"Hoy!" panggugulat ng isang pamilyar na tao saakin, kahit hindi ko pa man makita ang mukha nito ay alam ko kung sino ang nasa likod ko.
"Kung manggugulat ka rin naman, hinaan mo muna yang paglalakad mo, rinig na rinig ko e." natatawang saad ko rito at pumunta ito sa tabi ko.Nasa ilog kami ngayon, ilang araw na rin ang lumipas simula ng muling pagbabalik n'ya at masasabi ko naman na bumabalik na kami sa dati.
Lagi na uli s'yang pumupunta rito pero hapon na nga lang. Sakto na lang rin 'yon dahil pumupunta s'ya pagkatapos ng pagtutor saakin ni Tita Melanie.Hindi ko na rin mahagilap pa si Raven, totoo nga na huling pagtutor n'ya na saakin nung araw na 'yon dahil sa mga sumunod na araw ay si Tita Melanie na nga ang nagtutor saakin. Sobrang bait at sobrang galing mag turo ni Tita kaya wala naman naging problema.
Nang tingnan ko ito ay nakanguso na naman ito ng parang bata. Ang gwapo talaga n'ya.
"Nagmumukha ka na namang pato."
"I told you, I'm the most handsome one." mayabang na saad nito kaya't napatawa na lamang ako."Felise." patawag nito saakin.
"Bakit?"
"Malapit na ulit kaming mag pasukan. Baka hindi na ako makapunta ulit rito, sisikapin ko pa rin namang dalawin ka paminsan minsan pero walang kasiguraduhan. Matatapos na ang bakasyon namin kaya sinasabi ko 'to sa'yo ngayon." malungkot na saad n'ya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Naiintindihan ko, 'wag mo 'kong alalahanin! Focus lang sa pag-aaral, pwede mo naman akong bisitahin rito pag bakasyon n'yo na hindi ba?"
"Mukhang matatagalan bago ulit ako makabisita kung ganon." saad n'ya at mapaklang napatawa.
"Nandito lang naman ako, hindi naman ako mawawala rito." nakangiting saad ko.
"Promise me na wala pa ring magbabago kahit hindi na tayo madalas kung magkita, okay?"
"Promise."
Pagkatapos naming mag-usap patungkol sa hindi n'ya pagdalaw ay namutawi ang katahimikan saaming dalawa. Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw at ang pag-agos ng tubig saaking paa, napaka presko at payapa sa pakiramdam.
"Felise." pagtawag uli saakin ni Gabriel.
Lumingon ako sa sakanya at sa hindi malamang dahilan ay nakita ko ang halo-halong emosyon sa kanyang berdeng mata.
"May ipagtatapat sana ako." saad n'ya at hinawakan ang mga kamay ko.
"I like you. No, I love you. Since that day na nakita kita sa bintana n'yo, i was mesmerized by your beauty. I love your eyes, everything about you. Your my ray of sunshine, my Felise. I also-" nagulat ako sa biglang pagtatapat ni Gabriel ngunit hindi pa man s'ya natatapos sa kanyang sinasabi ay nagulat ako ng biglang may tumawag saakin.
"Rachel? Anong ibigsabihin nito!?" paglingon namin ay nakita ko ang galit na mukha ni Mama."Ma! Mali po ang iniisip n'yo." kinakabahang tugon ko.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Mama ng makita si Gabriel, sabay kaming tumayo, ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Gabriel kaya't napalingon ako rito.
"Magandang hapon po, ako nga po pala si-" naputol ang sasabihin ni Gabriel ng bigla uli magsalita si Mama.
"Kilala na kita, bakit ka napadpad rito sa lugar na 'to. Bumalik kana lang sainyo at layuan mo ang anak ko!"
"Wala po akong masamang intensyon kay Felise at-"
"Rachel halika na."
"At ikaw." turo n'ya kay Gabriel.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...