Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gabriel na pumupunta rito sa gubat. Simula noong ilabas ako nito sa bayan ay iyon na ang huli naming pagkikita. Siguro ay tumutulong ito sa kanyang ama dahil malapit na raw ang kampanya nito. Kaya't naghahanda na sila.
Tumatakbo bilang mayor ang ama ni Gabriel. Hindi ko rin natanong kung Ranzel ba talaga ang pangalan ng kanyang ama at kung siya ba ang nasa litratong 'yon.
Pansin ko ring parehas ang mata nila sa litrato kaya hindi maikakailang mag ama sila kahit na hindi sila masyadong magkahawig. Siguro ay mata lang ang nakuha nito sa kanyang ama."Rachel! kunin mo nga yung towel dyan sa may lamesa, punasan mo nga pawis ni mama!" pasigaw na tawag saakin ni mama. Kinuha ko ang towel sa lamesa at pinunasan ang pawis nito. Napansin ko rin ang pagkaputla ni mama nitong mga nakaraang araw.
"Nga pala, baka mga ilang araw akong hindi makauwi dito sa bahay anak. May kailangan lang talaga akong gawin para mabayaran ang inutangan ko nung nakaraan. " sabi saakin ni mama pagkatapos kong punasan ang kanyang noo. Binigay nito saakin ang susi ng bahay na syang ipinagkataka ko.
"Hindi ibigsabihin na ibinigay ko sayo ang susi ay maaari kanang lumabas palagi, malaki kana at alam kong alam mo na lahat ng bagay ay may limitasyon. "pangaral nito saakin. Tumango ako at ngumit.
"Opo mama, alam ko po 'yun!" masigla kong tugon kay mama at niyakap ito.
"Mag-iingat po kayo, wag nyo pong masyadong papagurin ang sarili nyo kung maaari." paalala ko rito.
Pumunta si mama sa kabinet at kinuha ang maleta. Nagsimula na si mama na ilagay ang iba nyang damit rito at mga kailangan nya. Ipinagtaka ko dahil may mga papel itong hawak at inilagay sa brown na envelope. Hindi pinakita ni mama ang laman nito kaya't hindi na ako nag tanong pa. Maaaring kailangan nya itong mga papeles na ito dahil sa kinauutangan nya.
Nang matapos na kaming ilagay ang mga gamit na kailangang ilagay sa maleta ay inihanda ko na lamesa ng makakain na kami. Pagkatapos naming kumain ay tumayo na si mama at inihanda ang sarili upang umalis.
"Rachel anak, alalahanin mo lahat ng binilin ko sayo. " paalala nito saakin.
"Opo mama, alalahanin nyo rin po ang mga binilin ko sainyo. Alagaan nyo po ng mabuti ang sarili nyo kung saan kayo tutungo." sa huling pagkakataon ay niyakap uli ako ni mama.
"Mag iingat po kayo." bulong ko rito habang nakayakap pa rin. Unang kumalas si mama sa aming pagyayakap at nagpaalam na aalis na.
Bigla akong nalungkot at kinabahan dahil ilang araw na mawawala si mama rito. Ito ang pinaka unang pag alis nito ng ilang araw. Iniwaksi ako ang pangamba at inisip na lamang na ang mga ginagawang ito ni mama ay para saaming kapakanan. Ngunit hindi pa rin ako mapakali.
Nagtimpla ako ng gatas at pumunta sa bintana upang mag pahangin. Habang nagpapahangin ako may napansin akong ibon na papalapit sa direksyon ko. Napansin ko ring mukhang ito ang ibon ni Gabriel. Inihanda ko ang aking kamay upang makadapo ito saakin. May bitbit itong papel at kinuha ko ito sakanyang tuka.
"Meet me at the bridge Felise, if your free i want to have another time for us at exactly 1:00 in the afternoon. I also want to show you something. -Gab " basa ko sa nakasulat rito. Natuwa ako sa nabasa, dahil sa wakas ay makakasama ko ulit si Gabriel.
"Salamat sa pagdala ng sulat na ito saakin. " nakangiti kong saad sa ibon, tumugon ito saakin na tila ba'y naiintindihan ako nito. Ngumiti ako rito at lumipad na ito pabalik.
_____________________________
Nang mapag isip isip kong pumunta ay inihanda ko na ang aking susuotin, dahil maaga pa naman ay nagbasa muna ako ng libro at naghugas ng pinagkainan namin ni mama.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...