18

21 1 2
                                    

Jack's POV






Lumipas na ang ilang oras.. Nakauwi na kami ni Zenaida pero ako itong tila wala sa sarili dahil magdamag ko siyang inaabangan na lumabas ng kwarto niya. Simula nung umuwi kami ay hindi na siya lumabas ng kwarto na animo'y ayaw niya ngang magpakita sa akin. Kaninang pagpasok niya sa kotse ko ay wala siyang kibo. Iniiwasan niya din ang mga tingin ko kahit pinapahalata ko nang gusto ko siyang makatitigan.

"Manang, may mens po ba si Zenaida ngayon?" tanong ko bigla. Kagat ko ang hinlalaking daliri habang nakatitig parin sa palapag kung saan nakapwesto ang kwarto naming dalawa ni Zenaida.

"Wala naman po.. Bakit?"

"Hindi niya po ako pinapansin, eh.. Okay naman po kami nung makapasok kami sa trabaho. Ang ipinagtataka ko lang po, bakit nung papauwi na.. parang ayaw niya akong lapitan?"

"Ay baka naman kasi may ginawa ka?"

"W-wala po! I SWEAR!"

"Eh, baka bad mood sa trabaho?"

"Nakatulala po siya kanina buong magdamag. Hula ko pong umiyak siya kasi namumula iyong pisnge at ilong niya. Pero iyong mata niya hindi ko na nakita kasi bukod sa singkit at natatakpan nung bangs niya, nakatungo pa siya.."

Napanguso naman si Manang bago napabuntong-hininga.. "Ihhh.. hindi mo naman siguro malalaman kung hindi mo susubukan na alamin?" nakangiti niyang ani kaya napatitig na ako sakaniya bago dali-daling tumayo at umakyat sa kwarto ni Zenaida.

Nung una ay nag-aalinalangan pa akong katukin ngunit pinapatay ako ng kuryosidad ko kaya agad ko nang itinuloy ang balak. "Z-zenaida??" tawag ko at napapalunok na hinawakan ang door knob. "Papasok na 'ko, ha??" bulong ko bago ko binuksan ang pintuan.

Madilim ang kwarto ngunit nakabukas ang lamp niya. Nandoon siya sa kaliwang gilid ng kama niya habang nakatiklop siya. Hindi ko alam kung nakatulala nanaman ba siya o natutulog kaya dahan-dahan na akong lumapit sakaniya.

Umupo ako sa harapan niya't iniyuko ang ulo para matignan ang mukha niya.. At doon ako napaalarma nung ibaling niya ang paningin deretso sa mga mata ko at doon tumulo ang mga luha niya. "Z-zenaida.. B-bakit?? Bakit, ha??" agad kong pagtanong sakaniya at napapasapo sa bibig na pinagmasdan siya.

Nagsimula na siyang humikbi at mapayuko sa mga tuhod niya habang mahigpit na nakayakap doon. Marahas ang pag-angat at baba ng mga balikat niya habang ang hikbi ay umiimpit ngunit lumalakas din. "Z-zenaida.." bulong ko at doon na niya ulit inangat ang ulo bago kumapit sa damit ko dahilan para natitigilan ko siyang titigan.

Dahil malaki ang agwat ng laki namin ay nakatingala siya sa akin. And I swear! SHE FVCKING LOOKS LIKE A BABIE ANGEL! Tumama-tama sa mukha niya ang ilaw galing sa labas dahil nakahawi iyong kurtina sa veranda ng silid. At kitang-kita ko ang kislap ng mga mata niya. Ang mga namumulang pisnge na basang-basa na. At ang labi na pulang-pula na rin.

"B-bakit?? Bakit umiiyak ka.. ?? May nangyari ba?" nag-aalala ko nang tanong dahil kinakabahan na ako sakaniya. Mamaya ay may naiisip itong hindi ko nalalaman. According sa doktor na tumingin sakaniya, kasama sa kundisyon niya ang pagkakaroon ng random thoughts. And random thoughts give them a reason to overthink it. Hindi lang din daw sa kundisyon niya ang pwede niyang maramdaman dahil pwedeng may gugulo sa isipan niya na siya lang mismo ang nakakakita at nakakadinig.

"S-sir Jack.." tawag niya sa akin kaya napahawak na ako sa balikat niya at tunango.. "Sir Jack.."

"B-bakit, hmm? Sabihin mo.. a-anong nararamdaman mo? S-saan.. saan ang masakit, ha?? Zeke.." naaawa ko nang pagbanggit sa pangalan niya bago pinagmasdan ang mukha niya pero parang nanghihina ako dahil parang may sumasaksak na sa katawan ko habang pinagmamasdan kong lumandas sa mga mata niya ang luhang hindi ko alam kung ano ba ang dahilan.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon