"How was you first day, Rachel?" tanong ni Greg habang nagmamaneho.
"Wala pa naman ako masyadong ginawa kanina, i think magsisimula talaga yung trabaho ko bukas." tugon ko rito, he just smiled and nodded.
"Nga pala, hindi ka ba kumain kanina? I waited for you na bumaba kanina and pumunta sa restaurant pero wala ka. Our friends were there kanina, ikaw lang wala. Gusto mo muna palang bumalik muna tayo? Hindi pa naman ako nakakalayo. Baka hindi ka pa kumakain?" pagbato nito ng maraming tanong saakin habang sa kalsada pa rin ang tingin.
"I'm sorry na pinaghintay kita, nakalimutan ko ring sabihin sa'yo na sa loob na 'ko ng company kumain." saad ko at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sakanya na binigyan ako ng lunch ng boss ko, which is si Gabriel na kinukwento ko sakanila before.
"May baon ka ba? Wala naman akong nakitang may bitbit ka kanina." nagtatakang tanong nito at napakunot ang noo bigla.
Am i being suspicious?
"Don't tell me na nagd-diet ka. Look, Rachel your body is perfectly shaped and healthy kahit naman maging chubby ka, you're still pretty, okay!?" napatawa na lang ako ng mahina dahil sa mga sinabi n'ya, he's really caring.
"Hindi naman ako nagd-diet, actually binigyan ako ng boss ko ng lunch." pag-aamin ko at mas lalong kumunot ang noo n'ya dahil rito.
"I thought matanda na 'yong CEO ng The Quest, don't tell me na natipuhan ka n'yan." pagkasabi n'ya nun ay napahalakhak ako ng tawa.
"I'm being serious right here."
"Why would you think of that, hindi ka ba nanood ng balita na papalit muna as acting CEO is 'yong anak n'ya."
"Kasing edad ba natin s'ya?"
"I think so." narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Mukhang may karibal na naman ako."
May kung anong binulong si Greg pero hindi ko naman narinig dahil sobrang hina ng pagkakasabi n'ya.
"Ano 'yon, Greggy?"
"Wala, ang sabi ko mukhang may kambal ako."
"Really?Bakit ngayon mo lang sinabi?" gulat na tanong ko rito.
"Uto uto ka talaga no?" he said softly and chuckled.
"Ewan ko sa'yo, kung ano ano na namang pinagsasabi mo." i said while pouting.
"Andito na tayo." saad ni Greg at nauna ng bumaba ng kotse para pagbuksan ako.
"Thank you sa paghatid, do you want to come in ba? Kung gusto mo dito kana mag dinner?"
"Aalis rin naman kaagad ako."tugon nya at bigla akong niyakap, nagulat pa 'ko pero nakabawi rin naman kalaunan at niyakap ito pabalik.
Ilang minuto kaming tumagal sa pagkakayakap. Akmang aalisin ko na ang kamay ko ng mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap saakin pero hindi naman sa puntong masasaktan ako.
"Bitaw na, Greggy. May pupuntahan ka pa 'di ba?" i said and slightly tap his back.
"Let's stay like this for a couple of minutes, please?"
Napabungtong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganto ngayon. Mga ilang minuto pa ay naramdaman ko ang unti unting pagbitaw nito sa pagkakayakap.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko, he gently smiles before answering.
"Wala naman, i really love to your face worrying about me. I felt so loved by you, even though..." lumayo ito papalayo at hindi ko na narinig pa ang mga sinabi nito.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...