31

15 1 1
                                    

Zeke's POV











Halos buong araw akong nasa opisina nila Engineer Santa Cruz dahil kailangan kong tapusin ang structure ng kwarto ni Klaudio. Pinaalala niya sa akin na kailangan ay kami lang ni Engineer Santa Cruz ang makaalam patungkol dito, at ibig sabihin lang non ay kaming dalawa ni Engineer Santa Cruz mismo ang gagawa at kikilos para magawa iyon. Ang ini-sketch ko ay para siyang gaming room dahil hula kong gagawin ngang gaming room iyon ni Klaudio. Dahil walang sinabi sa amin si Miss Werlet na mga movie theater o kahit pa mga gaming room or study room. Kaya siguro siya naghiling sa akin.

Ayos lang naman sa akin iyon dahil kasama din sa binayaran iyon ni Miss Werlet, isa din ay dinagdagan pa nga ni Klaudio ang bayad kaya kailangan talaga naming gawin ang gusto niyang ipagawa.

*Tok Tok Tok Tok*

Napasulyap ako saglit sa pintuan nung may kumatok doon. "Yeah, come in.." agad kong sabi at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Malapit na akong matapos. And actually, dalawa iyong ginawa ko at magkaibang design at magkaibang size sila para makapili kami ni Engineer Santa Cruz.

"Kanina ka pa nand'yan, hindi ka ba nagugutom?" agad akong napalingon doon sa pumasok at saka ako ngingiti-ngiting pinanood siyang umupo sa tabi ko.

Inilapag niya ang dala niyang Red Iced Tea para sa akin na halatang binili niya pa sa labas. May dala din siyang isang Milktea na para naman sakaniya. "Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom? Hindi ka sumabay kanina sa break time namin.."

"Ahh, may ginagawa pa kasi ako. Sakto, nandito ka naman na and tapos ko na din. Here," pagpakita ko sakaniya ng dalawang sketch. "Ito iyong naisip kong structure and sketch for Klaudio's Secret Room."

"Oh, really? Himala.. nangausap si Klaudio ng mga adults?"

"Yeah, why?"

"Hindi usually nakikipag-usap ang bata na iyon sa mga matatanda. Like us. Minsan ko nga lang maabutan na makipag-usap iyon sa mga kasing-edad natin. Ang alam ko kasi, ayaw niya sa Kuya niyang halos kasing-edad lang din natin. Yung Kuya niya kasing yun, iniwan siya noon simula nung mag-asawa na."

"Ahhh.." tatango-tango kong ani at sumimsim sa Red Tea bago kami muling bumaling sa mga sketch.

"Wow.. Ang galing mo talagang mag-sketch.. No wonder kung bakit ba pinag-aagawan ka ng mga sikat na tao sa mundo. Swerte nila Miss Werlet dahil kumagat ka sa offer nila.. Anyways, I like this 2nd one."

"Yeah, me too.. So, ito na ang final structure natin so itatago ko na din sila pareho para mapag-usapan natin yung gagawin natin sa mismong bahay. Ii-sketch ko na yung labas na itsura mamaya sa bahay and then, habang ini-sketch ko yung bawat loob ng bahay, suggests me anything. Alright?"

"Yep!"

Katulad ng sinabi ko, nagsketch ulit ako for Living Room muna. Nag-suggest siya na mas palawakin pa namin at iyong living room ay may harang mula sa kusina't dining area. Tapos sa gilid ng pintuan, nandoon yung hagdanan papaakyat sa 2nd floor and nakapabilog iyong style. Like pagkaakyat ng 2nd floor makikita mo pa yung nasa baba kasi malawak yung gagawing corridor doon sa pangalawang palapag.

Iyong mga sandalan naman or yung mga hawakan ay hindi pa namin sure dalawa kung gagawin naming kahoy lang or glass dahil nga hindi pa namin nasesecured ang Theme namin dahil nga sa Tuesday pa magpapresent ang dalawang employee na nag-suggest ng theme namin.

Actually, they have a point. Pareho silang may tama pero hindi pa sapat ang mga impormasyon nila para makapili kami ni Engineer Santa Cruz. Mahirap ang pumili dahil nga pantay ang opinyon nilang dalawa.

Matapos ang pag-uusap namin ni Engineer Santa Cruz ay nakauwi ako sa La Fuerte's Mansion ng halos alas-syete na ng gabi dahil tinapos pa namin ang lahat ng plans namin. Hindi pa masyadong maayos dahil mamaya ay irerevise ko ang lay-out ng bawat napagplanuhan namin.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon