39

7 1 1
                                    

Zeke's POV









Nagtuloy-tuloy namin mula sa himpapawid, at may iisang naka-kotse. Ilang oras lang yata ang lumipas ay nakarating na kami sa isang lugar na tiyak naming teritoryo ni Snape dahil iyon ang na-track ng trackers namin. At hindi madaling gawin iyon dahil sobrang malayo sa siyudad ang lugar na kinalalagyan nila Snape. Talagang pumipili siya ng lupain kung saan ay iyong pag-aakalain ng mga taong abandunado na.

May isang tunnel ang dinaanan ng iilang agents naming nasa sasakyan at masasabi kong sira-sira na iyon at wala nang sinuman ang nakakapagbyahe. Napakalayo na sa siyudad at halos ituring na ngang abandoned tunnel. "Heiress," tawag ni Chief Kang sa akin na siyang nagdadrive ng helicopter na dala namin, wala pa kami ilang kilometro na lapit sa pinakaloob ng teritoryo. "Ibababa na namin kayo mula rito, hindi pupwedeng marinig ang pagsalubong ng helicopter natin sa lupain nila."

Tumango naman ako at kinuha ang parachute saka ko sinuot iyon na ginawa rin ni Dandelion, lahat kaming naka-sasakyang pang-ere ay masyadong mataas kumpara sa gawi ng mga nakasasakyan upang hindi gano'n maabot ang tunog ng paglapit namin.

"The Heiress is about to fly off! AGENTS! Protect the Heiress!" rinig kong utos ni Chief Kang sa mga agents at doon na ako tumapik kay Dandelion, sinesenyasan siyang mauna na pero napapalunok siyang umatras.

"I-ikaw na muna.. N-natatakot ako dito, a-ang taas.."

Sumulyap naman ako kay Chief Kang na napangiwi dahil doon. Ako itong hinawakan sa balikat si Dandelion, "Talon na.."

"T-teka, hihinga ako.. P-puta! N-ngayon ko lang nalaman n-na may takot a-ako sa heights.."

"Talon na, Dandelion.. Nauubos ang oras."

"T-teka naman kasi! Ikaw namang buntis ka, hinay-hinay lang!"

Napapabuntong-hininga kong inikot ang mga mata bago sinuot ang protector sunglasses ko bago binasa ang labi. "Ayaw mo talagang mauna?" hirit ko pa pero umiling-iling lang si Dandelion.

Ako itong tumango-tango bago pinaglaruan ang dila sa harap na ngipin bago...

"KYAAAAAAAAAHHH!"

"HUY!" napapasapo ang bibig na saad ni Chief Kang nung tulakin ko na si Dandelion na panay ang tili..

"Hoy! Hatakin mo na yung parachute, mamamatay ka kapag hindi mo hinatak!" utos ko dahil mukhang nawala na sa isip niya ang parachute na suot dahil sa takot. No choice tuloy akong biglain ang talon saka ko kinuha ang pwersa para makapantay si Dandelion at hinatak ang parachute niya na ginawa ko rin para sa'kin.

"TANG INAAAA! AYOKO NAAAAAAAA!" hiyaw niya pa habang pumapadyak-padyak, ako itong napailing na lang at tumingin sa ibaba. Nung medyo malapit na ay doon na ako naghanda sa paglapag nang marahan. "FVCK!"

"Napakaduwag." bulong ko saka pinagpagan ang mga braso. Nakahiga si Dandelion sa damuhan na nilapagan namin habang hinahabol ang hininga niya. Nababaliw na siya.

"Heiress," napalingon ako sa mga agents na nakapalibot sa aming dalawa ni Dandelions, at doon ako lumapit kay Agent Wings na iniyukod pa ang ulo. "Naka-standby na ang mga trackers natin, papasok na ba tayo?"

Tumango naman ako bago bumaling sa iba pang agents. "Tandaan niyong wala tayong plano.. Kaya kung sakali ngang umabot na tayo sa posisyong komplikado na, 'wag na 'wag kayong magdadalawang-isip na iligtas ang mga sarili niyo.."

"Heiress,"

"Ang nag-iisang plano lang nating lahat, ay ang makalabas ng buhay. Naiintindihan niyo ba 'ko?"

"Heiress, 'wag ka ngang magsalita na parang mamamatay ka ngayong gabi.. Hindi kami aalis nang hindi ka kasama. Kung kailangan naming mamatay para sa'yo, ay wala naming pagdadalawang-isip na gagawin iyon."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon