Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan, nagprito lamang ako ng itlog at sinangag ang natirang kanin kagabi. Nang matapos akong magluto ay nilagay ko na ito sa plato, pagkatapos ay inilagay ko muna sa lamesa dahil kailangan ko munang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko na ang napakahabang buhok ko. Nang masiguradong wala ng buhol buhol pa ay dumiretso na ako sa kusina upang mag timpla ng gatas, pagkatapos nun ay bumalik uli ako sa lamesa para kainin ang niluto kong agahan.
Madalas nang umalis si mama ng maaga, hindi ko rin alam kung bakit ngunit hindi ito ganon kung umalis noon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at ginawa na ang mga dapat gawin sa loob ng bahay.
"Mukhang hindi pa nakakapag laba si mama." nakita kong may mga lamang damit ang basket kung saan namin nilalagay ang mga damit na nasuot na namin. Kaya tinali ko na ang aking buhok, sa umpisa ay naputol ang pangtaling hawak ko, kaya't kinuha ko sa taas ng kabinet ang ribbon na palagi kong ginagamit at iyon ang pinangtali sa aking buhok.
Pumunta ako sa gilid ng pinto ng aming banyo at kinuha ang basket roon, pumasok na rin ako sa banyo upang kumuha ng timba, planggana at sabon na gagamitin. Mabuti na lamang at bukas ang pinto at dali dali akong bumaba upang masimulan na ang paglalaba. Hindi naman ganon karami ang mga ito.
Nang makababa na ako ay pumunta ako sa balong malapit sa aming tore, nilagay roon ang timba nang makakuha na ako ng tubig. Inikot ko ang kahoy sa gilid upang maibaba ko ang timba, nang mapaikot ko ulit ito sa ibang direksyon ay nakakuha na ako ng tubig. Nilagay ko sa planggana ang tubig, nilagay ko na rin pati ang mga damit at nagsimula nang maglaba. Pagkatapos ay isinampay ko na ito sa sampayan at inipit.
Kumuha uli ako ng tubig sa balon upang hugasan ang plangganang aking ginamit, hinugasan ko rin ang aking kamay at paa dahil sa sabong nakakapit rito. Binitbit ko na ang mga ito at bumalik na sa loob ng bahay. Pagkarating ko sa itaas kumuha ako ng isang malinis na towel at pinunasan ang mga natitirang tubig sa aking kamay at paa.
Umupo ako sa kama at naisipang buksan muli ang librong naglalaman ng mga litratong maaaring may kinalaman saamin. Akmang kukunin ko na ang libro sa ilalim ng kama nang biglang may tumawag saakin.
"Felise! Andyan kaba? "pasigaw na tanong ng isang pamilyar na boses.
Pagdungaw ko sa bintana ay nakita ko si Gabriel na nakatayo at hinahanap ako. Nang mag tama ang aming tingin ay ngumiti ito saakin, ngumiti rin ako pabalik.
"Malamang, saan pa ba ako pupunta. " natatawa kong pabalik na sigaw rito, narinig ko rin ang tawa ni Gabriel sa ibaba.
"Tamang tama, halika may pupuntahan tayo." nakangiting sigaw nito. Masaya akong nag ayos at agarang bumama.
Pagkababa ko ay pumunta ako kaagad kay Gabriel, bumangad kaagad saakin ang mabangong amoy nito at mga ngiting animo'y wala nang bukas.
"Saan ba tayo pupunta? "nagtatakang tanong ko rito.
"Sa bayan." nakangiting tugon nito saakin.
Nabigla ako sa kanyang sinabi, nawala ang pagkasabik at pagkasaya saakin ng sabihin nyang sa bayan kami pupunta, napalitan ito ng pangamba at kaunting takot.
___________________________
"Paano na lamang kung makita tayo ni mama, baka mahuli nya tayo! Nag tatrabaho pa naman ito sa bayan kaya't alam kong naroroon sya. " kinakabahan kong sabi rito.
May inilabas syang kung ano sa kanyang likod at may nakita akong supot.
"Tada! "may pagkamayabang nitong sabi.
"Anong gagawin natin dyan?" nagtataka akong tinitingnan sya. Nang buksan nya ito'y may mga laman itong wig, sumbrero at bigote. Tiningnan ako nito at tiningnan ko rin sya.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...