Chapter 15 : Lumisan

88 5 0
                                    

     Pagkamangha ang una kong naramdaman ng makita ang bahay nila Gabriel, hindi na ata bahay ang tawag rito kundi mansion. Dumako ang aking tingin sa mga taong nakatingin sa amin, tila kami na lamang ang hinihintay na bisita o hindi kaya'y itong katabi ko lang. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa magagarang suot ng mga taong naririto at sa mga tingin nitong tila sinusuri ang buo kong pagkatao.

     Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Gabriel dahil sa kabang nararamdaman ko. Tumingin ako kay Gabriel upang ipahiwatig sakanya na bumalik na lamang kami sa bahay at umalis na sa lugar na ito ngunit binigyan ako nito ng isang ngiti na nagpapahiwatig na magiging ayos rin ang lahat.

     Napabuntong hininga na lamang ako at yumuko, nabigla ako ng biglang hinawakan ni Gabriel ang aking bewang at hinigit papalapit sakanya, kaagad rin naman akong nakabawi sa pagkagulat at kalauna'y mas naging kampante at komportable. Napahawak na lamang ako sa aking cardigan.

     Sabay kaming nag lakad ni Gabriel papasok ng kanilang mansion, mas lalong bumungad saamin ang napakaraming tao na nasa loob. Halatang mga mayaman ang mga bisita nila, ang iilan sa mga bisita'y nakatingin sa direksyon kung saan kami nag lalakad at ang iilan naman ay nag bubulong bulungan habang pasulyap sulyap saamin.
    
     Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon, ito ang kauna unahang beses na makadalo ako sa isang selebrasyon at ito rin ang unang beses na makapunta ako sa ganitong klaseng bahay. Hindi pa rin matanggal ang pagkamangha saakin dahil sa gara at ganda ng bahay nila Gabriel.

     Patuloy pa rin kaming naglakad at nakayuko pa rin ako, habang naglalakad kami ay binabati ni Gabriel ang iilan sa mga taong madadaanan namin. Tumigil kami sa paglalakad na syang dahilan upang iangat ko ang tingin sakanya, nagtama ang aming mga mata at ilang saglit na natigilan si Gabriel at nakabawi rin naman kalaunan.

     "Sandali lang Felise, dito ka muna sa table na 'to, babalik rin naman ako kaagad tatawagin ko lang si Daddy at Mommy." pagbabasag nito ng katahimikan at ngumiti saakin, tumango naman ako bilang tugon at ngumiti pabalik.

     Napadako ang tingin ko sa lamesang puno ng mga iba't ibang klaseng pagkain. Pinaghila ako ng upuan ni Gabriel bago umalis upang tawagin ang kanyang mga magulang. Sinundan ko ito ng tingin habang papalayong naglalakad, binati n'ya ang iilan sa mga bagong dating na bisita at iilang mga bisita na sa tingin ko'y mga kasing edad namin.

     Ako lamang ang mag-isa sa lamesang ito. Tumingin ako sa paligid at may kanya kanya rin itong mga lamesa at kanya kanyang pinagkakaabalahan. Mayroong nakahandang plato kutsara na nakapatong sa lamesa, mayroon ring kutsilyo na sa tingin ko'y pang hiwa ng pagkain. Sinimulan ko ng kumuha ng pagkain.

        Kumpleto ang lamesang ito, may mababasaging baso at pitchel na rin. Nagtaka ako sa isang mala baldeng maliit na tila'y bakal na may lamang bote at mga yelo. Nakalimutan ko kung anong tawag rito, may nakita na akong ganto sa dyaryo, juice ba 'to? Hindi ko na lamang masyadong pinag tuunan ito ng pansin at nagsimula ng kumain.

______________________________

       Habang kumain ako ay may lumapit na isang lalaki saakin, iniangat ko ang tingin rito at bumungad saakin ang gwapong mukha ng isang mestisong lalaki.
    
     "Hi! Are you Flyn's girlfriend?" tanong nito saakin habang nakangiti at iniabot ang kamay nito upang makipag kamay, malugod ko naman itong tinanggap at nginitian ito pabalik.

    "I'm really looking forward to meet you, I'm Raven by the way." dugtong nito.

     "Rachel Felise nga pala, hindi ko nobyo si Gabriel, magkaibigan lang kami." pagtatangging tugon ko rito.

     "Oww! I thought they're already together, tsk! That man really sucks."
   
     May kung anong binulong bulong ito na hindi ko maintindihan kaya't hinayaan ko na lamang kung ito.

Lost StarsWhere stories live. Discover now