Chapter 11 : Kwintas

26 6 0
                                    

     Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa akin at dahil na rin sa mga huni ng ibon. Nang imulat ko ang aking mga mata'y kaagad kong hinanap si mama. Sinuri ko ang buong bahay, wala pa rin si mama kaya tumayo na ako at ginawa ang mga ginagawa ko sa umaga.

     Nang matapos na akong maligo at magbihis ay naisipan ko munang mag linis sa bahay bago mag almusal, uminom muna ako ng tubig. Maaga pa naman kaya sinimulan ko ng mag linis.

     Sinimulan kong ayusin ang aming higaan at pinagpagan ang kumot at unan sa labas ng bintana. Pagkatapos ay kinuha ko ang walis at nagsimula muna sa pinakasulok ng kama pati na sa ilalim. Nang mapadpad ako malapit sa lumang kabinet ni mama ay kinuha ko ang maliit na walis na pang alis ng mga alikabok at nag simula nang linisin ang kabinet.

     Inuna ko ang ibabaw ng kabinet ng may mapansing kwintas sa ibabaw nito, isa itong gold necklace, ang pendant nito'y isang hugis pusong. Nagulat ko ng mabuksan ko ang pendant, may pangalan na nakalagay rito, ranz ang pangalan na nakalagay rito.

     Nagtaka ako kung sinong ranz ang nasa kwintas ni mama, siguro ay iyon ang pangalan ng papa ko. Hinawakan ko muna ito sa aking kamay at patuloy na nilinis ang kabinet ni mama. Nang matapos na ako sa kabinet ni mama ay sinunod ko na ang akin. Pagkatapos kong linisin ang kabinet naming dalawa ni mama ay nagpatuloy na ako sa pagwawalis sa aming bahay. Pagkatapos ng lahat ay kumuha ako ng tubig at umupo na dahil masyado na akong pinag papawisan.

     Ilang sandali pa ay may narinig akong pagkatok sa pinto. Dali dali ko itong binuksan dahil iniisip kong baka si mama na ito. Nang mabuksan ko na ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Gabriel na may dalang basket.

     "Good morning Felise, pasensya kana sa biglaan na namang pag dalaw ko, ah eto pala para sayo." nakangiting inabot saakin ni Gabriel ang basket.

     "Magandang umaga rin, pasok ka." paanyaya ko rito.

     "Pasensya na rin kung pawisan ako, naglinis kasi ako mga bahay, sandali dyan ka lang muna." nilapag ko muna ang basket sa lamesa at dali daling pumunta ng banyo.

     Nag paalam muna akong maliligo, hindi ko muna tiningnan ang laman ng basket at dali daling naligo. Pagkatapos ay nag bihis na ako ng pambahay at lumabas na ng banyo habang pinunasan ang buhok. Pinalibot ko ang tuwalya sa aking buhok at tinaas ito.

     Tumungo na ako sa kung saan nakaupo si Gabriel at umupo sa katabi nitong upuan, binukasan ko ang basket nakita ko ang iba't ibang uri ng pagkain pang agahan at meron ring ulam para sa pananghalian.

     "Tamang tama talaga ang dating mo Gabriel, hindi pa ako kumakain ng agahan at saktong tinatamad rin akong magluto ngayon." nakangiting sabi ko rito.

     "Oo, patay gutom ka pa naman." natatawang pagbibiro nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

     Inilabas nya ang mga pakain at nilapag sa lamesa, pumunta naman ako ng kusina upang kumuha ng plato, kutsara at baso. Pagkatapos kong kunin ito ay tumungo na ako sa lamesa at tinulungan sya sa pag aayos ng mga pagkain. Nagtimpla ako ng gatas at kape, binigay ko sakanya ang kape at nagsimula na kaming kumain.

______________________________

     Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla itong nagsalita.

     "Nasan pala ang mama mo Felise?" tumigil muna ito sa pagkain at tinanong ako nito.

     "Nasa bayan ito, nagtatrabaho. Maraming pinagkautangan si mama kaya kailangan n'yang pagtrabauhan ito. Ilang araw syang tatagal roon, hindi ko rin alam kung kailan sya uuwi pero sana'y hindi sya matagalan." tugon ko rito. Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain.

Lost StarsWhere stories live. Discover now