Chapter 4 : Magkaparehong litrato

30 16 0
                                    

   "Rachel anak! Gising!" paggigising sa akin ni mama at tinatapik tapik ang pisngi ko. Pagmulat ko ng aking mata ay bumangad saakin ang masayang mukha ni mama.

    "Magandang umaga po mama. " humihikab na sabi ko rito, bumati rin ito pabalik. Napansin kong may hawak hawak itong bagay sa kanyang likod at nagtaka ako kung ano ito.

    "Mama, ano po yang nasa likod na hawak hawak nyo?" nagtataka kong tanong kay mama dahil kanina pa ito nakangiti saakin.

    "Tada! May mga libro akong binili galing sa bayan, hindi ba't naghahanap ka ng mga bagong libro na babasahin, kaya ayan binilhan kita at ang iba naman ay ibingay saakin, maaaring luma na ang mga iyon ngunit alam kong magugustuhan mo ang mga ito." masiglang sabi ni mama at niyakap ako.

    "Maraming salamat po mama!" masayang tugon ko rito at niyakap ito pabalik.

    "At alam ko ring gustong gumawa ng sarili mong bookshelves hindi ba? "

    "Opo, bakit po? " itinuro nya ang mga magagandang klase ng kahoy na maaaring gawing bookshelves.

    "Hiningi ko iyan doon sa karpinterong kakilala ko sa bayan, ang sabi nya'y hindi nya na 'to ginagamit pa kaya kinuha ko na ito. Kaya't bilis na at maligo kana ng makapag simula na tayong gumawa ng bookshelf mo."

    Dali dali akong pumunta ng banyo at naligo, pagkatapos kong maligo ay inanyayahan muna ako ni mama na kumain bago kami gumawa ng bookshelf. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan at pumunta sa isa pang lumang kabinet na naririto sa kwarto at binuksan ang pinaka ilalim nito. Pagkabukas ko ay nakita ko kaagad ang dalawang martilyo at iba't ibang klase ng pakong maaari naming magamit. Kinuha ko na ang mga ito upang nakapag simula na kami agad ni mama.

    "Mama! naihanda ko na po yung gagamitin natin." pasigaw kong tawag rito dahil bumama ito kani kanina lang.

    "Sandali lang anak, papunta na ako dyan. "pasigaw ring tugon ni mama.

    Habang hinihintay ko si mama ay napasin ko ang maliit na mantsa sa balabal na palaging ginagamit nito. Nakapagtatakang kulay pula ito, hindi kaya'y pintura lamang ito. Pinagsawalang bahala ko na lang ito ng makitang nasa pinto na si mama.

    "Napasukat ko na ang mga iyan, papakuin na lang natin. Kung gusto mo ay maaari mo itong pintahan ng kahit anong gusto mo. "masayang tumango ako kay mama at inabot sakanya ng martilyo.

_______________________

    Nang matapos na naming magawa ang bookshelf, sinabi ni mama na magluluto muna sya ng pananghalian kaya't pinagpatuloy ko na dapat pang pakuin. Nang matapos na ang lahat ay naisipan kong kunin ang pintura na nakalagay sa kahon at binuksan ito.

    Pininturahan ko ang buong bookshelf ng puting pintura. Pagkatapos ay kinuha ko ang kulay dilaw na pintura nagpinta ng dilaw na paro paro at mga butuin. Nang matapos ko na ang pagpipinta ay umupo muna ako saaming kama upang magpahinga.

    Masaya akong malamang may mga bagong librong dala si mama ngunit ang pag dala nya ng mga kahoy upang makagawa ng bookshelf ay sobra sobra na sa inaakala ko.

    Naglakad ako papuntang kusina at naghugas ng kamay dahil mayroong mga kumapit na pintura saaking kamay. Mabuti na lamang ay may suot akong apron at kung nagkataon pati damit ko ay may mga pintura na ngayon.

    "Ang bango naman nyan ma, alam ko na po kung anong niluluto nyo, adobo po yan hindi ba?" sabi ko kay mama habang patuloy pa ring nag huhugas ng kamay, kinuha ko ang sabon at naghugas ulit. Pagkatapos ay binanlawan ko na ang aking kamay at pinunasan.

    Hinanda ko na ang lamesa, naupo na kami ni mama. Nagdasal muna kami pagkatapos ay kumain na. Habang kumakain kami ay binasag ni mama ang katahimikang namumutawi sa hapag kainan.

Lost StarsWhere stories live. Discover now