Chapter 3 : Lantern

38 18 0
                                    

    May pagkagulat at pagkamanghang dumaan sa mga mata ni Gabriel nang sandaling mag landas ang aming mga mata.
   Tila'y kumikinang rin ang mga mata nito nang makita ang mga mata ko at nang makita nya ako sa malapitan.

    Nagtataka ko itong tiningnan at kinaway ang aking kamay sa harap ng kanyang mukha ng dahil nakatulala na lamang ito saakin.
 
    "Pasensya kana kung naabala kita sa pagtulog mo Rachel, sa katunayan ay namimitas lang ako ng mangga." paghingi nito ng tawad at pagpapaliwanag nito saakin, inabutan ako nito ng mangga at malugod ko itong tinanggap.

    "Maraming salamat Gabriel" nakangiti kong pagpapasalamat rito.

    "Ano kaba, wala lang yun ano! At tsaka pambawi na rin dahil naistorbo pa kita sa pag tulog mo." napakamot na lamang ito sa batok at mapapaghalataang nahihiya pa rin sa ginawa nya kanina lang.

    "Ayos lang saakin, at hindi pa naman talaga ako tulog ng mga oras na iyon. Halika, maupo ka rito." paanyaya ko sakanya, nang hawakan ko ang kanyang braso ay napadaing ito.

    "Aray!" mahina at nasasaktan nitong pagkakasabi ngunit dahil malapit kami sa isa't isa ay narinig ko pa rin ito.

    "Maaari mo bang hubarin muna ang jacket mo? Mukhang may sugat ka." nagaalalang tanong ko rito.

    "Wala 'to, paniguradong maliit na galos lamang ito kaya wag kanang mag alala pa"

    "Hindi e! Napadaing ka pa nga." tugon ko rito ngunit sa huli ay sumuko rin naman ito at tinanggal ang jacket na suot n'ya.

    "Napaka laking galos nito, halika't hugasan natin dito sa ilog." inalalayan ko itong lumapit sa ilog at dahang dahang hinuhugasan ang sugat na natamo n'ya.

    "Saan mo ba nakuha 'to?" tanong ko rito habang dahan dahang paring hinugasan ang sugat nya.

    Wala akong nakuhang tugon mula sakanya, hindi ko lamang ito tinanong pa dahil masyado kong tinututukan ang paghuhugas sa sugat nya. Pag angat ko ng tingin mula sakanya nya nahuli ko naman itong nakatulala saakin at namumula ang tenga pati na rin ang mukha nito, siguro at nasasaktan na s'ya sa sugat na natamo nya, sadyang ayaw n'ya lamang sabihin saakin.
 
    Tumayo na ako at naisipang kunin ang panyo sa loob ng kahon dahil naalala kong mayroon akong dalang panyo papunta rito sa ilog.

    "Sandali lang, 'wag kang aalis dyan. Maghahanap lang ako ng mga halamang gamot maaring ilagay sa sugat mo, babalik lang rin naman ako kaagad." pagpapaalam ko kay Gabriel, tanging tango lang ang tugon nito saakin.

    Tumalikod na ako at naglakad na upang maghanap ng halamang gamot. Patuloy lamang ako sa paglakad nang makita ko na ang halamang gamot na nais kong makita at malunggay. Kumuha ako ng maraming dahon, nilagay ito sa bulsa ko at bumalik na sa lugar kung nasaan si Gabriel.

_________________________

    Pagkadating na pagkadating ko pumunta kaagad ako kay Gabriel, pero bago pa man ako magsalita ay napatigil na lamang ako ng makitang isa isa nyang tinitingnan ang mga ginuhit at pininta ko kanina.

    "Hindi ko alam na marunong ka sa ganito Felise." may pagkamanghang sabi nito saakin.

     "Salamat, pero pwede bang pumarito kana sakin ng magamot na kita?" tanong ko rito, tumango ito at kaagad na pumunta saakin. Pagkalapit na pagkalapit nya ay kaagad kong kinuha ang braso nito, pinatakan ko ng dagta ng halamang gamot ang sugat nya, rinig ko ang maliit na daing nito kaya habang pinapatakan ko ang sugat nya ay hinihipan ko rin ito.

    Kinuha ko na rin panyo sa aking bulsa at binalot ito sa kanyang sugat ng hindi na madumihan pa. Pagkatapos kong taliin ang panyo sa kanyang braso ay iniangat ko ang tingin rito, may pagkamangha na naman akong nakita sa kanyang mga berdeng mata.

Lost StarsWhere stories live. Discover now