Patuloy kaming naglakad, marami kaming nadaanang kwarto, huminto kami sa isang pinto. Pumasok kami rito, pagpasok namin ay nakita namin si John na nakahiga sa double deck na kama na tila ba'y nilalamig ito.Kinuha ko ang isang upuan at nilagay ito sa tabi ng kama ni John, kaagad ko itong nilapitan at nilapat ang kamay ko sa noo nito.
"Ang init nya, akala ko ba'y hindi naman gaano kalala ang sakit nya?" tanong ko kay Gabriel, lumapit rin ito kay John at kaagad na nilapat ang kamay sa noo nito.
"Oo, mainit nga sya."
"Nasan ba ang kusina rito? Kukuha lang ako ng planggana at bimpo." tanong ko kay Gabriel.
"Balikan mo ang daan kung saan tayo naglakad, dire diretsohin mo lang ang dinaan natin at makikita mo sa kung saan tayo pumasok kanina, sa left side nandoon ang kusina." turo nito ng direksyon saakin, napansin ko ring pagpasok namin ay mayroon spasyo roon na siguro ay kusina ng bahay ampunan na ito.
Tumayo ako at sinabing bantayan si John. Tumango naman ito saakin bilang tugon kaya't pumunta na ako sa pinto at lumabas na. Habang naglalakad ako ay may mga nadadaanan ako mga bata. Napapatingin ang mga ito saakin, hindi ko naman sila masisisi dahil ito ang unang beses na makarating ako rito.
Panay sulyap sulyap ng ibang mga bata saakin, ang iba'y tila nahihiya. Ang iba naman ang kumakaway saakin kaya kinakawayan ko rin ang mga ito.
Nang makarating na ako sa kusina ay kaagad kong nakita ang planggana sa tabi ng lababo, hinugasan ko ito nilagyan ng tubig na galing sa gripo at nilagyan ito ng mainit na tubig upang maging maligam gam ito. Nabigla ako ng mayroon mag salita saaking likod.
"Iha? Anong ginagawa mo rito?" nakangiting tanong saakin ni Mother Teresse. Napansin ko ring may hawak itong tray na may nakalagay na bimpo, alcohol, gamot at bote ng tubig.
"May sakit po kasi si John, nilalagnat po sya kaya pumunta po ako rito para sana lagyan ang noo nya ng bimpo." nakangiting pagpapaliwanag ko kay Mother Teresse.
"Tamang tama ang dating ko rito, balak ko ring dalhan si John ng bimpo at gamot dahil nabalitaan ko nilalagnat raw ito. O heto iha." bigay saakin ni Mother Teresse ng tray.
Kaagad ko naman itong kinuha at nag pasalamat, kaagad ko ring nilagyan ng alcohol ang planggana at nilagay ito sa tray. Bago pa man ako makaalis ay may sinabi muna saakin si Mother Teresse."Alam mo iha, sa tagal ko ng nakakasama't nakilala si Gabriel, ikaw pa lamang ang babaeng kauna unahang dinala at pinakilala nito saamin dito sa bahay ampunan. Masyadong mapili si Gabriel sa mga babaeng nakikilala nito kaya masasabi kong napaka buti ng batang iyon at bagay kayong dalawa sa isa't isa." nakangiting sambit nito saakin. Nginitian ko rin ito.
"Mag kaibigan lang po kami ni Gabriel, Mother Teresse at alam ko rin pong mabuting tao si Gabriel kahit minsan matigas ang ulo." natatawang tugon ko rito kaya napatawa rin si Mother Teresse sa aking sinabi.
"O sya pupunta muna ako ng kabilang kwarto iha, may isang bata rin na nilalagnat kaya maraming salamat sa tulong mo."
"Walang anuman po, at tsaka napalapit naman na po saakin si John." nakangiti kong saad rito.Nagpasalamat uli saakin si Mother Teresse at niyakap ako bago lumisan. Naglakad na ito paalis kaya't hinanda ko ang mga dapat dalhin sa kwarto nina John.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa tapat ng pintuan, dahil sa hawak ko ay nahihirapang kumatok ako sa pinto. Kaagad namang binuksan ni Gabriel ang pinto at kinuha saakin ng tray na dala ko. Pumasok na rin ako at nilapag na ni Gabriel ang tray sa ibabaw ng maliit na lamesang malapit sa hinihigaan ni John.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...