Chapter 22 : Sunog

42 4 0
                                    

     Nagpatuloy na lamang ako sa pag-impake. Labag man sa kalooban ko ang paglisan sa lugar na 'to ay wala akong magagawa dahil buo na ang naging desisyon ni Mama.
    
     Masakit mang isipin na ang mga pangyayari pero nangyari na at hindi na maibabalik pa. Mali man ang ibigin si Gabriel ngunit hindi ko maitatanggi na tuluyan na akong nahulog rito.
    
     Siguro ay tama lamang ang ginawa ko kanina, alam kong pagsisisihan ko ito ngunit mas mainam ng 'yon ang mga nasabi ko kanina.

     Habang nag iimpake ako ng mga gamit ay umagaw sa atensyon ko ang isang notebook sa loob ng isang kahon. Pansin ko ang isang papel na nakaipit sa mga pahina kaya't binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita.

     Litrato ni Mama kasama ang Daddy ni Gabriel, hindi pa ako sanay na tawagin s'yang Tatay. Masaya sila sa litratong ito.

     Ano kaya ang nangyari sakanila noon? Bakit matagal kaming nagtago rito sa bahay na 'to? Bakit kaya ay matagal ng nagsinungaling saakin si Mama?

     Kaagad ko rin namang binalik ang litrato at pinagpatuloy na lamang ang pag-iimpake. Wala pa si Mama hanggang ngayon.

     Kay bilis ng mga pangyayari, hindi ko namamalayang tumutulo na naman ang mga luha na kanina pa pinipigilan. Gulong gulo man sa lahat ay mas pinili ko na lang na manahimik
    
     Sa maikling panahong nakilala ko si Gabriel, walang oras na hindi ako naging masaya sa piling n'ya. Sa maikling panahon ng pagkakilanlan, ako'y nahulog ng tuluyan.

     Mali man na ibigin s'ya ngunit hindi ko pa rin maitatanggi ang totoong nararamdaman para sakanya. Siguro kapag tuluyan na kaming nakaalis rito ay malilimutan ko rin naman s'ya, pati na rin ang nararamdaman.

     Matapos kong maimpake lahat ng mga gamit ay uminom ako ng tubig at naghilamos, pumunta ako sa harap ng salamin at umupo.
    
     Pinagmasdan ko ang aking sarili, namumugtong mga mata at namumulang ilong dulot ng pag-iyak. Napatawa na lamang ako dahil sa aking itsura.

     Narinig ang pagbukas ng pinto, alam kong si Mama ito kaya't kaagad akong lumapit at nagmano. Inanyayahan n'ya akong mag meryenda at tango lamang ang naging tugon ko.

     Habang kumakain ay ramdam ko ang pag sulyap ni Mama saakin, ramdam ko rin ang malalim na pag buntong hininga nito at binasag ang katahimikang namamagitan saamin.

     "Mamaya pupunta rito ang Tita Melanie mo asawa n'yang si Felipe. Tutulungan nila tayong dalhin ang mga gamit sa bus at tutulungan rin nila tayong maghanap ng bagong matitirahan." saad ni Mama at tango lamang ang naging tugon ko

     Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Mama, lumapit ito ng kaunti saakin at hinawakan ang mga kamay ko kaya't napaangat ako ng tingin.
    
     "Anak, pasensya kana sa mga nasabi ko kahapon. Dala na rin ang pagod at galit kaya ko lang nasabi ang lahat ng 'yon. Ayokong mawala ka sakin dahil ikaw na lang ang iisang pamilya ko anak, lahat ng mga kamag-anak ko ay tuluyan na akong tinalikuran dahil lamang sa pagmamahal ko sa Tatay mo noon. Ayokong matulad ka saakin, anak. Hindi ko hahayaang mapahamak ka, pasensya na rin kung ngayon ko lamang ito nasabi lahat sa'yo." mahabang lintaya ni Mama ay niyakap ako, niyakap ko rin ito pabalik bilang tugon.

     "Pasensya na rin po, Ma."

     Bigla akong napatingin sa bintana, nung una akala ko'y guni guni ko lamang 'yong usok, pero habang tumatagal ay parami na ito ng parami. May naaamoy rin akong gasolina pero hindi naman kami gumagamit nun.

     "Ma." tawag ko rito at kumalas sa pagkayakap.

     "Ano 'yon, anak?"

     "May dala ka po bang gasolina pauwi?" tanong ko rito, dumaan ang pagtataka sa mukha ni mama.

Lost StarsWhere stories live. Discover now