Ngayon ay ang kaarawan ko, excited na akong kumain ng cake! Tuwing kaarawan ko lamang ako nakakatikim ng cake kaya masaya ako sa araw na ito at syempre ito ang araw kung kailan ako ipinanganak.
"Maligayang kaarawan sa magandang prinsesa ni mama!" masayang bati saakin ni mama habang may hawak na cake at may naka sinding kandila.
"Salamat po mama! " masayang tugon ko rito at niyakap siya, agaran na rin akong niyakap pabalik.
"Blow your candle anak, pero bago yan humiling ka muna." paalala saakin ni mama.
Bago ko hipan ang kandila ay sinabi ko na sa isipan ko ang aking hiling, pagkatapos ay hinipan na ito.
"Maligayang kaarawan ulit anak, hayaan mo sa susunod hindi na dalawang slice ng cake ang makikita mo sa lamesa, kundi isang buo na" masayang sabi ni mama.
"Mama, ang mahalaga po ay kasama ko kayo sa aking kaarawan at nandito tayo. Tsaka hindi po ba sinabi ko sainyong sapat na ang kahit anong regalo na ibibigay ninyo saakin. Kahit hindi na nga po ninyo ako bigyan ng kahit ano e! Ang mahalaga ay andito ka po sa tabi ko." mahabang lintaya ko at nakita kong maluha luha ang mata ni mama kaya niyakap ko ito at sinabing...
"Hindi po nasusukat sa kahit anong materyal na bagay o kung ano pa man ang pagmamahal na ibinibigay mo saakin."
"Ikaw talagang bata ka, dapat masaya tayo ngayong araw hindi ba? " humihikbing sabi ni mama, tumango naman ako at ngumiti para ipaalam sakanya na maayos lang ang lahat.
"Bago ko pa makalimutan, ay may ibibigay muna ako sa 'yo. "
Nagtataka kong kinuha ang isang kulay puting kahon na may lamang mga pang pinta at pang guhit. Maluha luha kong tinitingnan si mama dahil alam nito na mahilig akong mag pinta at gumuhit, at higit sa lahat muka ring mamahalin ang mga ito.
"Mama naman, sinabi ko na pong maayos na saakin ang kahit na ano pero parang sobra naman po yata ito, hindi ko po matatanggap ito." pabalik kong binigay sakanya ang kahon.
"Anak, isipin na lang nating pambawi ko ito sa mga nag daang kaarawang wala akong regalo sa iyo. Pinagipunan ko 'yan at ito ang unang beses na niregaluhan kita kaya dapat ay the best yun." pag kokombinsi saakin ni mama at binalik ang kahon saaking kamay.
"Iingatan ko po ito mama, pangako po yan" masiglang tugon ko kay mama at sinayaw sayaw ang kahon sa tuwa.
_________________________
Kahit pa ngayon ay araw ng aking kaarawan ay kailangan pa rin ni mamang magtrabaho. Ibinilin nya na huwag akong lalabas at alam ko naman yun.
"Mabuti pa ay magpinta na lang ako."
Pumunta ako sa may bintana, dinala ko ang papel at mga gamit pang pinta upang ipinta ang paligid. Palinga linga ako sa paligid at nagsimulang magpinta. May iilang mga kulay na ipinaghalo ko upang makabuo ng panibagong kulay, kumuha rin ako ng basong may lamang tubig at ipinagpatuloy ang pag pinta.
Noon ay mga dagta ng bulaklak at dahon lamang ang ginagamit ko pampinta. May mga iilang pinta na rin ako nagawa noon at lahat ng mga iyon ay nakalagay lamang saaking kabinet
Sampung taon ako ng bilhan ako ni mama ng tinatawag nyang watercolor, ito ang pinakaunang nagamit ko at kahit na ubos na ang laman nito'y tinago ko pa rin ang lalagyan nito.
"Ayan! Tapos na! " isinabit ko ang aking pinintura sa dingding sa itaas ng aming kama.
Humiga ako sa kama at may naalala, bumangon ako at binuksan ang kabinet ko. Kinuha ko ang brown na kahon sa ibaba at binuksan ito. Nang buksan ko ito ay bumungad saakin ang mga ipininta ko noon. Isa sa mga naipinta ko ang umagaw sa aking atensyon. Ito ay ang mga lumulutang na ilaw tuwing eksaktong araw ng kaarawan ko.
Noong una, akala ko ay mga bituin ito sa langit, ngunit ng maipinta ko ito noon ay napangtanto kong hindi naman ito bituin. Tuwing tumatakas ako sa tore, ay pumupunta ako ilog at doon ko nakikita ang mga lumulutang na ilaw.
Hindi alam ni mama na bumababa ako ng tore, dahil alam kong mas lalo niya akong paghihigpitan pag nag kataon. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit sa tuwing kaarawan ko ay palagi itong lumalabas. Sa eksaktong araw ng kaarawan ko ito, siguro ay nagkakataon lamang dahil sabi ni mama noon ay may selebrasyong nangyayari sa bayan tuwing araw na ito.
"Siguro nga'y nagkataon lamang ang mga ito." mahina kong sabi at binalik ulit ang kahon sa kabinet.
_______________________
Dahil kaarawan ko ngayon ay naisipan kong bumaba ng tore, pumunta ako sa pinto at magbabakasakaling bukas ito. Pinihit ko ang seredula at nagulat ako sa nangyari. Bukas ito, siguro ay nakalimutang isarado ni mama.
Sa sobrang tuwa ay mabilis akong bumaba na ako sa napakahabang hagdan, ngunit naalala ko ang puting kahong niregalo saakin ni mama. Patakbo akong bumalik sa loob upang kunin ito, kumuha rin ako ng mga papel at dalawang libro upang patungan. Pagkatapos ay bumaba na ulit ako sa napakahabang hagdan.
"Sa wakas! Nakalabas na rin! " pasigaw kong sabi sa sarili, alam kong walang makakarinig saakin na kahit sino dahil wala namang taong napapad pad rito sa gubat, pwera na lamang sa lalaking nag ngangalang Gabriel.
Nakapagtataka rin kung paano s'ya napadpad rito gayong mukang hindi naman s'ya taga gubat.
Patakbo akong tumungo sa ilog kung saan ko nakikita ang mga lumulutang na ilaw. Sa ngayon ay hindi pa ito lumalabas dahil maaga pa. Umupo ako sa puno kung saan ako laging umuupo kapag napaparito ako. Hinayaan kong dumaloy sa paa ko ang tubig. Napakalinaw ng tubig rito, at kulay asul pa.
Naisipan kong ipinta ulit ang lumulutang na ilaw na nakikita ko rito. Pagkatapos ay naisipan ko ring gumuhit ng mga bulaklak na makikita ko sa tabing ilog. Mayroon ring mga ibon at paro paro na narito, iba iba ang kanilang kulay at napakaganda, mayroong maliliit at mayroon ring malalaki.
Nilapitan ko ang isa sa mga bulalak na may malaking paro paro at nilagay malapit ang kamay ko rito upang ipabatid na wala akong masamang intensyon at upang dumapo ito saakin. Hindi naman ako nabigo at nasiyahan sa nangyari.
Sinimulan ko na itong iguhit. Pagkatapos ay lumipad na ito nang may marinig na kaluskos. Hindi ko na lamang ito pinansin, dahil baka isa lang naman ito sa mga tupang ligaw na naririto sa gubat. Kung minsan ay mayroon ring mga kuneho.
Bumalik ako sa puno kung nasaan ako kanina, naisipang iguhit si Gabriel dahil bigla na lamang itong pumasok sa aking isipan. Kumuha ako ng papel sa kahon at kinuha ang librong nasa tabi ko, ipinatong ko rito ang papel at nagsimula ng iguhit ang mga detalyeng naaalala ko kay Gabriel. Mula sa makapal nitong kilay, sa berde nitong mata at magandang kurba ng labi. Hindi ko maikakailang maganda ang itsura ni Gabriel.
"Tapos na rin, siguro ay kukulayan ko na lang ito sa bahay mamaya." masigla kong saad sa aking sarili at inayos ang mga nagkalat na papel at maayos na nilagay ito sa loob ng kahon.
Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay isinandal ko ang aking likod sa puno at ipinikit ang aking mga mata upang namnamin ang sariwang simoy ng hangin, maririnig rin ang mga huni ng ibon. Ilang minuto pa lamang akong nakapikit ng may marinig akong nahulog.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay may isang lalaking nahulog galing sa isang puno malapit sa punong kinaroroonan ko. Agad akong tumakbo papunta rito at tinulungan makatayo.
"Ayos ka lamang ba?" nagaalala kong tanong rito, sinuri ko ang buong katawan nito at nakita namang wala itong galos, ngunit hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil natatabunan ng kanyang buhok.
"Oo, ayos lang ako at maraming salamat sa tulong." tugon nito at inayos ang buhok na nakatabon sa kanyang mukha. Tuluyan kong nakita ang kanyang mukha at nagulat akong makita ang mga pares ng matang kulay berde.
"G-gabriel? A-anong ginagawa mo rito at paanong napadpad ka d'yan sa taas ng puno?" nauutal kong tanong ng mapagtantong si Gabriel nga ito.
"Pasensya na, naabala ba kita sa pagtulog mo?" pabalik nitong tanong saakin.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...