Chapter 13 : Pagpunta

27 6 0
                                    

      Bigla akong nagising sa isang huni ng ibon, inunat unat ko ang aking katawan at umupo sa kama ngunit dahil inaantok pa ako ay bumalik ulit ako sa pagkakahiga ng akmang ipipikit ko na ulit ang aking mga mata nang marinig ko ulit ang huni ng isang ibon ngunit sa pagkakataong ito ay malakas na ito hindi kagaya ng kanina.

     Napabangon ako at iniisip na baka ay mayroong nakapasok na ibon sa aming bahay, sinuri at nilibot ko ang aking paningin sa loob ng aming bahay at dumako ang tingin ko sa bintana. Nakita ko rito ang ibon ni Gabriel.
    
     Napansin nitong gising na ako kaya't lumipad ito papunta saakin na mayroong dalang sulat galing kay Gabriel. Hindi na ito bago saakin kaya't kinuha ko na ito galing sakanya at kaagad din namang lumipad paalis. Siguro'y nainip ang ibon dahil sa tagal kong gumising, napahigik hik na lamang ako dahil sa naisip.
    
     Binuksan ko ang sulat at ito ang nakalagay rito "Meet me at the bridge, 12:00 o'clock, See you My Felise." basa ko rito at may hugis puso pa itong nakalagay sa huli ng kanyang sulat. Napangiti na lamang ako nag simula ng gawin ang mga dapat kong gawin sa dito sa bahay.

     Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si mama, siguro ay malaki laking pera ang nautang nito kaya natagalan sya ng ilang araw. Nakakalungkot mang isipin na wala si mama sa mga nagdaang araw ay napawi rin iyon kaagad ng dahil kay Gabriel.

     Isang linggo na rin ang nakaraan ng umalis si mama. Palagi akong pinupuntahan ni Gabriel rito. Kung minsan naman ay lumalabas kami patungo sa bayan at naglalakad lakad roon.

     Patapos na rin ang eleksyon kaya sa mga araw na ito siguro ay binibilang na ang mga boto ng mga botante.

     "Aray!" pasigaw kong sabi ng mapaso ako ng kapeng iniinom ko.

     Naglakad ako papunta sa bintana at nagmuni muni. Tumingin ako sa labas at ninamnam ang sariwang hanging tumatama sa aking mukha.

     Nabanggit saakin ni Gabriel na ngayong araw na ito ay ang kaarawan ng kanyang tatay. Habang iniisip ko ang aking maaaring suotin ay hindi ko namalayang nasagi ko na pala ang mug na nakapatong sa bintana.

     Napadaing ako dahil nasugatan ako ng kaunti sa aking hintuturo, kaagad kong hinanap ang walis at dustpan at kaagad na winalis ang mga bubog sa sahig.

     Sabi nila malas raw kapag ganto o hindi kaya'y mayroong masamang mangyayari. Hindi ko na lamang ito masyadong pinansin at pumunta sa lababo upang hugasan ang aking sugat, pumunta ako sa kabinet at kumuha ng band aid para saaking sugat at ointment para sa parte ng aking kamay na napaso at nilagyan rin ng band aid.

     Pagkatapos kong gamutin ang sarili ay naisipan ko ng magluto ng agahan. Nang matapos na akong magluto ay kaagad akong kumain at ginawa ang mga bagay na karaniwan kong ginagawa sa umaga.

_____________________________

      Dumating ang tanghalian at kumain muna ako bago maligo, pagkatapos ay pumunta ako ng banyo at naisipan ko ng maligo na dahil papatuyuin ko pa ang mahaba kong buhok, balak ko itong ilugay at gusto ko ring subukan ang iba't ibang paraan ng pagtatali ng buhok saakin ni mama.

      Ilang sandali ng matapos ako sa pag ligo ay lumabas ako sa kwarto ng nakatapis lamang. Sinigurado kong nakalock ang pinto dahil baka sakaling bigla na namang pumunta si Gabriel rito.

      Binuksan ko ang kabinet at naghanap ng masusuot na bestida. Sa paghahanap ng maaaring masuot ay isang violet sleeveless dress ang nakaagaw ng aking pansin, naghanap rin ako ng maaaring maipangtatakip sa aking balikat at nakita ko ang isang puting kardigan at kaagad ko itong kinuha.

      Nagbihis muna ako ng pambahay at nilagay sa kama ang napiling damit. Naisipan kong pumunta sa bookshelf at maghanap ng librong babasahin, naisipan ko rin na hindi gaanong makapal lamang ang kunin dahil aalis lang rin naman ako. Nang mahanap ko na ang librong gusto kong basahin ay bumalik ako sa kama upang basahin ito.

Lost StarsWhere stories live. Discover now