Prologue

217 31 15
                                    

    "Mama, bakit po ayaw ninyo akong palabasin at napakataas ng kwarto?"

    "Anak, napaka delikado ng mundo para sa'yo. Ano pa ang silbi ng pag aalaga ko sa'yo kung ika'y mapapahamak, hindi ba?"

    "Alam ko naman po pero..." hindi na ako pinatapos ni mama ng aking sasabihin ng putulin nya ito
 
    "Pag lumaki ka ay maiintindihan mo rin ako Rachel, sa ngayon ay halika dito at susuklayin na natin ang buhok mo"

    Lumapit ako kay mama, pinaupo ako nito sa upuan at pinaharap sa salamin. Kinuha nito ang suklay at tinitirintas ang mahaba kong buhok.

    "Mama, kailan mo po ba ako gugupitan ng buhok, masyado na pong mahaba ang buhok ko" malungkot na saad ko kay mama

   "Kapag malaki kana, kaya dapat ay maging mabait ka lang kay mama at huwag maging pasaway" turan ni mama saakin

   Pagkatapos niyang suklayin at tirintasin ang aking buhok ay nagpaalam muna itong baba muna at bibili ng makakain sa bayan. Tumango naman ako at hinagkan siya sa pisngi.

   "Mag iingat po kayo mama, sabi nyo po delikado sa labas di 'ba?" paalala ko rito
 
   "Oo naman anak, at behave ka lang riyan, opo? Kung hindi, hindi kita bibilhan ng mansanas!" may pagbabantang tugon ni mama

   "Opo! " masayang tugon ko at pumunta na na siya sa pinto at sinarado ito. Pagkaalis ni mama ay pumunta ako sa pinto at tiningnan kung naka nakakandado ba ito.

   "Sabi ko na nga ba't naka kandado na naman ito, ano bang maganda gawin rito" tumingin tingin ako sa loob ng kwarto ko at may nakita akong libro, pinagdesisyonan kong basahin na lamang ito.
 
    May iilang libro na iniuuwi si mama sa kwarto ko at ang ilan sa mga ito'y tapos ko ng basahin at minsan naman ay tinuturuan ako ni mama ng mga salitang kailangan kong malaman at matutunan. Isa na rito ang wikang ingles na patuloy ko pa ring pinagaaralan dahil mahirap hirap pa ito para saakin

    Noon ay tinanong ko si mama kung nasan ba si papa at sinabi niya saakin na matagal na raw patay ang aking tatay, kaya't hindi na ako nag tanong pa ng kahit ano kaya mama ng malaman ko ito.
 
    Nalungkot ako ng lubusan ng malamang patay na pala ang aking tatay ngunit ng dahil kay mama ay naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko at ginagampanan nya ang pagiging ama at ina saakin.

    Nang isang araw na humingi ako ng litrato ni papa o kung mayroon ba silang litrato noon ay nataranta siya at nagalit saakin. Ngunit ilang minuto pa ay humingi ng tawad saakin si mama at iniba ang aming pinaguusapan.

    "Tapos na rin! " nang matapos ko ang aking binabasang libro ay binalik ko ito sa dati nitong kinalalagyan.

    Sa kadahilanang wala ako magawa ay binuksan ko ang lumang kabinet sa kwarto at nang buksan ko ito ng tuluyan ay alikabok ang unang sumalong saakin.

    Isang litrato ang umagaw sa aking pansin, nasa pinakadulo itong parte ng kabinet at hindi na makilala kung sino man ang nasa litrato dahill sa sobrang kapal ng alikabok.

   Kukunin ko na sana ito ng biglang may kumatok sa pinto at siyang pagtawag saakin ni mama kaya't sinarado ko ulit ito at pinagbuksan si mama na may dalang basket na may lamang mga pagkain at mga libro.

   "Tulungan na po kita mama ."

    "Hindi na, ako na rito at ihanda mo na ang lamesa nang makakain na tayo. " tugon nito saakin at agad ko ng hinanda ang lamesa.

   Hindi ko gustong magsinungaling kay mama pero sa tingin ko'y hindi ko muna sasabihin sakanya ang nakita ko.

   Ang ipangtataka ko lang ay ang simbolong hugis bilog na may bituing nakapaloob sa bilog ang unang napasin ko ng makita ko ang larawan. Sa susunod na araw ko na lang ata ito titingnan baka mahuli ako ni mama pag nag kataon.

Lost StarsWhere stories live. Discover now