It's been a week since i worked here sa company and all i can say is that masyadong caring si Gabriel sa'kin. I'm not being delusional or assuming pero iba talaga e. Nabanggit ko na rin kay Ivy ang tungkol rito and as always kinikilig na naman s'ya habang nakikinig. I told her na sakanya ko muna sinabi at 'wag munang magkwento kahit kanino kasi baka ganon talaga s'ya sa mga empleyado n'ya.
Lagi n'ya rin akong binibigyan ng lunch kaya hindi na kami nagsasabay ni Greg kumain ng lunch. Nahihiya naman akong tumanggi dahil boss ko s'ya.
Nakaupo ako sa sarili kong swivel chair at nagbabasa ng libro galing sa bookshelf na nandito sa loob ng office. Wala si Gabriel ngayon dahil may mga inasikaso itong papers at may meeting kasama ang mga business partners nito.
Tumingin ako sa orasan, 30 minutes na lang at makakauwi na 'ko. Wala naman na akong mga gagawin kaya't pinagpatuloy ko na lang ang pagbasa ng libro. Ilang sandali pa ay may narinig akong pagkatok sa pintuan.
Sinara ko ang libro, tumayo ako at binalik ito sa bookshelf bago pumunta sa pinto at buksan ito. Kaagad na bumungad sa'kin ang mukha ng girlfriend ni Gabriel na si Maggie. Ngumiti ako rito at pinapasok s'ya sa loob, kaagad na nawala ang ngiti nito ng makita ako.
Naglakad ito sa table ni Gabriel at umupo sa ibabaw ng mesa ng nakadekwatro. Mataray itong tumingin sa'kin na ipinagtaka ko, nagtataka siguro ito kung nasaan si Gabriel.
"Ma'am, wala pa po si Sir Gabriel. May meeting po s'ya with his business partners at may inasikaso pong papers. I think he'd be back in just a couple of minutes. Kung gusto n'yo po ay hintayin n'yo na lang po s'ya rito." magalang na saad ko rito.
"I know that, hindi naman s'ya ang sinadya ko ngayon dito, kundi ikaw." saad nito at naglakad papalapit saakin na s'yang kinaatras ko ng kaunti.
"I need you to stay away from Gabriel, naiintindihan mo ba? I admit that you're pretty and sexy too pero mas maganda at sexy naman ako kesa sa'yo. Nakatakda na kaming ikasal that's why you need to know your place, okay?" nagulat ako sa biglang pagbabanta nito sa'kin, hindi ako nakasagot kaagad dahil sa pagkagulat.
"You're getting into my nerves, alam mo ba yun? I'm warning you, 'wag na 'wag mo 'kong susubukan, got it?" maarte at galit na saad nito at tinulak ako kaya't napaupo ako sa sahig, ang sakit.
Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Gabriel. Napatingin ito sa direksyon ko at bakas ang pagtataka sa mukha nito. Kaagad ako nitong tinulungan, napayuko na lamang ako at nagpaalam na uuwi na dahil time na rin ng pag-out. Ang sakit rin ng pwet ko, nakakainis 'tong girlfriend ni Gabriel, wala naman akong ginagawang masama sakanya.
Bago pa man ako makaalis ay sinabi pa ni Gabriel na kakausapin n'ya raw ako bukas, tumango lamang ako bilang tugon at lumabas na ng pinto, naghihintay na rin sa'kin si Greg sa labas. Paika-ika akong naglalakad dahil pati tuhod ko ay masakit.
___________________________________
Nang makalabas na si Felise sa loob ng office ay tinapunan ko ng malamig na tingin si Maggie. Hahalikan sana ako nito sa pisngi but i dodge it. Pinulupot na lang nito ang mga kamay sa braso ko at hinaplos haplos ito. Iwinaksi ko ang pagkakahawak n'ya sa braso ko, para s'yang linta.
"What was that, Maggie? I saw you pushing my secretary, what wrong with you huh?" i asked her, naiinis ako sa nakita ko kanina.
"Nauna s'ya e, she insulted me kaya and said some bad words about me." tugon nya at umiiyak, i know that her tears was fake.
"How could you do that to her, my secretary would never do such things like that to you."
"Now your siding on her, i just teach her some lesson para naman alam n'ya kung saan s'ya lulugar."
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...