Nang makarating na kami sa bayan ay pinagbuksan ako nito ng pinto at lumabas na ako. Kinuha nya ang kanyang telepono at may tinawagan. Sumenyas muna ito saakin na sasagutin nya muna ang tawag at naglakad muna papalyo saaking pwesto.
Maraming tao ang naririto ngayon, napansin ko ring mayroong mga nangangampanya. Mayroong mga namimigay ng flyer, ang iba naman ay pamaypay o iba't iba bagay na may mukha ng kandidato. Napansin ko ring maraming mga posters na nakadikit kung saan.
Hinanap ng mata ko Gabriel. Palinga linga ako sa paligid at sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko pa rin ito mahanap. Naglakad ako kung saan man at sinubukang hanapin si Gabriel.
Habang naglalakad lakad ako sa bayan ay hindi ko napansing napapalayo na ako sa pinaradahan ng kotse ni Gabriel, marami ring mga tao kaya hindi ko na masyadong matandaan pa ang dinaanan ko. Napahinto ako ng mapansing napadpad ako sa plaza, maraming mga tao ang narito at masyadong maingay.Napatigil ang lahat ng biglang may nagsalita sa unahan ng entablado. Kaagad akong pumunta rito upang makita kung sino ito at nagulat ako sa nakita.
Ang tatay ni Gabriel, si Ranzel Questa.
Nasa unahan ito at nagsasalita ng mga bagay na makakapag kumbinsi sa tao upang iboto s'ya nito sa nararating na halalan. Naalala ko ring tatakbong Mayor ang tatay ni Gabriel kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit s'ya nariyan at kung anong ginagawa nya. May mga kung ano pa itong sinabi at na hindi ko lamang masyadong marinig dahil nasa malayo layo akong parte.
"Wala akong maipapangako na kahit ano, as a former Vice Mayor of this town, you all have witnessed the services i did in the past years. I'll not take my speech any longer. Again thank you so much for having me here and keep safe everyone." napaka pormal nitong sabi at nagsipalakpakan naman ang mga tao, ginaya ko na lang rin ang mga nasa paligid ko at pumalakpak.
Nakita kong bumaba na ito ng entablado at may mga sumunod pang ibang kandidato na sa palagay ko'y mangangampanya rin. Sinundan ko ng tingin ang tatay ni Gabriel at hindi ko mapigilang sundan ito. Naging maluwag na rin ang daan kaya't nakakagalaw galaw na ako.
Habang sinusundan ko ito'y napansin ko ang maliit na tattoo nito sa batok. Gaya rin ito sa simbolong nakita ko sa litrato. Napansin ko rin ang silver bracelet nito na ganon rin ang disenyo na nakaukit rito. Bigla kong naalala ang simbolo na nasa malong ni mama, bakit mayroon si mama nito at bakit mayroon rin ang tatay ni Gabriel.
______________________________
Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayang may nabunggo na pala akong kung sino, hindi lang kung sino, kundi ito ay ang tatay ni Gabriel. Mabuti na lamang ay naalalayan kaagad ako nito.
"Iha, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong nito saakin, ilang saglit kaming nagkatinginan bago ako umayos sa pagkakatayo.
"Pasensya na po kayo, hindi ko pa sinasadya yon." paumanhin ko rito, may itatanong pa sana ako rito nang biglang may humila saakin papalapit sakanya.
"Anong ginawa mo sakanya?" malamig na tanong ng pamilyar na boses sa saking likuran. Paglingon ko rito'y hindi hindi nga ako nagkamaling si Gabriel nga ito ngunit iba ang tono ng pananalita nito sa kanyang tatay. Hindi n'ya naman ako ganto kausapin.
"Wala s'yang ginawang masama saakin, sa katunayan ay tinulungan pa nga ako nito." pagdedepensa ko sa tatay ni Gabriel.
"Nice to meet you iha, I'm Ranzel Questa, father of Flyn." pagpapakilala nito at iniabot ang kanyang kamay upang makipag kamay saakin, malugod ko naman itong tinanggap at nag pakilala na rin.
"Nice too meet you rin po, ako po pala si Rachel Felise kaibigan po ako ng anak nyo." nakangiting pagpapakilala ko rito, nginitian rin ako nito.
"You're welcome to our house, you can visit there sometimes with Flyn if you have some spare of time you know." nakangiting tugon nito saakin.
Nagpaalam kaagad ito saamin na aalis na dahil mayroon pa raw itong pupuntahan at aasikasuhin.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...