Chapter 8 : Seatbelt

20 12 0
                                    

     "Napagdesisyunan mo na ba?" tanong ni Gabriel saakin.

     "Oo, sa katunayan ay mag bibihis na lang ako. Pupunta na ba tayo ngayon?" tanong ko rito.

     "Oo, kung handa kana." nakangiting tugon nito.

     "Sandali, dyan ka lang, wag kang aalis dyan. Magbibihis lang ako saglit"

     Tumungo ako sa kama at hindi na hinintay pa ang kanyang tugon. Kinuha ko ang damit na susuotin ko at pumunta nang banyo. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at tumungo sa kabinet, kinuha ko ang light brown sandals na binili noon saakin ni mama, hindi ito ganon ka taas, nang sinukat ko ito at tamang tama lang saakin.

     Kaagad akong naglakad sa kung saan nakaupo si Gabriel, nakatalikod ito saakin at umiinom ng tubig. Inalis ko ang tali sa aking buhok habang naglalakad papalapit rito, bigla itong humarap at tuluyan ko ng naalis ang tali ko rito.

     "Gabriel, halika na." pagtatawag ko rito, wala akong nakuhang sagot rito dahil nakatulala na naman ito saakin.

     "Gabriel! Gabriel!" yugyog ko rito na s'yang nagpabalik sa ulirat nito.

     "A-ano, t-tara! "nauutal utal na tugon nito ng mahimasmasan.

     "May mali ba sa suot ko?" tanong ko rito habang umiikot ng mahina upang mapakita rito ang suot ko.

     "A-ah w-wala, maayos naman ang suot mo maganda nga e! Bagay na bagay sayo!" nauutal na saad nito at kaagad na umiwas ng tingin.

     "Halika, baba na tayo." paanyaya ko rito, kaagad naman itong sumunod saakin pababa ng hagdan. Nilock ko muna bahay bago kami umalis.

     Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad papalabas ng gubat ng bigla itong magsalita.

     "Naka sakay kana ba sa isang sasakyan?" tanong nito saakin.

     "Hindi pa, hindi mo ba naaalala na noong nakaraan pa lamang ang unang pag labas ko." pabalik na tanong ko rito.

     "Oo nga naman, bakit ka pa nag tanong Gabriel." pabulong na sermon nito sa kanyang sarili.

    Binalot na naman kami ng katahimikan at nagpatuloy na lamang sa pag lalakad, nang makarating na kami sa kalagitnaan ng tulay ay biglang huminto sa paglalakad si Gabriel at napahinto rin ako.

    "Bakit ka huminto? May problema ba?" tanong ko rito at nagtatakang tiningnan ito. Hindi ito sumagot saakin at may kinuhang pulang maliit na kahon sa bulsa nito.
   
    Binuksan nya ito at nabigla ako ng inilabas nito ang kwintas na nakapaloob rito. Bulaklak na daisy ang pendant nito.

    "Para nga pala sayo." isinuot nya ang kwintas saakin. Nginitian ko ito.

    "Salamat, mukhang mamahalin ito. Hindi ko matatanggap ang gantong mga regalo." sabi ko rito ng may sensiridad at akmang huhubarin na ang kwintas ng pinigilan ako nito.

    "No! Pinagawa ko ito para sayo, please take it. Wala akong hinihinging kapalit o kahit ano man, just please take it." nagmamakaawang tugon nito.
   
    Kaagad akong sumuko ng makita kong malungkot ang mukha nito. Tumango ako rito at nginitian sya. Lumiwanag naman ang mukha nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
________________________

    Nang makarating na kami sa bayan ay patakbo kong pinuntahan ang fountain na nasa gitna ng bayan, umupo ako sa gilid at ninamnam ang tubig na umaagos sa aking kamay. Nakita kong papalapit saakin ang mga batang nag tirintas noon ng buhok ko.

    "Hi po ate ganda!" pagbati saakin ni Emma.

    "Hi rin Emma, kamusta kayo?" tanong ko rito at kinandong saakin, hinahaplos haplos ko ang buhok nito at hindi naman ito umalma, mukha pa nga itong nasisiyahan sa ginagawa ko.

Lost StarsWhere stories live. Discover now