03

26 2 1
                                    

Zeke's POV






Hindi ko na alam ang gagawin ko.. At natatakot na talaga ako dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng mga pulis sa personal pero ito ang unang beses na naidala ako sa pulisya at ako mismo ang hinuhuli nila. "Papa.." humihikbi kong tawag kay Papa na ngayon ay mahigpit na nakaakap sa balikat ko.

"Magiging maayos ang lahat, anak ha?? Hindi ka pwedeng makulong dito.. Gagawa si Papa ng paraan, hmm?" pagkasabi niya non ay tumango-tango ako at napakapit sa manggas ng damit niya dahil takot na takot na talaga ako.

Hindi dapat ako nandito.. Ayaw ko dito.. Hindi ako pwede dito. Wala naman akong ginawang masama.. Hindi ko magagawa kay Cocky iyon.. hindi ko magagawa yun.

"Kailangan hong ma-detain ng anak niyo dito sa presinto, at maya-maya lang.. pagkarating ng mga nag-inspeksyon sa kompanya ay dadalhin namin sa interrogation room, dala-dala ang prosecutor na siyang hahawak sa kasong ito. Kung wala man kayong makuha na lawyer upang ipaglaban ang dapat niyo pa bang ilaban, dederetso na agad tayo sa korte para mabigyan ng parusa ang dalagang ito." seryosong saad ng chief habang nakasandal na ang mga palad niya sa lamesa at deretsong nakatingin kay Papa na napahigpit ang hawak sa braso ko, para bang ipinaparamdam na nandoon lamang siya sa tabi ko. "Sa ngayon, ipapasok namin siya sa kulungan nang siya lamang ang mag-isa.."

Gano'n na lang ang gulat ko nung patayuin ako ng mga pulis at hawakan sa braso upang hatakin sa kung saan. "S-saan.. saan n-niyo po ako d-dadalhin?! P-pakiusap! Wala po.. wala po akong g-ginawang kasalanan! PAPA!"

Panay ang patawag ko sa tatay ko ngunit hindi ko na siya nakita dahil sobrang layo ko na sakaniya. Basta ipinasok na lang ako bigla ng mga pulis na humatak sa akin sa isang bilangguan na walang kalaman-laman. Sakto lang para sa isang tao iyon.. ngunit mas sumisikip lamang ang dibdib ko sa ganitong klase ng sitwasyon..

Ayoko sa ganitong lugar.. Ayoko nang mag-isa ako.. Ayoko dito..

"P-papa.." mahina kong pagtawag habang napapayakap na sa mga tuhod ko at siniksik ang sarili sa may gate ng bilangguan at pilit na sinisilip at inaaninag ang pwesto nila Papa na hindi ko na maabot-abot, ngunit may naririnig akong iilang boses, senyales na nag-uusap silang lahat..

Kailangan kong makawala dito dahil wala naman akong ginawang kasalanan.. Hindi.. hindi ko pinatay si Cocky. Wala akong ginawang kasalanan. Ni hindi ko nga alam kung paano manakit ng tao, paano ko siya magagawang patayin? Tiyak namang mas malaki ang katawan niya sa akin--paano ko siya magagawang patayin?

"H-hindi po ako ang g-gumawa non.." iiling-iling kong sabi habang nakadukdok na ang noo sa tuhod at pilit na pinapakalma ang sarili dahil pakiramdam ko'y nauubusan ako ng hininga.. Wala akong ibang kasama at iyong mga pintuan pang nakikita ko'y tila lumalapit sa akin pero hindi naman iyon sumusobra..

Ilang oras akong nakadukdok sa tuhod ko at hindi man lang makaramdam ng ngalay sa posisyon ko.. Tumigil na din ang mga mata ko sa paglabas ng mga mainit na likido.. Para akong nawalan ng emosyon at pakiramdam ko'y namamanhid ang katawan ko.

"Aguilar. Kailangan ka nang dalhin sa interrogation room." dahan-dahan kong naiangat ang ulo nung magsalita iyong dalawang pulis na humatak sa akin. Pabuntong-hininga akong napatayo at sumunod na lang sakanila habang nakaposas na din ang mga pulsuhan ko.

Nakatungo lang ako habang sinusunod ang mga gabay nila hanggang sa ipasok nila ako sa isang silid na hula kong interrogation room na nga. Doon bumungad sa akin ang isang babae na isang pamilyar sa paningin ko.

Suot niya ang isang puting blazer, puting panloob at puting pantalon. Nakalugay naman ang maikli niyang buhok na umaabot lamang sa balikat niya. Deretso siyang nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang kabuuan ko.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon