Chapter 9

12.5K 148 1
                                    


Andrea pov

Ilang minuto pa bago nagsimula ang kasiyahan sa fiesta.

Grabe ganito na pala ngayon dito ka pag may fiesta ang laki naman ng pinagbago ng bayan na ito.

Nakikinig kami ngayon sa emce dahil may ipapahiwatig daw ang kanilang meyor dito.

"Palakpakan natin ang ating pinakamamahal na mayor dito sa baryo maligalig" sabi ng emce.

Nagpalakpakan naman ang mga tao kaya nakisabay na din kami trip din namin na pumalakpak.

"Magandang hapon sa lahat salamat sa pagpunta at pakikisaya sa ating fiesta sana ay magsaya kayo hanggang sa gusto niyo" sabi ng mayor at ibinigay na ang mic sa emce.

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Salamat mayor, oh rinig niyo ang sabi ng meyor magsayahan daw at mag-enjoy kaya, kainan na!! " sabi ng emce at bumaba na sa stage nagsigawan naman ang mga tao.

At nagsimula ng kumuha ng pagkain sa mesa na doon nakalagay ang mga pagkain.

"Rea, ako na lang ang kukuha ng pagkain natin dito kana lang baka kasi mawala ka ang liit mo pa naman" sabi ni trisha na ikina tawa ng kasama namin.

Shutang bruha to kala mo kung gaano ka taas Ng height Niya.

Inirapan ko na lang siya at tumango na lang at umalis na sila.

Habang nagantay sa kanila nilibang ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin tingin sa paligid para hindi ako ma bored.

Nahagip ng aking mata ang isang table kung saan naka upo ang mayor.

Dalawang babae at tatlong lalaki ang ka table nito.

Napakunot ang noo ko parang pamilyar yung isang lalaki.

Hindi ko masyado nakita ang mukha kasi nga naka talikod ito.

"Oh ayan na ang pagkain mo" na gulat ako ng biglang nagsalita si Trisha nabaling ang tingin ko sa kanya nandito na pala sila.

Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain kasi gutom na ako.

Ang mga bulati kung baby gutom na.

Pero hindi padin mawala sa isip ko yung pamilyar na lalaki o guniguni ko lang siguro.

"Nakita mo ba si Manang Flor?" Tanong ko kay Trisha.

Tumango naman siya bago nagsalita.

"Ohh busy ni manang eh kasama niya mga kaibigan niya nag chichika sila iwan chismosa pa Naman si Manang sometimes." sabi niya at bumalik sa pagkain.

"Shemay ang popogi ng mga ka table ni mayor mga bisita ata nila yun" sabi ni angelo at naka tingin sa table ng mayor.

Nagbikit balikat na lang ako at uminom ng coke bago tumingin ulit sa table ni mayor.

Pero dahil sa gulat bigla na lang akong na samid sa ininom ko.

Pati si trisha nagulat sa mag samid ko kaya hinagud niya ang likod ko.

"Ano ba naman yan kept ka umayos ka nga" sabi niya.

"Dahan dahan lang beh hindi yan mauubos uyy" sabi naman ni mico

Habang si angelo naman nagpipigil ng tawa ang bakla.

Pero hindi ko yun inintindi tulala lang ako.

Sheyt bakit siya nandito. Shutangina him!

"Gago" biglaang mura ni Trisha kaya na patingin ako sa kanya.

Pero ang tingin niya ay nasa mesa nila mayor.

Married To A Ruthlessman (Complete But Under Edited) Where stories live. Discover now