Dumaan na ang isang linggo ngunit hindi pa rin nagpapakita si Gabriel. Gabi gabi ring mayroong anino na tila'y nagmamasid saakin rito sa gubat. Hindi na rin ako gaanong nalulungkot sa mga nangyari dahil wala naman itong magandang maidudulot saakin.
Naikwento ni mama saakin na malaki laki raw ang pera na nakukuha nya sa bago nyang trabaho. Kapag raw nakapag-ipon na si mama ay maaaring manirahan na kami sa bayan o hindi kaya'y manirahan sa kabilang bayan.
Sa mga nagdaang araw ay naikwento ni mama na mayroon kaming iilang mga kamag-anak sa karatig bayan kaya'y maaari kaming pumunta roon. Nabanggit na rin ni mama saakin ang bago nitong trabaho. Nagb-bake ito ng mga tinapay, cupcake at kung ano pa sa bayan.
Hindi na rin kasi gaanong napapansin pa ang pagpipinta ngayon ngunit kapag mayroon raw mag papapintura kay mama ay kaagad nya raw itong pinupuntahan dahil sayang naman rin daw ang ibabayad nila.Kung minsan ay ako na rin ang gumagawa sa lahat ng gawaing bahay dahil tinuruan na rin ako ni mama sa pag-luluto ng iba't ibang mga pagkain. Alam kong pagod na si mama minsan dahil nagbabantay pa ito ng bakery na pinagtatrabauhan nya at nagb-bake pa ito kaya't minsa'y ako na ang magsasabi kay mama na magluluto ng pagkain namin, pinapaalam rin naman saakin ni mama kung magagabihan raw ba ito o hindi kaya'y mapapaaga ang uwi.
Tila'y bumalik ang buhay ko sa kung anong aking kinalakihan sa buong buhay ko sa linggong iyon. Pareho na rin kaming mayroong susi sa bahay ni mama, hindi nya na rin pinagbabawalan ang paglabas ko ngunit hindi raw muna ako maaaring pumunta sa bayan, kapagka tumungtong na raw ako ng labing pitong taong gulang ay maaari na raw akong sumama kay mama sa bayan. Hindi alam ni mama na matagal tagal na akong lumalabas ng bayan simula nang dumating si Gabriel sa buhay ko.
Kasalukuyan akong nasa ilog, sa palagi kong pinupuntahan. May dala akong duyan na ibinigay saakin ni mama dahil alam nitong madalas na akong pumunta rito sa ilog, itali ko raw ito sa mga punong naririto upang mayroon raw akong mahigaan.
Tuwing lumalabas ako patungo rito ay nagpapaalam ako kay mama, hindi naman ako nito hinahadlangan at hinahayaan ng pumunta na rito. Itinali ko sa magkabilang puno ang duyan, nang masiguro kong matibay na ang pag-kakatali ko'y kaagad akong humiga rito.
Naisipan kong mag basa ng mga bagong librong dala ni mama. Mayroong mga bagong dala si mama, tulad ng libro sa mathematics, science, english, dictionary at iba pang libro na mahahanap sa paaralan. May mga oras na nag-papaturo ako kay mama kung paano gawin ang ganito kakong gagawin sa libro, kaagad naman akong natututo.
Sabi rin ni mama saakin ay mayroon s'yang kakilalang guro na maaaring mag turo saakin ng libre. Ang gurong ito'y matagal na nyang matalik na kaibigan. Nasabi nya ring maaaring minsan ay ang pamangkin nito ang mag turo saakin, hindi pa raw nakikilala ni mama ang pamangking ito ng kanyang kaibigan ngunit mabait raw ito at matalino.
Mag-dadapit hapon na ng matapos ko ang librong binabasa ko. Naalala kong may dala pala akong pang pinta kaya't kaagad akong bumaba sa duyan at kinuha ang mga ito. Kaagad rin naman akong bumalik sa pagkakaupo sa duyan at ipinatong sa aking bestida ang mga gagamitin ko. Naisipan kong i-pinta si Raven. Malaki ang utang na loob ko rito kaya't kapag nagkita kaming muli ay ibibigay ko sakanya itong i-pipinta ko bilang pasasalamat.
__________________________
Iniligpit ko na ang mga bagay na kailangan ko ilipit at inilagay ito sa kahong pinaglalagyan nito. Ramdam ko na mayroong nakamasid sa bawat galaw ko ngunit hinahayaan ko na lamang ito. Sa mga nagdaang araw ay ramdam kong palaging may nakatingin saakin sa tuwing lalabas ako ng tore o hindi kaya'y kapagka dumudungaw ako sa bintana.
Napag-isip isip ko na hindi kaya'y mayroon ng multo rito sa gubat? Ngunit imposible naman iyon, matagal na kaming naninirahan dito ngunit wala akong narinig kay mama na kung ano anong multo rito, hindi naman sa natatakot ako ngunit ganito ang mga nababasa kong madalas na tirahan raw ng mga multo o hindi kaya'y mga hindi nakikitang nilalang.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...