"Hey! Rachel! You're spacing out again." pagtawag saakin ni Raven kasabay ang mahinang pagtapik sa balikat.
"Pasensya na, ano nga ulit 'yon?" tanong ko dahil hindi ko namamalayang kahit saan saan na pala napadpad ang isip ko.
"I think mahina ang attention span mo ngayon. Let's take a quick break, what's bothering you? Is it Gabriel?" mapanuksong saad nito.
"Hindi no!" pagtatanggi ko kahit totoo namang si Gabriel nga ang bumabagabag sa isipan ko.
"You're not being honest with yourself Rachel, pagkakasabi ko palang ng pangalan ni Gabriel kanina, your eyes sparkled and it tells everything."
"Ganon ba 'ko kahalata? Oo na, miss ko na si Gabriel." tugon ko at ipinatong ang ulo sa lamesa.
"Oo, you're not good at lying, galing galingan mo naman sa susunod." pabirong tugon nito habang natatawa.
"Speaking of Gabriel, i think ngayong araw ang uwi n'ya." dugtong pa nito kaya't napaangat ako ng tingin kay Raven.
"Talaga? Anong oras?" mabilis kong tugon.
"Pag si Flyn talaga ang usapan ang bilis bilis mo." saad n'ya habang mapanuksong tingin.
"Nagtatanong lang naman e."
"I don't know kung anong oras pero alam kong ngayong araw ang uwi n'ya."
"Ahh, share mo lang?" pangbabara ko rito, nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya't napatawa na lamang ako.
"Ikaw nagtanong tapos sasabihan mo 'ko ng share mo lang."
"Natututo kana talaga sakin, baka sabihin ni Tita Cheryl iba ang tinuturo ko sa'yo." natatawang saad nito.
Natigil ang pagtawa ni Raven ng biglang may tumawag sa telepono n'ya. Sinenyasan n'ya akong sasagutin n'ya muna ang tawag at tango lamang ang naging tugon ko.
"Hello? Flyn! Ikaw pala yan." saad n'ya habang may mapanuksong tingin saakin, inirapan ko ito at tumingin sa may bintana dahil alam kong mang-aasar na naman s'ya.
"Talaga? Kahapon ka pa pala nakauwi. Yes, nandito si Rachel. Gusto mo ba s'yang makausap?" pagkasabi ni Raven ay kaagad kong binalik ang tingin rito.
"Okay okay, i'll give this phone to her."
"Here, Rachel. Gusto kang makausap ni Flyn." saad n'ya at binigay n'ya saakin ang telepono.
Ginaya ko ang ginawa n'ya kanina at tinapat rin ang telepono sa gilid ng aking tenga.
"Hello?"
"Felise! Finally, nakausap na rin kita." tugon sa kabilang linya, napangiti na lamang ako dahil namiss ko ang boses n'ya.
"Kumusta ka nga pala? I'm really sorry na naiwan kita bigla nung birthday ni Daddy, babawi ako. I'll explain everything kapag nagkita na tayo." dagdag pa nito at bakas ang pag kalungkot sa boses n'ya.
"Ayos lang naman ako at tsaka walang problema sakin 'yon hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Ikaw? Kumusta ka na?" masayang tugon ko.
"I'm fine and-" hindi na natapos ni Gabriel ang sasabihin n'ya ng biglang may tumawag sakanya.
"I'm sorry, Rachel. May gagawin muna ako, i promise na babawi ako." malungkot na saad nito at binaba na ang tawag.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya at lungkot pero mas pinili ko na lamang na intindihin s'ya, ibinalik ko ang telepono kay Raven.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomansA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...