Chapter 14 : Pagdating

53 5 0
                                    

      I'm here at the bridge at exactly 12:00 pm. Habang hinihintay ko si Felise ay napansin ko ang mga bangkang naririto sa tabi ng tulay. Bigla akong may naisip at tumango tango habang nakangiti ng parang ewan.

      Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at naglaro muna ng kung ano ano to lessen the boredom i feel while waiting for Felise to show up here at the bridge.

      Dumaan ang ilang minuto, natapos ko na ang nilalaro ko at wala pa rin si Felise. Siguro'y nakatulog s'ya o hindi kaya'y mayroong ginagawa. Bumalik ulit ako sa paglalaro, nang magsawa na ako ay kumuha ako ng iilang bulaklak para sana ibigay kay Felise.

     Isang oras na ang nakakalipas at wala pa rin si Felise. Baka hindi naibigay ni Krin yung sulat na ipinadala ko sakanya, Krin is the name of my pet parrot. Nung nasa tulay rin ako kaninang umaga, pagbalik nito ay wala na itong hawak na papel. Hindi kaya'y nabitawan ni Krin habang lumilipad sya pero napaka imposible naman.

     Baka nga ay nahulog ni krin, kaya babalik na lang siguro ako. Akmang maglalakad na ako paalis sa lugar na iyon ng marinig ko ang isang napakagandang pamilyar na boses.

       "Gabriel! Sandali!" pagpapatigil na sigaw nito saakin. Kaagad akong humarap ng tawagin ako nito, saglit akong natigilan dahil sa gandang taglay nito. She never fails to amaze me by her beauty everytime i saw her. Nakangiti akong naglakad papunta sakanya pansin ko rin ang paghahabol ng hininga nito, siguro'y nagtatakbo ito papunta rito, pasaway talaga.

      "You look stunning as always." i said while smiling at her. Her dress suits her very well.

      "Manghuhula ka ba? Pareho tayo ng kulay ng damit." tanong nito saakin. Tumingin ako sa damit ko at napagtantong magkapareho nga talaga kami kulay ng damit na suot namin. Napatawa na lamang ako sa tanong nito.

      "By the way, what took you so long Felise? May nangyari bang masama sayo?" tanong ko habang sinusuri sya.
    
      Tumigil ang mga mata ko sa kamay nito, kinuha ko ang kamay nito at napansing namumula ito at may band aid sa isa sa mga daliri nito, sa hindi malamang dahilan may kung anong kuryenteng dumaloy saakin ng mahawakan ko ang kamay ni Felise. I don't know if she also feels the same electric current pero isinawalang bahala ko na lamang ito.
     
      "Wala yan, kaunting sugat tsaka paso lang naman, hindi naman ganoon kalala." she replied, i already expected that kind of reply from her so i just nodded pero bakas pa rin ang pag aalala sa aking mukha.

      "Napano ba yan?" i asked her again.

     "Napaso lang ng kape, nahulog ko rin yung mug na hawak ko kanina kaya nagkasugat pero wala na to, malayo sa bituka." natatawa tugon nito saakin and i just sigh.

      "Sa susunod ay mag iingat ka!" pangaral ko kay Felise

     "Sir! Yes Sir!" tugon nito at inilagay ang kamay sa ulo at umaakto na sumasaludo. Napatawa na lamang ako dahil sa kakulitan nito.

      "Halika na, may pupuntahan pa tayo." ani ko rito at nauna ng maglakad saakin.

      "Suot mo pala ang binigay ko sayo." ani ko at nakatingin sa likod ng buhok ni Felise dahil napansin ko ang suot na clip nito. Mas lalo akong napangiti dahil sa nakita.

      "Oo, salamat ulit rito, ang ganda." nakangiting tugon nito.

      "Birthday pala ni papa ngayon, sinabi nya saaking imbitahan kita." nakangiting saad ko sakanya.

      "Hindi mo kaagad sinabi saakin, ayos lang ba ang suot ko? tanong ni Felise at tumingin ito saakin, saglit akong natigilan at umiling iling dahil nadi distract na naman ako sa ganda nito.

Lost StarsWhere stories live. Discover now