04

19 2 1
                                    

Jack's POV





"Anong nangyari sa loob?" tanong ng ama nung babaeng nasa interrogation room.. Gabi na at nandito padin ako sa presinto, hindi dahil nakikiosyoso ako.. Dahil ako mismo ang nag-offer ng lawyer para sa babaeng iyon. "Anong nangyayari, Attorney Clarence? Bakit pumasok sa loob iyong mga pulis?"

"Hindi ko din ho alam, Mister.. Maaaring may hindi magandang nangyayari doon." si Clarence ang in-offer kong lawyer para sa kanila.. at nasabi ko na ding ako na ang bahalang magbayad sa lahat ng kakailanganin..

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kakaiba doon sa babae.. Base palamang sa presensya niya, wala na akong masabi pa. May kung ano sa akin na gusto silang tulungan dahil pakiramdam ko'y inosente ang babae na iyon..

"T-teka, mga ser.. saan niyo ho dadalhin ang a-anak ko??" tanong agad ng mister nung ilabas na yung anak niya sa interrogation pero ang ipinagtataka namin ay buhat ito ng isang pulis. Wala siyang malay. "A-ano pong nangyari sa kaniya?? Bakit.. bakit ho.. bakit wala siyang malay? Attorney!"

Napabuntong-hininga ako nung humarap ito kay Clarence na agad pumunta sa gawi na iyon para alamin kung ano bang nangyayari. Si Attorney Kourtney naman na kasama din ni Clarence dahil partner niya iyan.. Siya ang papalit kay Clarence kung sakali mang may emergency na kailangang asikasuhin.

"Attorney, pakiusap.. ang anak ko.." naluluha nang ani ng mister at humarap kay Attorney Kourtney na ngumiti ng tipid.

"Magiging maayos lang po ang lahat.. Maaaring hindi kinaya ng anak niyo ang mga tinanong sa kaniya ng nakaatas na prosecutor.. Since, ngayon lang din po nakapasok si Zenaida sa kulungan.."

"Ma'am, hindi ho kasi siya sanay sa ganitong lugar.. hindi siya pupwedeng maging mag-isa dahil baka atakihin siya.."

"May anxiety po ba siya?"

"H-hindi lang.. ho anxiety ang sakit niya, Ma'am eh.."

Sabay naman kaming nagkatinginan ni Kourtney na pareho ding natitigilan.. Agad niyang ibinalik ang tingin sa lalaki bago tumikhim. "Ano hong.. sakit niya?"

"M-may Borderline Personality Disorder po si Zenaida.. at hindi siya pupwede dito sa kulungan o kahit pa saang lugar kung saan ay mararamdaman niyang mag-isa siya.."

'She has a BPD? And.. she's an employee on Brick Industry.' bulong ko sa isip at dali-daling napabaling ang tingin sa gawi nila Clarence na nag-uusap padin.

"M-maiwan ko muna kayo, Kourtney.. I'll buy you drinks." paalam ko na agad naman niyang tinanguan.. Muli pa akong sumulyap kila Clarence bago na ako dumeretso papalabas ng police station at agad ini-contact ang number ni Sandra.

"[Yes, Jack.. ?? Kamusta ang hinahawakang kaso ni Clarence?]"

"Kararating lang nila.. Kinausap na din daw nung prosecutor iyong kleyente nila. Pero nakita naming pagkalabas niya, buhat na siya ng mga pulis."

"[What.. ?! Why?! Is she okay?]"

"She's fine.. But I'm not sure. Si Clarence kasi ang lumapit para alamin.."

"[God.. ! Sana ayos lang siya! And, bakit ka pala napatawag?]"

"I just want to know something.. Kanina kasi, habang kinakausap ni Clarence yung mga pulis para tanungin kung ano bang nangyari.. Kasama at kausap namin ni Kourtney ang tatay nung kleyente.."

"[Then.. ??]"

"Nabanggit niya sa aming hindi sanay yung kleyente sa ganoong lugar, hindi dahil presinto iyon.. dahil mararamdaman niyang mag-isa siya.. Lalo na nung ilagay siya kanina sa blangkong bilangguan. Pwede daw siyang atakihin doon.."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon