Chapter 19 : Ibon

60 2 2
                                    

     "Tao po." saad ng kung sino sa may pinto.

     "May pupunta ka po bang bisita Ma?"

     "Wala naman anak, baka si Raven na 'yan. Papasukin mo, sakto at luto na ang niluto kong almusal." tugon ni mama habang hinahain na sa lamesa ang mga niluto n'ya.

     Tumungo ako sa pinto at bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Raven, sinuklian ko rin ito ng isang matamis na ngiti at nagtaka ako dahil bigla itong natigilan at umiling iling, ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

     "Pasok ka, Raven. Ang aga mo naman ata ngayon?" tanong ko rito at pinapasok na s'ya.

     Pumunta kami sa direksyon ni mama na ngayon ay nakaupo na at hinihintay na lamang kaming makapunta papalapit sakanya.

     "Mano po, Tita Cheryl."

     "Kay gwapong bata, kaawaan ka ng Diyos. Maupo ka, sakto ang dating mo at kakatapos ko lang magluto ng agahan." nakangiting tugon ni Mama.

     Sinunod naman ni Raven ang sinabi ni mama at sinuklian rin ito ng isang ngiti.

     "Salamat po, Tita. Sakto 'di pa po ako nag-aalmusal."

     "Himala, maaga ka ngayon." saad ko rito habang si mama ay inaabutan s'ya ng kanin.

     "Oo, makikikain lang talaga ako rito." pagbibiro nito at napatawa na lamang kami pati na rin si Mama.
    
     "Joke, gusto ko rin talaga masilayan ang beauty ng isang Tita Cheryl." pilyong saad nito kaya napatawa na lamang kami ni Mama. 
    
     "Nako! Talagang bata ka, napaka bolero talaga."
    
     "Hindi po, Tita! Syempre pag may magandang anak ay may maganda ring Nanay."
    
     Napuno ng tawanan ang hapagkainan ng dumating si Raven. Panay ang biro nito sa kung ano ano at nagkwentuhan na rin kami.   Matapos naming kumain ay umalis naman kaagad si Mama dahil may trabaho pa ito.
    
     "Hindi na rin talaga ako nagulat kung saan mo namana ang ganda mo."  may pagkamanghang saad nito at binigyan ko s'ya ng maiinom na kape.
    
     "Hilig mo talagang mag biro."
    
     "I'm only stating facts, walang halong joke. You're really beautiful, Rachel."
   
     "Pinakain ka lang ni Mama e." pabirong saad ko.
    
     "Your brown eyes, namana mo yun sa Mama mo."

     "Tara na nga, turuan mo na lang ako rito."
         
___________________________________

     Dumaan ang mga araw at nagpatuloy ang pagtutor saakin ni Raven. Baka next week pa raw akong maturuan ni Tita Melanie, gusto ko na sana s'yang makilala. Magaling mag turo si Raven, sa katunayan ay naeenjoy ko ang pag tutor n'ya sakin.
    
     Pagkatapos n'ya akong turuan sa mga subjects na kailangan kong matutunan ay tinuturuan ko s'yang mag drawing at magpinta. Bilang pasasalamat na rin sa pagtutor n'ya sakin ay tinulungan ko ito.

     "Pano mo ba 'yan nagagawa Rachel? Ang hirap naman." saad ni Raven habang napapakamot pa sa kanyang batok.

     "Ulitin natin ang pasunod sunod na steps, madali lang naman mag drawing ng ibon." tugon ko rito at sinimulan ulit ang pag drawing kasama s'ya.

     "Iba na lang, ang alam kong ibon yung "m" na ginagawa ko palagi simula pagkabata ako at ang ibon na meron ako." painosenteng saad nito na ikinataka ko, siguro ay meron rin s'yang ibon katulad ng kay Gabriel na si Krin.

     "Ibon? Katulad ng kay Gabriel?" tanong ko rito.

     "Hoy Rachel, anong katulad ng kay Gabriel ang sinasabi mo dyan? 'Wag mong sabihing..." pabitin nitong saad at bakas ang pagkagulat sa reaksyon nito na lalong pinagtaka ko.

Lost StarsWhere stories live. Discover now