo."

"Manahimik ka.." pag-angat niya ng kilay sa akin saka inihipan ang dulo ng espada bago iyon isinukbit sa balikat niya. "Manahimik ka kung ayaw mong patayin kita sa brutal na paraan,"

"Mamatay sa brutal na paraan?" natatawa kong tanong at sumulyap kay Snape na nakatitig lang doon sa babae niyang assassin. Para niyang inuusisa ang bawat galaw ng bibig nito at paglabas ng mga salita doon. At paniguradong hindi niya alam kung anong pinag-uusapan namin nung babae kaya pilit niyang iniintindi. "Gamit ang espadang pumaslang sa nobyo mo?"

"Marapat kitang patayin gamit ang espada na ito bilang pagganti sa pagkawala niya.. Kung sana'y tinanggap mo na lang ang offer ni Sir Snape na pakasalan mo siya, hindi ka sana nako-corner ngayon.."

"Kahit pa corner-in mo 'ko, hindi mo 'ko mapapatay.."

"At sinong nagsabing hindi ko kayang gawin?"

"Ako." simple kong sabi at ngumiti sakaniya nang may pang-aasar.. Nakakabilib lang ang tapang niya dahil ang akala ko kanina ay pinatay na niya ang sarili niya dahil sa pagsisisi, ngunit hindi kapani-paniwala na bigla na lamang siyang susulpot at kukumbinsihin ang sarili na ako ang pumatay sa lalaking mahal niya.

Ako ang may kundisyon sa aming dalawa pero mas nagmumukha siyang takas sa ospital.

'Nakakabanas..'

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon