"Raven? Anong ginagawa mo rito" nagtataka kong tanong sakanya.
"Sabi ni Tita Melanie ay pumunta raw ako dito dahil may tuturuan raw ako." saad ni Raven.
"Ganon ba? Pasok ka muna." paanyaya ko rito at binuksan ng tuluyan ang pinto upang makapasok si Raven.
Tanging ngiti at pag tango lamang ang naging tugon n'ya. Nang makaupo kami sa ay hindi ko napansin na mayroon pala 'tong mga bitbit na librong nakalagay sa isang bag.
"May emergency si Tita Melanie kaya ako muna ang magtuturo sayo, ayos lang ba 'yon?" saad nito at inilapag sa lamesa ang mga dala nitong libro.
"Oo naman, walang problema saakin. Baka nga ay ako pa ang nakakaabala sainyo." nahihiya kong tugon rito.
"Sus! Malakas ka sakin Rachel, kaya wag kanang mahiya. Tutal vacation naman na namin at wala naman akong gagawin sa bahay." saad nito habang nakangiti.
"Salamat." tugon ko rito.
"Gusto mo bang mag almusal muna?" tanong ko rito habang pinagmamasdan ko itong isa isang nilabas ang mga libro na nasa loob ng bag n'ya.
"No thanks, nakapag-almusal na ako bago pumunta rito." nakangiting tugon nito
"Nga pala, nakausap mo na ba si Gabriel?" tanong ko rito.
"Hindi pa e, don't worry dadalawin ko s'ya mamaya. Titingnan ko rin kung humihinga pa s'ya." tugon n'ya.
"Salamat, Raven." nakangiting pasasalamat ko.
"Shall we start?" tanong n'ya sakin.
Tango lang at ngiti ang naging tugon ko. Nagsimula na n'ya akong turuan at itinuon ang aking atensyon kay Raven dahil gustong gusto ko talagang matuto ng mga bagay na natututunan ng isang bata sa paaralan.
Pinahapyawan n'ya ako sa mga asignaturang ituturo n'ya saakin. Madali ko namang naintindihan ang mga ito dahil magaling magturo si Raven.
___________________________________
"I'm impressed! Ang dali mong matuto, baka nga maubos kaagad natin 'tong mga libro sa isang linggo lang!" bakas ang pagkamangha sa tono ng pananalita ni Raven.
"Hindi naman, magaling ka lang talagang magturo." papuri ko rito dahil totoo naman na magaling magturo si Raven.
"Siguro ay gusto mong maging guro." pagbibiro ko.
"Woah! How did you know? Tama nga ang sabi nila na palaging tama ang mga babae." natatawang tugon ni Raven.
"Seryoso? Nagbibiro lang ako, pero ipagpatuloy mo yan. Alam kong matutupad mo yan."
"Salamat, Rachel. Sa katunayan ay ikaw palang ang naturuan ko. May mga gustong kumuha saakin bilang tutor pero tinanggihan ko sila dahil baka hindi pa ako ganon kagaling, kaya salamat! For giving me the courage and motivation." pasasalamat nito saakin.
"Ano ka ba, wala yun tsaka totoo naman talagang magaling ka. Hindi mo kailangang pagdudahan ang kakayahan mo." may sensiridad kong saad kay Raven kaya napangiti na lamang s'ya.
"No wonder nagustuhan ka ng mokong na yun, ang swerte n'ya sa'yo."
May kung anong binulong si Raven sa kanyang sarili na hindi ko naman maintindihan ngunit hinayaan ko na lamang ito.
"I think that's all for today Rachel, siguro bukas ulit pero hindi ko alam kung ako ulit ang magtuturo sa'yo, kung wala ng emergency sa bahay nila Tita Melanie ay baka s'ya na ang nandito bukas." saad n'ya.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...