Pagkalabas ko ng restaurant ay kaagad akong naghanap ng taxi, hindi ko namalayan ang oras. Alas kwatro na pala ng hapon.
Pumara ako ng taxi at kaagad na sumakay rito, sinabi ko kaagad kung saan ako pupunta. Naisipan kong dalawin muna si Mama sa sementeryo bago dumiretso sa condo ko.
Saktong pag-on ko ng phone ko ay nakita kong nag message saakin si Greg. He was asking if nakauwi na ba ako, i texted him back na dadalawin ko muna si Mama and after nun uuwi na lang rin naman ako.
He replied, "Okay! Text me kung nakauwi kana, ingat! Love you!" kaya't napangiti na lang ako."Manong dito lang po." kaagad namang hininto ni manong ang sasakyan sa harap ng sementeryo, inabot ko rito ang bayad at nagpasalamat bago lumabas ng sasakyan.
Pumunta muna ako sa isang flower shop na katabi mismo ng sementeryo at bumili ng bulalak, posporo at kandila para kay Mama. Pagkatapos kong bumili ay kaagad naman akong pumasok sa sementeryo.
Kaagad ko namang nahanap ang puntod ni Mama, umupo ako sa harap nito at naisipan ng sindihan ang kandila. Nilagay ko sa puntod n'ya ang bulaklak na binili ko kanina.
"Ma! May trabaho na ako! Naalala mo ba yung kompanyang sinasabi ko sa'yo noon na gusto kong pasukan? Mataas raw sahod doon e kaya ayon. Nakapasok ako Ma!" i cheerfully said habang nakatingin sa puntod ni Mama.
"Yung restaurant ko naman, si Greg pa rin ang nagma-manage. My restaurant was named after yours 'di ba, Che's Restaurant kasi ipinatayo ko 'yon para sa'yo. Sana sinabi mo na sakin noon pa na may sakit kana pala sa puso nung oras na umalis ka ng isang linggo sa bahay noon, na kaya ka umalis dahil magpapagamot ka 'di ba? Pero panandalian ka lang palang gumaling nun." mahabang lintaya ko at hindi ko na mapigilang maluha.
"Miss na kita ng sobra, Ma! Nung nagsisimula palang ang restaurant ko nandyan ka pa pero ngayong unti unti ng nakikilala ang restaurant saka ka naman nawala."
Marami pa akong naikwento kay Mama, hanggang sa maupos na ang kandila. Hindi ko rin namalayang madilim dilim na pala. Naramdaman ko ang biglang pagpatak ng tubig sa pisngi ko, hudyat na uulan.
Narinig ko ang biglang pagbubos ng ulan, ipinikit ko ang mata at hinihintay kong mabasa ako pero wala akong naramdamang tubig na tumatama saakin.
Naramdaman kong may mga paang naglakad papunta saakin kaya't kaagad kong minulat ang aking mga mata at iniangat ang tingin sa taong may hawak ng itim na payong.
Isang matangkad na lalaki, naka hoodie ito at may shades na suot. Ramdam ko ang pagtitig n'ya saakin kahit hindi ko makita ang mga mata n'ya. May jacket itong dala at pinatong sa balikat ko ng nakaluhod.
Sabay kaming tumayo muntik pa akong matumba pero kaagad n'ya naman akong nasalo. Kaagad rin naman akong umayos ng tayo at pinagpagan ang sarili.
"Thank you, Mister. I'm Rachel by the way." i said while smiling at inabot ang isa kong kamay para makipag-shake hands.
"Next time magdala ka ng jacket at kasama, lalo na pag gantong gabi na. There's a lot of creepy guys out there." the guy said in a cold voice, parang familiar ang boses n'ya saakin pero ipinagsawalang bahala ko na lang at hindi na nagsalita pa.
Sabay kaming naglakad palabas ng sementeryo habang nakayakap ako sa sarili, nakatapong pa rin sa balik ko ang jacket na galing sakanya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at madilim na rin ang paligid.
"Come closer to me, mababasa ka." he said using his cold voice kaya't sinunod ko naman ito, he seems harmless anyway and somehow, i felt some security habang magkalapit kami.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...