Maaga akong nagising kahit ilang hours lang ang tulog ko, nag-alarm talaga ako para sa araw na 'to. I did my morning routines and nakapagready na rin ako ng almusal ko. Kumain muna ako bago napagpasyahang mag bihis na.
I'm wearing a white polo and black coat paired with black pencil skirt and black heels. I also wear a silver watch na regalo sakin Greg. Umupo ako sa harap ng vanity table at naglagay ng light make-up to make me even more presentable and tied my hair up into a pony tail.
Nilagay ko sa bulsa ng coat ko ang phone at cards ko. I looked myself in the mirror, i look nice and presentable. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan ngunit isinawalang bahala ko na lang ang kaba.
Nabaling ang atensyon ko sa coat ko, nag-vibrate 'to, someone's calling me. Dinukot ko ang phone sa bulsa at kaagad na nakita ang pangalan ni Greg sa screen. Kaagad kong sinagot ang tawag at tinapat ang phone sa tenga habang nakatingin pa rin sa salamin.
"Yes?" i said.
"Good morning, ready to go?"
"Oo, naka ready na 'ko."
"By the way, nag breakfast kana ba? If hindi pa, i can drop you off sa restaurant mo. Nasa labas pala ako ng condo mo."
"Sorry, kanina ka pa nandyan? Bakit ngayon mo lang sinabing susunduin mo pala ako."
"Don't worry, kakarating ko lang rin naman dito. I texted you this morning, hindi mo ba nakita?" tanong nito sa kabilang linya.
"Hindi ko napansin, i'm really really sorry." paghingi ko ng tawad at wala sa sariling napakamot sa batok.
"It's fine, i'll just wait you here outside."
"I'll be right there." i said while smiling, as if na makikita n'ya ako at binaba ko na ang tawag.
Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Nang makuntento na 'ko sa suot at itsura ko ay kaagad kong nilagay sa bulsa ang phone at susi ko sa condo, naglakad na ako palabas ng kwarto.
I locked my condo at naglakad na papunta sa elevator, i pressed the ground floor. Yung condo ko ay nasa second floor lang nitong building kaya hindi masyadong time consuming sa pagbaba.
Kaagad kong nakita si Greg na nakatayo sa harap ng kotse n'ya, sikat na brand ang kotse na meron s'ya, hindi ko lang talaga matandaan ang pangalan.
I admit na hindi ako mahilig at wala akong masyadong alam sa mga brand ng kotse at kahit ano pa man. Nabaling ang tingin saakin ni Greg ng makalapit na 'ko rito."You look stunning as always." he said in awe kasabay ang pagkislap ng mga mata n'ya.
"Thanks, Greg. Ang pogi rin natin today ha!" i complimented him back.
"Ngayong araw lang pala ako pogi." malungkot na saad nito.
"Baliw, lika na nga." saad ko habang natatawa.
"Nasabahin pa nga ng baliw, at least pogi 'di ba?" nakasimangot na saad nito kaya't napapatawa na lang talaga ako sa kakulitan n'ya.
"Ang kulit mo, Gregorio." i said and slightly pinched his cheeks.
"I know that i'm adorable, Rachel. Hindi mo man sabihin pero ramdam ko ang gigil mo." saad n'ya dahil hindi ko namamalayang napapalakas na pala ang pagkurot ko sa pisngi n'ya.
"I got carried away." i chuckled.
"Anyway! After you, milady." he said using his baritone voice and opened the door like a gentleman.
YOU ARE READING
Lost Stars
Storie d'amoreA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...