37

10 1 2
                                    

Zeke's POV












Hindi ko halos nabilang ang ilang oras ng byahe namin ni Dandelion papunta sa Cavite para manatili sa mansion ng mga La Fuerte. Pakiramdam ko kasi ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Kanina pa rin ako nagpipigil na 'wag masuka dahil ayaw kong abalahin si Dandelion sa pagmamaneho niya.

"Are you okay, Zeke? You look sleepy.. Why don't you sleep muna?"

"I'm fine," agad kong sabi at isinandal ang ulo sa upuan. "Malapit na rin naman tayo sa La Fuerte's Mansion.. Mas magandang doon ko sulitin ang tulog."

"O-okay.." tango na lang niya.. Nanahimik naman ang kapaligiran namin at ang tanging nagbubuo lamang ng ingay ay iyong paggalaw ng makina at iyong paraan ng pagdaan namin sa kalsada.

Malinis ang paligid, walang masyadong nakakasalubong na mga pagala-galang tao. Ang tanging nakikita ko na lang ay puro puno na, senyales na malapit na nga kami sa Mansyon ng La Fuerte.

"Kailan mo balak sabihin kay Jack na buntis ka? Mag-iisang buwan na 'yan, Zenaida.." napalingon ako kay Dandelion nung muli siyang magsalita.

"Hindi ko alam.. Pagkatapos kong patayin si Snape." deretso kong sagot at ipinulupot ang mga braso ko sa t'yan bago hinaplos ang tagiliran ko. "Wala pa akong balak na sabihin sakaniya dahil alam kong pipigilan niya ako.. Gano'n din kila Papa, at lalo na sa mga La Fuerte.. Paniguradong aakuin nila itong misyon ko."

"Why don't you just give it to them, Zenaida? Since, madami sa pamilya niyo ang pwedeng gumawa non.. Your family are assassins, Zeke. Pwedeng mapahamak kayo ng anak mo dahil sa gusto mong mangyari.."

"Hindi ko pwedeng ilagay sa peligro ang pamilya ko, Dandelion.. Ako ang umako ng misyon na ito, at kung sakanila ko ibibigay iyon ay paniguradong matagal pa bago nila magawa. Kilala mo si Snape, Dandelion.. Paniguradong may umiikot na ding plano sa utak niya. Kaya bago tayo maunahan ni Snape, dapat alisin na natin siya sa listahan."

Narinig ko ang mabigat na buntong-hininga niya bago ko nakita sa gilid ng mata kong umiling-iling siya. "Paano kung mapahamak ka? Kayo ng baby mo? Anong gagawin mo niyan?"

"Malabong mangyari yun, Dandelion.. Kayang-kaya kong patayin si Snape sa magaan o mabigat mang paraan. Bago niya ako mapuruhan, naglulumpasay na siya sa sahig.."

Sakto non ay huminto na kami doon sa malaking gate. Agad kong binaba ang bintana dahilan para magsisaludohan ang mga nakabantay doon. Bumukas ang malaking gate at doon na nga umandar ulit ang sasakyan.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakapasok na rin kami sa main gate at doon na mismo sa mansyon. "Welcome back, Heiress.." bati sa akin ni Chief Kang kaya hindi ko na naiwasang mapangiti at yumukod sakaniya bilang pabawi ng pagbati. "Buti naman ay nakabalik kayo. Hindi namin inaasahan ang biglaang pagdalaw mo, kamahalan.."

"May kailangan kasi akong gawin dito sa La Fuerte.. Nga pala, si Dandelion." pakilala ko kay Dandelion na ngumiti naman kay Chief Kang. "Bagong recruit siya as assassin member ng La Fuerte.. And I hope na magkasundo kayong lahat.."

Nakipag-kamay si Chief Kang kay Dandelion bago na kami pumasok sa loob. Ang naabutan ko lang na nandoon ay si Mamila na nagulat pa nung makita ako. Siguro ay hindi pa nasabi sakaniya ni Chief Kang ang biglang pagdalaw ko.

"Apo!" bati agad nito sa akin at walang pasabing niyakap ako bago ako binigyan ng malambot na halik sa pisnge. Malugod ko iyong tinanggap at nakangiti siyang niyukudan. "This is surprising.. You're visiting us?"

"I can say yes.. but of course, I came here because I need to do something po. About the mission."

"Oh... that." sapo niya sa bibig at inaya na ako na maupo. Si Dandelion naman ay nakasunod lang sa likuran ko na tila binabantayan ang kilos ko. Handang umalalay kung sakaling kakailanganin ko. "Winstone is quiet, doesn't he?"

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon