14

25 1 1
                                    

Zeke's POV








Mahina akong napaungot nung maramdaman ko ang pangingirot ng tagiliran ko. Napahawak pa ako doon na animo'y mapipigilan ko ang pag-atake sa akin non ngunit wala ring nagawa. Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata dahil sa hindi pamilyar na paligid ko..

Malamig masyado at hindi naman ganito ang temperatura sa kwarto ko. Kaya nung mapagtanto kong hindi ko nga ito teritoryo ay napaupo na ako at napalingon sa gilid ko. "Sir Jack." agad kong tawag.

"Gising ka na.. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"A-ayos.. naman po ako. Nasaan po ako?"

"Nasa guest room ka ng bahay ko. Dinala kita dito dahil wala naman na akong ibang mapupuntahan dahil sabi mo, nasa trabaho ang tatay mo at ayaw mo naman sa ospital."

Napabuntong-hininga naman ako at marahang hinawakan ang balikat na may sugat. Kumikirot din iyon pero ayos lang naman dahil may bandage nang nakapalibot doon.

"Nga pala.. Ang sabi sa akin ni Sandrina ay nakausap niya ang Papa mo. At pinapasabi niyang hindi makakauwi ang tatay mo dahil umuwi daw muna ito sa Pampanga."

Gulat naman akong lumingon sakaniya at napahawak sa sapin. "B-bakit daw.. po?"

"Ang sabi ay pinapauwi siya ng pamilya niyo? Siguro'y side ng papa mo.. Para mas malinawan ka, tatawagan ko ang Papa mo para makamusta ka na rin niya."

"S-sige po.." tango ko at pinagmasdan siyang contact-in ang Papa ko. Actually, hindi din ako makakauwi sa bahay dahil walang tao roon. Kung wala si Papa, hindi ako makakauwi. Si Tiya Madel ay nasa trabaho niya sa Pasay, si Bane naman ay paniguradong sa dorm niya umuwi dahil abala siya sa pag-aaral niya ngayong linggo.

Kaya hindi ko na alam kung paano ako uuwi sa bahay lalo na't wala akong kasama. Hindi ako sanay nang walang kasama. Kapag naiwan ako doon.. hindi ko kakayanin..

"Here."

Muli akong napalingon kay Sir Jack at dali-daling kinuha ang cellphone niya.. Agad kong initapat iyon sa tenga ko saka tumikhim, "Papa.."

"[Z-zeke! ANAK!]"

"PAPA!"

"[Kamusta ka, anak ha? Maayos na ba ang lagay mo?? Sobrang nag-aalala si Papa sa'yo, anak.. Pasensya ka na't hindi muna kita pinuntahan, ha?? Pinauwi kasi ako nila Mamay dito sa Pampanga, eh.. Gusto sana kitang dalawin pero pinagmamadali na talaga nila ako..]"

"A-ayos lang naman po, Papa.. Pero bakit po ba kayo pinauwi nila Lola nang biglaan?"

"[Pag-uusapan daw namin iyong paghati-hati ng lupa. Eh, matagal-tagal pa iyon. Ang sabi nila'y kailangan kong manatili dito ng isang linggo pero para makauwi agad ako d'yan, dadalian ko na lang at baka makalimang araw lang ako dito..]"

Naibagsak ko naman ang balikat at sumulyap kay Sir Jack na nakatitig lang sa akin. Tila binabantayan niya ang bawat emosyong ilalabas ko at hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong bantayan samantalang maayos naman na ang pakiramdam ko.

"[Anak.. Nasa bahay ka ni Sir Jack, hindi ba?]"

"O-opo.. Dito niya po ako dinala kasi.. sabi ko po wala kayo sa bahay, saka wala sila Tiya doon. Ayaw k-ko naman po sa ospital.. n-natatakot po ako."

"[Kawawa naman ang anak ko.. Hayaan mo, susubukan kong makauwi kaagad. Saka tatawagan naman kita oras-oras para hindi mo maramdamang wala kang kasama..]"

Doon naman ako napangiti at napahinga na ng malalim.. Kahit hindi ko makasama si Papa ng gano'n katagal, basta alam kong nand'yan lang siya. Saka naiintindihan ko naman.. Mahalaga ang lupa na inaasikaso nila Papa dahil alam kong mag-aagawan ang mga kapatid niya.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon