Isa sa mga ginagawa ko araw araw ay ang pag babasa ng mga libro libro. Nagpapasalamat talaga ako kay mama dahil binibilhan nya ako ng libro sa bayan.Ayon sa librong nabasa ko, maganda raw sa labas at maganda rin daw ang bayan. Nakikita ko naman sa labas ng aking bintana ang mga halaman at bulaklak sa ibaba, gusto ko sanang maapakan ang mga damo at maramdaman ito, nais ko ring maramdaman ang pag daloy ng ilog sa aking mga paa at langhapin ang simoy ng sariwang hangin.
Gusto ko ring pumitas ng mga bulaklak at may nabasa akong libro na mayroong mga bulaklak na nakalalason at hindi, ngunit gusto ko pa rin itong mahawakan.
"Rachel anak! aalis muna si mama, may gusto ka bang ipabili sa bayan? "
"Wala po mama, bakit po parang ang aga nyo naman po masyado kaysa sa dati nyong pagpunta sa bayan? " nagtataka kong tanong kay mama dahil sa napaka aga n'ya.
"Mas mabuti nang maaga anak, para malaya akong makamili ng mga kailangan natin dito sa bahay, 'wag nang maraming tanong tanong pa at aalis na ako." bago umalis si mama ay hinagkan muna ako nito sa noo at umalis na papuntang bayan.
Hinintay kong makababa si mama, tiningnan ko s'ya sa aking bintana at kumaway, kumaway rin ito pabalik ay sumenyas na pumasok ako sa loob.
Ala singko palang ng umaga at may pagkamalamig lamig pa ang simoy ng hangin.
Linigpit ko muna akong aking pinaghigaan at iniunat unat ang mga kamay at paa.
"Ano pa bang maaring gawin... " pag iisip ko ng makita ang lababong may mga hugasan pa ay siyang hudyat na kailangan ko ng hugasan ito.Ang kwarto ko ay para ng isang buong bahay ngunit hindi naman ganoon kalakihan. Mayroong lababo, kusinang katabi lang ng lababo, lamesa kung saan kami kumakain ni mama, kama na dalawang tao ang mag kakasya at banyo.
Pagkatapos kong maghugas ay maglilinis lang ako sandali dahil palagi naman akong naglilinis sa aking kwarto.
Umupo ako sa aming lamesa at nag timpla ng maiinom na kape, tumayo ulit ako upang maghanap ng biscuit sa kabinet. Nang makuha ko na ang aking nais ay bumalik ako aming lamesa at pinagpatuloy ang pag higop ng kape.
Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ay pasado alas sais na pala ng umaga, kaya't inihanda ko na ang aking susuotin sa araw na ito at pumunta na sa banyo ng makapag sipilyo at ligo na ako.
Pagkalabas ko sa banyo ay ang saktong pagbukas ni mama ng pinto sa aking kwarto.
"Magandang umaga mama." masayang bati ko kay mama
"Maganda umaga rin anak, nag almusal kana ba?"
"Opo, kakatapos ko lang po." tugon ko rito.
Bago alisin ni mama ang balabal na nakatakip sa kanyang ulo, ay pansin ko ang kaparehas na simbolong nakita ko sa litratong nakita ko sa loob ng kabinet, hindi gaanong kalakihan ang simbolo ngunit kitang kita kong magkaparehong magkapareho ito sa simbolong nasa litrato.
"Mama, saan nyo po nakuha iyang balabal na 'yan? takang tanong ko kay mama na siyang ikinagulat nito ngunit sandali lang iyon
"Ah, ito ba? " turo nya sa balabal na tinutukoy ko, tumango ako bilang tugon.
"Gusto mo ba nito anak?"
"Hindi po mama, napansin ko lang po kasing iyan palagi ang gamit nyong pantakip sa iyong ulo"
"Nabili ko lang ito sa bayan, hayaan mo't pag nakaluwag luwag ang mama ay bibilhan kita ng isa sa mga ito" ngiting tugon ni mama.
"Mama naman po e! Nagtatanong lang naman po ako, hindi nyo na po kailangang bilhan pa." naka nguso kong tugon na siyang ikinatawa ni mama.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...