Ilang araw na ang nakalipas simula ng makapunta at lumabas ako ng tore. Kinaumagahan matapos maganap ang biglaang pag alis ni Gabriel sa araw ng kaarawan ng kanyang ama at paghatid saakin ni Raven rito ay ang araw rin ng pag-uwi ni mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita saakin si Gabriel, inis, lungkot at tampo ang nararamdaman ko ngunit napawi ang lahat ng 'to ng makabalik na sa bahay si mama.
Pagkagising na pagkagising ko ay kaagad akong nagulat sa mukhang bumungad saakin, niyakap ako ni mama at tinanong kung bakit raw ba namamaga ang mga mata ko, dahil doon ay napaiyak akong muli dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi at saya dahil nandito na si mama.
"Bakit ka umiiyak anak?" nagtataka at nag-aalalang tanong saakin ni mama.
"Wala po, miss na miss ko lang po talaga kayo." humihikbi kong tugon at niyakap ito, niyakap rin ako pabalik ni mama. Sinubsob ko ang mukha kong puno ng luha sa balikat ni mama dahil sa saya at bumalik na siya, sa panadaliang oras ay nakalimutan ko ang nangyari ng araw na yun.Hinawakan ni mama ang magkabilang pisnge ko at iniharap sakanya.
"Pasensya kana anak kung nawala si mama sa mga nagdaang araw, huwag kang mag alala at babawi si mama sayo, maliwanag ba 'yon?" tanong ni mama saakin, tumango ako bilang tugon at ngumiti.
Pansin kong hindi na maputla ang labi ni mama, hindi na rin ito umuubo at ramdam kong malakas na ito. Akala ko ba'y nagtrabaho sya sa mga araw na umalis ito sa tore ngunit bakit parang iba ang epekto nito sakanya?
Iwinaksi ko ang kung ano mang mga pinag-iisip, dapat ay maging masaya ako dahil maayos ang lagay ni mama hindi tulad noong nakaraan na maputla ito at bakas ang pagod sa kanyang mga mata.
Tumayo si mama at pumunta sa kusina. "Ipagluluto kita ng paborito mong ulam anak." nakangiting saad nito at nagsimula ng ihanda ang mga gagamitin at mga sangkap sa pagluluto.
"Kailangan mo ba ng tulong ma?" tanong ko rito at akmang tatayo na ng pinigilan ako ni mama.
"Anak ako na, kaya ko naman atsaka sinabi kong babawi ako sayo hindi ba?" tugon nito kaya't sinunod ko na lamang ang kanyang nais at naupo sa upuan.
Pinanood ko lamang na magluto si mama ng bigla itong mag tanong. "Nga pala anak, anong mga bagay ang pinagkakaabalahan mo nung wala ako rito." tanong ni mama habang tinitikman ang kanyang niluluto, nang masiguro nyang tama na ang timpla ng nito ay ibinaling nito ang tingin saakin.
Bigla akong natigilan at napalunok sa biglaang pag dako nito ng kanyang tingin saakin ngunit hindi ko na lamang pinahalata ito.
"Wala naman pong gaano mama, gaya rin lang naman po ng dati." pagsisinungaling ko kay mama, dumaan ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Hindi kaba lumabas man lang anak?" tanong nito saakin ng may pagtataka sa mukha nito.
"Opo, lumabas naman po pero dito dito lang rin naman malapit sa tore." nakangiti kong tugon kay mama upang hindi nito makitang kinakabahan ako.
"Ganon ba? Hindi ba't gusto mong pumunta ng bayan? Hindi ka man lang ba sumilip roon?" dagdag na tanong ni mama at tumalikod na saakin upang tingnan ang kanyang niluluto. Saglit akong natigilan dahil baka nakita niya ako sa bayan kasama si Gabriel.
"Ah hindi po ma." pagsisinungaling ko kay mama, ayoko mang mag sinungaling ngunit iyon ang biglang lumabas sa aking bibig.
"Buti naman kung ganon, baka mawala ka pa pag nagtakaton dahil hindi mo pa naman alam ang pasikot sikot sa bayan hindi ba at delikado ring lumabas ng walang kasama." saad ni mama kaya't tango na lamang ang naitugon ko.
Natapos ng mag luto si mama kaya't inihanda ko na ang lamesa. Inihain ni mama ang ulam at kanin kaya't nagsimula na kaming kumain.
____________________________
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...